Weight Over You - Chapter 1
"Bakit nag-bubuhat ka ng gan'yan? Tomboy ka ba, Hiraya?"
Natanggal ang ngiti sa labi ko nang may sumulpot na dalawang lalaki sa may bandang gilid ko. Jericho ang pangalan ng nag-salita, taga-kabilang section siya. Nasa likuran ako ng school kung nasaan ang soccer field at track and field, meron kasing bakal na mabigat dito at sinusubukan kong buhatin. Naka-atras pa ang kaliwa kong tuhod upang mabalanse iyon at matansiya ang bigat katulad ng turo ni papa.
"Oo nga. Tibo ka ba?" Tumawa ang isa pang lalaki, si Arnel.
"Hindi ako tomboy..." Napayuko ako at saktong pagka-bagsak ko ng mabigat na bakal sa mga kamay ko, sumakto sa paa ng lalaking nag-lalakad papalapit sa'kin. Si Jericho!
"Aray!"
Napatakbo na lang ako paalis doon dahil sa labis na pagka-taranta. Saktong pag-karipas ko ng takbo, may naka-untugan akong lalaki. Habol ko ang hininga kong tinignan siya.
Kulay itim na buhok, kayumanggi na mga mata, maputi ang kutis, matangos ang ilong, at tila nasa perpektong pag-sukat ang kan'yang panga na nababagay lang sa mukha niya. Halata naman sa pagkakalarawan na parang siya ay anak ng araw at buwan kaya ramdam ko ang kan'yang liwanag kahit pa ilagay mo siya sa gitna ng dilim.
Napahawak siya sa ulo niya dahil sa pagka-untog namin sa isa't-isa. "Sorry."
Humingi siya ng paumanhin sa akin ngunit may ngiti sa kan'yang labi na taliwas sa kan'yang sinabi. Hindi ko alam kung bakit siya naka-ngiti, e para nga lang akong anino rito sa paaralan namin na hindi pinapansin. Kung papansinin 'man, pag-tutulungan lang nila akong asarin.
Kayumanggi ang kutis ko, hindi pango ang aking ilong ngunit hindi rin naman matangos, makapal ang aking kilay, at kulot ang dulo ng aking buhok. Palaging sinasabi ni papa na maganda ako at parang isang querubin sa isang payapang palasyo, ngunit hindi ko mahanap sa sarili ko ang gandang tinutukoy niya.
"Hira?" he called me. "May sugat ka sa tuhod mo..."
Uwang ang labi ko noong wala ako sa wisyo kaya natikom ko agad iyon nang magising ako sa realidad na mukha akong nag-papantasya sa kaharap ko ngayon. Agad kong tinignan ang tinuturo niyang tuhod at nakita kong nadugo nga ang tuhod ko. Nataranta ako.
"Var! Huwag mong hayaang tumakas ang babaeng 'yan!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Arnel mula sa likuran ko. Nag-madali akong tumayo nang mapagtantong kakilala ng bully ang lalaking nasa harapan ko. Sinubukan kong tumakbo kahit hirap akong lumakad.
Sa hindi inaasahan, inalalayan pa ako ng lalaking ka-harap ko na mag-lakad. "Ako na bahala rito!" sigaw ng lalaki sa tropa niya at sinenyasan pa silang umalis.
Lalo akong nangatog sa kaba dahil mukhang pag-didiskitahan niya rin ako. Agad akong kumawala sa kan'ya. Dahil sa nakasanayan kong lakas sa pag-bubuhat ng mabigat, napalakas din ang tulak ko sa kan'ya kaya tumilapon siya sa sahig.
"Hiraya! Sandali!" Marahan niyang hinablot ang kamay ko. Mabilis niyang nagawa iyon dahil hirap akong maka-lakad dahil sa sugat ko. "Hindi kita sasaktan," sinserong dugtong niya.
Napatingin ako sa ID niya na nasira dahil sa pagka-tulak ko sa kan'ya, malaki ang font ng ID kung nasaan ang pangalan niya.
Kirk Ivaryolo San Gaspar.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
Weight Over You
FantasiWe don't have to act strong all the time. In life, we all have our own barbells to carry. It may be spiritual barbells, emotional, or physical ones. Despite the barbells in our life, some choose to cry and mourn, while some choose to smile and act s...