Weight Over You - Chapter 20
"You are improving, Hiraya. I see your passion and determination, kaya sana huwag mong hayaan ang sarili mong ma-distract basta-basta sa mga bagay na wala namang saysay."
Natahimik ako sa sinabi ni Coach Paeng. Buong araw ako ulit nag-ensayo pagkauwi mula sa paaralan. Nadagdagan ang mga kalyo sa kamay ko at nag-sisimula nang sumakit ang mga ito pero pinapabayaan ko na lang.
Umalis saglit si Coach Paeng para bumili ng softdrinks kaya naiwan akong naka-upo lang para mag-pahinga habang nag-hihintay sa kaniya. Habol ko ang hininga ko habang nag-pupunas ng pawis gamit ang aking maliit na tuwalya.
"Diaz?" Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Lalaki ito na naka-jogging pants at bodybuilding na pang-itaas. Hindi ko siya kilala pero kung suot niya at ang katawan niya ang pag-babasehan, mukha siyang weightlifter.
"Hello po." Tumayo ako para mag-bigay galang sa kan'ya.
"Weightlifter ka?" tanong niya.
"Hindi po. Nag-eensayo pa lang po ako para sa try-outs ng weightlifting sa school namin." Ngumiti ako.
"Babae?" Tumawa siya. "Babae magiging weightlifter?"
Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya kaya unti-unting nag-laho ang ngiti na naka-guhit sa mga labi ko kanina.
"Ang liit-liit ng katawan mo." Nag-lakad siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Mahina ka. Mahina ang kababaihan. Hindi nila makakaya ang weightlifting."
"Paano niyo naman po nasabi? Ni hindi niyo nga po ako kilala at hindi niyo pa ako nakikitang mag-buhat ng barbell." depensa ko. "Parang wala naman pong rule sa Weightlifting na akma lamang ang sport na ito para sa kalalakihan."
"Ako na ang mag-sasabi sa'yo, bata." Tinapik niya ako pero sa boses niya pa lang, halatang sarkastiko siya. "Wala kang mararating sa Weightlifting."
Tumawa siya at nag-lakad paalis.
Hindi ko namalayan na tumulo ang aking luha at nag-tuloy tuloy na ang pag-daloy nito sa aking pisnge. Kahit ang mga taong nam-bubully sa akin sa school, iisa ang sinasabi.
Na mahina ako.
Na hindi ko kaya.
Na hindi naman ako magaling.
"Hiraya? Bakit ka umiiyak?" Napayuko ako nang dumating si Coach Paeng.
"Pasensiya na po. Uuwi na po ako." Pinunasan ko ang luha ko at kinuha ang gamit ko, tumakbo ako palabas ng training center kaya hindi na nakapag-salita si Coach Paeng.
Dahil sa dismaya at lungkot, dinala ako ng mga paa ko papunta sa mansyon ng mga San Gaspar. Gusto kong yakapin si mama nang mahigpit. Hindi na ako nag-tricycle dahil wala akong pang-pamasahe, nag-lakad takbo na lang ako habang patuloy ako sa pag-tangis.
"Pagpatuloy mo lang ang pag-bantay mo kay Hiraya sa school para sa akin, hijo." Narinig ko ang boses ni mama nang makarating ako sa mansyon ng mga San Gaspar. Nang silipin ko kung sino ang kausap niya sa may hardin, walang iba kundi si Ivar. "Maraming salamat, ha. Salamat sa pag-payag mo na kaibiganin ang anak ko. Sa katotohanan... pumunta rin ako sa paaralan niya at nakiusap sa mga kaklase niya na maging mabuti sa kaniya. Ang anak rin ng kumare ko na si Mutya ay pinakiusapan kong samahan palagi si Hiraya at maging kaibigan niya para hindi mag-isa si Hiraya. Simula elementarya kasi, pinagkakaisahan na si Hiraya dahil ang kilos niya ay pang-lalaki at dahil na rin sa kulay ng kaniyang balat."
"Ma?" maluha-luhang pag-tawag ko. Nanginginig ang boses ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
Gulat na napatingin si mama sa akin, maging si Var ay napalingon.
"Inutusan mo si Var at Mutya na kaibiganin ako, 'Ma?" may halong galit na tanong ko.
"Anak, hayaan mo akong mag-paliwanag." Nag-lakad palapit si mama sa akin pero nang hahawakan niya na sana ako, nag-pumiglas ako.
"Ginawa niyo naman akong kawawa." Tumulo ang luha ko. "Kung kailan akala ko may totoong kaibigan na ako, doon ko pa malalaman na napag-utusan lang pala sila. Pinamukha mo sa akin na loser ako katulad ng sinasabi ng lahat. Dahil sa ginawa mo, lalo kong naisip na wala akong kwenta at mahina ako."
YOU ARE READING
Weight Over You
ФэнтезиWe don't have to act strong all the time. In life, we all have our own barbells to carry. It may be spiritual barbells, emotional, or physical ones. Despite the barbells in our life, some choose to cry and mourn, while some choose to smile and act s...