Weight Over You - Chapter 12
"Huwag kang lumayo sa akin," bulong niya na may halong pag-aalala. "Huwag kang lumayo dahil kapag lumalayo ka, hindi mo maririnig ang tugtog. Bluetooth earbuds kasi ito." Turo niya sa earbuds na nasa tainga ko.
Napa-ngiti na lang ako nang mapait.
'Yun lang naman pala.
Akala ko pa naman sira na!
"Nabili mo na ba ang kailangan mo?" tanong ni Var.
Napatingin ako sa kung nasaan ang mga illustration board. "Mahal. Baka hindi na lang ako bumili."
Nag-lakad si Var sa kung saan ako nakatingin at kinuha ang isang illustration board. "Hm? Hindi naman ikaw ang mag-babayad. Ako ang mag-babayad." Nilagay niya sa cart niya ang illustration board. Kita ko na marami na rin siyang nakuha, may mga chichirya na rin doon.
"Huh? Bakit naman ikaw?" pag-tatanong ko. "Nakakahiya naman..."
"Kasi ako ang nag-sabi na rito ka na lang bumili," sagot niya. "Huwag ka nang mahiya. Mag-kaibigan naman tayo."
Ayan na naman siya sa kaibigan na 'yan.
"Tara na?" pag-aaya niya.
Sinulyapan ko pa ang mga highlighters bago ako sumunod sa kan'ya.
Kami na ang kasunod sa cashier nang mag-paalam si Var na may kukunin pa raw siya. Pag-balik niya, hindi ko na nakita ang kinuha niya dahil para bang tinatago niya iyon sa akin.
"Var... ito oh, 20 pesos. Para 30 pesos na lang babayaran mo." Inabot ko sa kan'ya ang tanging pera na nasa wallet kong warak na. "Sorry talaga, ha."
"Hindi... huwag na." Binalik niya sa akin ang bente. Isinara pa niya ang palad ko para hindi ko na ibalik sa kan'ya.
Laking pasalamat ko kay Var. Mabuti ang puso niya.
Nang makarating kami sa bahay nila, nanay ni Var ang sumalubong sa amin.
"Hello, baby!" maligayang pag-yakap ng mommy ni Var sa anak niya.
"Ma, anong baby?" Napailing si Var. "Hindi na ako bata."
Natawa ako dahil ang cute-cute nilang mag-ina.
Pinapasok ako ni mama sa loob na suot na ang unipormeng pang-katulong. Nasiyahan ako dahil parang komportable siya sa suot niya. "Ano pa pong gagawin mo, 'Ma? Tutulong po ako."
"Mag-walis ka na lang siguro sa labas, 'nak." Tumango ako sa sinabi ni mama. Habang narito ako, mas mainam na tumulong ako sa trabaho ni mama. Kita ko kasi na pawisan na siya.
Nilapag naman ni Var sa lamesa ang mga pinamili namin.
"Salamat talaga, Var," saad ko sa kaniya nang iabot niya sa akin ang illustration board.
"No problem," he replied. Tatalikod na sana ako para tulungan si mama sa trabaho niya pero bigla akong tinawag ulit ni Var. "Wait, Hiraya."
"Ano iyon?" inosenteng pag-tatanong ko.
May inabot siya sa aking maliit na box na kulay pink. Pagkabukas ko noon, kulang na lang maiyak ako sa sobrang saya. Mga highlighters iyon. Iba't-ibang klase! May glittery, may neon, may pastel, at lahat ng mga gusto ko sanang bilhin kanina. Pagkatingin ko kay Var, umiwas siya ng tingin.
"Para kanino ito?"
"Kanino pa ba?" Ngumiti siya sa akin. Isang ngiti na nakaka-kalma. Isang ngiti na nakaka-bihag ng damdamin. Isang ngiti na gusto ko palaging nakikita. "Para sa'yo."
YOU ARE READING
Weight Over You
FantasíaWe don't have to act strong all the time. In life, we all have our own barbells to carry. It may be spiritual barbells, emotional, or physical ones. Despite the barbells in our life, some choose to cry and mourn, while some choose to smile and act s...