Weight Over You - Chapter 22
FLASHBACK
Simula noong Grade 1...
"Oh, ayan! Para pumuti ka na, Hiraya!"
Napaupo ako sa sahig ng classroom namin nang buhusan ako ng mga kaklase ko ng pulbo. Tumulo ang luha ko dahil lahat sila nakapalibot sa akin, hindi para ako ay puriin... kundi para apihin ako. Lahat sila nagkakaisa para saktan ako.
May isang babae na lumapit sa akin. Puno ng pulbo ang kan'yang palad, humalakhak siya at kasunod no'n, isinaboy sa mukha ko ang pulbo. "Kahit puro pulbo na ang mukha mo at ang puti-puti mo na, parang ang pangit mo pa rin. Wala ka na atang pag-asa gumanda. Siguro dahil tomboy ka nga talaga, sabi ng mama ko... kapag kumikilos na parang lalaki ang isang babae, tomboy siya."
Nag-tawanan silang lahat dahil sa sinabi ng kaklase kong babae na si Helene.
Yumuko ako dahil sa hiya. Patuloy ang aking pag-iyak dahil wala manlang kumakampi sa akin. Tama sila... na mahina ako.
Puno ng takot ang mga mata ko nang hawakan ni Helene ang baba ko at tinaas ito para iangat ko ang tingin ko sa kanila. Hindi ko inaasahan ang kasunod niyang ginawa. Binasagan niya ako ng itlog sa ulo.
"Wow! Much better!" sabat ng isa kong kaklase kaya nag-tawanan ulit silang lahat. Puno ng gasgas ang katawan ko, ang puti-puti ko dahil sa pulbo na sinaboy nila sa akin, at ngayon lumagkit na ako dahil sa itlog na nasa buhok ko ngayon.
Hanggang ngayon...
Mahina pa rin ako.
"Wow! Naka-dress si Hiraya!?" Bumilis ang tibok ng puso ko sa reaksyon ni Arnel at Jericho nang makita nila ako.
Napayuko ako nang sumulpot si Arnel at Jericho na siyang pasimuno ng pam-bubully sa akin nang maka-tungtong ako ng high school. Civilian kami ngayong araw dahil wash day kaya pinilit ako ni Mutya na mag-dress, para pareho raw kami. Pinahiram niya ako. Ayaw ko na nag-susuot ng ganito pero mabait sa akin si Mutya kaya hirap akong humindi sa kaniya.
Kahit pa alam kong pinakiusapan lang siya ni mama na kaibiganin ako, alam kong naging totoo siya sa akin... totoo sila sa akin ni Var.
Lalagpasan na sana namin ni Mutya si Arnel at Jericho pero hinarangan nila kami.
"P'wede ba?! Tumabi kayo. Mukha na nga kayong asungot, haharang pa kayo sa daan." Reklamo ni Mutya. "Naka-Orange pa kayong damit pareho. Ano kayo, traffic barrier?"
"Aba. Gago 'to, ah," inis na saad ni Arnel. "Buti na lang maganda ka. Teka nga. Bakit mo ba sinasamahan 'to si Hiraya? Maganda ka nga, lalo tuloy pumapangit tignan ang kasama mo."
"Maganda si Hiraya." Napatingin kami ni Mutya sa aming likuran nang sumulpot si Var. Wash day kaya pati siya ay naka-civilian. Naka-suot siya ng polo na itim, ang pinaka-taas na butones ay hindi naka-kabit, at naka-suot din siya ng maong na pantalon.
"Bro? Ang g'wapo mo naman pero... Bulag ka na ata." Tumawa si Jericho, pati si Arnel ay naki-sakay sa pag-halakhak. "Tsaka kaibigan mo kami, dapat sa amin ka sumang-ayon. Hindi ba?"
"Hindi ko kayo kaibigan." Ngumiti si Var pero hindi kasiyahan ang mababasa mo sa kan'yang mga labi. Galit. Galit ito na tinatago niya sa ngiting nakakaloko. "Wala akong kaibigan na nang-aapi ng babae. Kaya p'wede ba? Lubayan niyo si Hiraya."
Napa-atras ako nang lumapit si Var para harapin si Arnel at Jericho. "Kung hindi niyo siya lulubayan, ako ang makakaharap niyo."
YOU ARE READING
Weight Over You
FantasyWe don't have to act strong all the time. In life, we all have our own barbells to carry. It may be spiritual barbells, emotional, or physical ones. Despite the barbells in our life, some choose to cry and mourn, while some choose to smile and act s...