Chapter 14

26 2 2
                                    

Weight Over You - Chapter 14


"Anak, kailan ang weightlifting club mo? Akala ko ba nais mo mag-try out."


"Next week po." Napakamot ako sa ulo dahil ngayon ko lang naalala na dapat ay nag-eensayo na ako. Miyerkules na ngayon kaya may apat na araw na lang ako para makapag-ensayo dahil sa Monday na ang try outs. Kakauwi pa lang ni papa mula sa construction site, si mama ay stay-in sa mansyon ng mga San Gaspar kaya kaming dalawa lang ang nasa bahay ngayon.


Hindi kami sabay umuwi ni Var dahil gumawa kami ng project ni Axel. Hanggang ngayon, nanunuyot pa rin ang lalamunan ko kapag naalala ang sinabi at inakto ni Axel kanina.


"Huh? Kung gayon, bakit hindi ka pa nag-eensayo?" tanong ni papa. Nag-iinit siya ngayon sa kalan ng paksiw bilang hapunan namin. "Nag-papabaya ka ba? Akala ko ba gustong-gusto mo mag-weightlifting."


"Gusto ko nga po... bukas na bukas ay mag-eensayo na ako. Sasama na ho ako ulit sa construction site bukas."


"May nahanap akong p'wede maging training coach mo, anak." Ngumiti si papa. Nag-liwanag bigla ang mga mata ko dahil gumagawa na pala agad siya ng paraan para tulungan ako. "Alam mo naman na limitado lang ang alam ko sa weightlifting, tinuruan lang kita paano mag-buhat ngunit hindi ko pa natuturo ang mga bawal at p'wedeng gawin sa laro na iyan."


Totoo na si papa ang nag-turo sa aking maging malakas. Dinala niya ako sa training center ng mga weightlifters sa bayan at noong nakita ko ang mga lalaking nag-bubuhat ng mga mabibigat na barbell, ninais kong maging katulad nila.


SUMUNOD NA ARAW, hindi ko inaasahan na pag-labas ko ulit ng pintuan ng aming tahanan, si Var ang sumalubong sa akin. May dala ulit siyang bisikleta. Hinanap ng mga mata ko ang kulay rosas na bisikleta pero wala akong nakita. Tanging ang bughaw ang dala niya.


"Hi," saad niya. "Sakay na."


Nilapag niya nang marahan ang palad niya sa upuan ng bisikleta niya. Tumaas ang kilay ko dahil gusto niya atang umangkas lang ako sa kaniya.


Napakamot siya sa ulo. "Nasira 'yung isang bike..."


"Ah, mag-lalakad na lang ako." Nag-lakad ako papalapit sa bisikleta niya. "Mahihirapan ka lang kung iaangkas mo ako."


"Ikaw na lang ang sumakay dito." Bumaba siya ng bisikleta niya kaya napa-atras ako. "Ako ang mag-lalakad."


"Hindi p'wede!" pag-tanggi ko kaya napatingin siya sa akin. "Nakakahiya."


"Kung nahihiya ka, umangkas ka na lang." Ngumiti siya at umupo ulit sa bisikleta. Hindi siya sa upuan ng bisikleta umupo, doon siya sa may harapan kung saan walang mauupuan. 


Napaka-gentleman niya talaga.


Nag-salita siya muli. "Akin na ang bag mo."


"Huh?" 


"Ako na ang mag-bibitbit," sagot niya. "Ilagay mo sa likod ko."


"Mabigat 'to," depensa ko.


Bakit ba siya ganito?


"I insist," aniya.


Kinuha niya ang bag ko at isinuot sa likuran niya. Nag-simula na siyang pumadyak kaya hindi na ako naka-tanggi pa. Naka-tagilid ako na naka-upo para may space siya.


"Hiraya..." pag-tawag niya sa akin.


Hindi ganoon ka-lakas ang hangin pero naiirita ako dahil lumilipad ang buhok ko. 


"Kasama mo ba ulit si Axel mamaya?" tanong niya na hindi ko inasahan. May dumaan na aso sa harapan namin kaya napa-preno siya nang malakas kaya napakapit ako sa kan'ya nang mahigpit. Napa-pikit na lang ako sa pagka-bigla nang mag-salita siya muli. "Sabay ba ulit tayo pag-uwi?"

Weight Over YouWhere stories live. Discover now