KABANATA IV

27 2 0
                                        

Wala naman siyang gaanong mga gamit kaya naging madali lang para sa kanya ang mag-ayos. Kung tutuusin ay pwede naman siyang pumasok sa trabaho ngunit nagpumilit si Ma'am Natasha na huwag na lang daw. She's been with the company for almost a month now at masasabi niyang sa loob ng panahong 'yon ay para bang ang daming nangyari. Nagkaroon siya ng chance na matanggap sa isang company na kung tutuusin ay parang ang hirap abutin but God gave her the opportunity of working with S&L Construction Services. She, too have the privileged of having a condo where she can lived comfortably. Thank God for all the blessing!


Ngunit ang kaalamang nagiging iba ang pakikitungo ni Krenan sa kanya, may babalang unti-unting gumigitaw sa kanyang isipan. Sinusubukan niyang maging normal ang pakikitungo rito dahil alam naman niyang hindi niya ito maiiwasan. Sana nga lamang ay mapanindigan niya ang paglayo sa binata.


Ngunit paano nga ba niya iyon gagawin kung amo niya ang mommy nito and most of the time, they crossed path? Pati rin sa gabi kung saan extra siya bilang bartender, madalas din itong magpunta kasama ng mga kaibigan nito. And everytime she would steal glances at him, she would caught him staring back at her.


"Amber?"


Napalingon siya kay Vickie, kasamahan niya sa trabaho. Tulad niya ay nalulungkot din ito dahil nalaman nilang hanggang sa ngayong linggo na lang sila sa naturang bar. Medyo nalulugi raw ang naturang bar kaya kinakailangang magbawas ng tao at dahil isa siya sa mga extra lang, kaya kasama siya sa mga tatanggalin.


And tonight is her last night kaya hindi niya maiwasang malungkot. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang tanggapin ang lahat. Mabuti na lamang at maganda ang naging katayuan niya sa kompanya ni Ma'am Natasha kaya kahit paano ay nabawasan ang kanyang alalahanin.


"Mabuti na lang talaga at nakahanap ka ng trabaho bago pa tayo tanggalin dito," ani Vickie. "Ikaw kasi ang inaalala ko."


Ngumiti siya rito. Si Vickie ang naging ate niya, kaibigan at hingahan ng kanyang hinagpis sa buhay ngunit 'di katulad niya na ulila at hirap sa buhay, ito ay nanggaling sa pamilyang nakakaangat sa buhay. Nagtrabaho lang ito roon dahil nagrebelde ito sa mga magulang nito. Mabuti na lang at maayos na ang mga ito pero imbes na umalis ay nanatili ito sa trabaho dahil na-enjoy na raw nito ang ginagawa nito.


"Kaya nga sobra ang ipinagpapasalamat ko! Diyos ko! Kung hindi ako nakahanap ng trabaho, malamang napalayas na ako sa apartment ko! Alam mo naman kung magbunganga si Manang Carmen!" Napailing na lang siya nang maalala ang mga pagkakataong kinakalampag nito ang pinto sa kanyang apartment sa tuwing hindi siya nakakabayad sa itinakdang araw ng kanyang pagbabayad. Wagas kung makatalak!


"Ewan ko ba sa matandang 'yon! Noong wala kang pambayad, pinalalayas ka! Aba! Noong paalis ka, pinipigilan ka naman!" bulalas ni Vickie.


Hindi ko mapigilang mapangiti dahil totoo naman ang sinabi ni Vickie. Medyo harsh nga naman si Manang Carmen sa tuwing maniningil ito sa kanya ngunit naiintindihan naman niya ang sitwasyon nito dahil nangangailangan din ito ng pera dahil sa mga anak nitong kahit matatanda na ay dito pa rin umaasa. At isa pa, obligasyon din naman niyang magbayad ng tama. May mga pagkakaton lang talaga na nagigipit siya kaya madalas ay hindi siya nakakabayad sa itinakdang petsa.


"Okey lang, Vickie. Gets ko naman si Manang Carmen. Saka kahit gano'n ang ugali noon, palagi ako noong kinukumusta at binibigyan ng pagkain."

STILL  YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon