KABANATA I

147 7 2
                                        

Walang pasidlan ang kanyang katuwaan na kahit ng makalabas siya ng opisina ni Ma'am Nat, pakiramdam niya ay lumulutang ang buo niyang katawan. Hindi pa rin kasi tuluyang nagsi-sink in sa kanya na natanggap siya sa trabaho. Sa sobrang abala ng kanyang isipan, ni hindi na niya napansin na babangga na pala siya sa glass door sa may lobby.

"Watch out!" Babala ng isang tinig. Kasabay noon ay ang mabilisang pag-ikot ng isang kamay sa kanyang baywang sabay hila sa kanya palayo sa glass door.

Naging mabilis ang pagtahip ng kanyang dibdib dahil sa kaba at hiya.

"That was close," dagdag pa nito.

Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses. Tumambad sa kanya ang isang lalake na sa hula niya ay nasa anim na talampakan ang taas, makisig ang pangangatawan at kaakit-akit ang mukha. Ngunit ang higit na kumuha ng kanyang atensyon ay ang abuhin nitong mga mata na nakatitig sa kanya at ang labi nitong mamula-mula na hula niya ay hindi man lang nasayaran ng sigarilyo.

Naumid ang kanyang dila, tila nawalan siya ng salitang mabibigkas.

"Miss, are you alright?" tanong pa nito. Pagkatapos ay inalalayan siya nitong tumayo ng maayos.

"Ahh...o-okey lang ako," tugon niya, bahagya pang nautal.

Tumango-tango ito. "That's good. But next time, be aware of your surroundings."

Pinilit niyang umakto na para bang dalagang hindi makabasag pinggan. Saka, distracted din siya sa angkin nitong kagwapuhan kaya hindi maiwasang lumipad ng kanyang isipan.

"Sori po." Hindi niya mapigilang hindi mahiya lalo na at may mga nakasaksi sa nangyari. "Maraming salamat pala sa pagtulong niyo-"

Naputol ang kanyang pagsasalita ng may ilang bumati sa lalakeng kaharap niya. Base sa mga nababasa niya tungkol dito, suplado raw ito at hindi gaanong nakikihalubilo sa mga tao. But looking at him now, mukhang hindi naman. Hindi siguro ngumingiti ngunit disente naman kung makiharap sa iba.

Maya-maya ay bumaling ito ng tingin sa kanya saka bahagyang tumango saka naglakad palayo sa kanya.

"Thank you, sir!" pahabol niyang sambit bago pa man ito tuluyang makalayo.

Hindi ito lumingon sa kanya ngunit itinaas nito ang isang kamay na para bang sinasabi na walang anuman.

Saglit niya lang na natitigan nang malapitan ang mukha nito ngunit para bang kay dali para sa kanya na ma-memorize ang kabuuang mukha nito. Matangos ang ilong nito at mukhang masarap halikan ang mamula-mula nitong mga labi. Lalakeng-lalake rin ang dating nito at nangingibabaw ang tayo nito sa karamihan. Hindi niya maiwasang mangarap na sana balang-araw, magkaroon ng lalakeng bukod sa mabait at responsable ay pogi at mayaman pa.

Libre namang mangarap kaya dapat na niyang lubos-lubusin na kahit pa alam niyang imposible mangyari ang kanyang hinihiling. Lalo na at tanaw niya si Krenan Le Pierre na may inaalalayang babae papasok sa kotse nito. Noon pa man ay crush na niya ito. May ilang clippings pa nga siya ng mga pictures nito galing sa magazine na ginawa niyang scrapbook dahil sa sobra niyang paghanga rito. Pero mukhang ngayon pa lang ay dapat na niyang tanggapin na hanggang paghanga lang talaga siya rito. Dahil ang buhay niya ay hindi katulad ng mga teleserye at nobelang nababasa niya na nagkakaroon ng happy ending ang pagmamahalan ng isang maralitang katulad niya sa isang mayaman na katulad ni Krenan.

Ang hindi niya alam, mula sa loob ang kotse ay hindi maiwasang titigan ni Krenan sa kanyang sideview mirror ang dalagang tinulungan nito kanina na ngayon ay kipkip ang bag at nag-aabang ng masasakyan sa gilid ng kalsada.

The nineteen year-old Krenan Le Pierre couldn't help but smile after remembering that girl he saw earlier. Kung hindi sa kanya, marahil ay nauntog na ito sa malaking salamin sa maindoor ng kumpanya nila. Mukhang preoccupied ang isip nito na hindi na napansin ang nasa harapan nito.

STILL  YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon