Pagkabalik nila ng Maynila ay agad siyang tinawagan ng dalawa at niyaya sa bar na palagi nilang tinatambayan. Tatanggi sana siya kundi lang sinabi ni Sean na may importante itong sasabihin sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay?" tanong ni Sean. And when he looked at Rome, tumango lang ito sa kanya bilang pagbati. Kilala niya ito kaya hindi niya maisip kung bakit bigla niya itong pinaselosan!
Siguro ay nadala lang siya ng kanyang emosyon dahil kung kakapain niya ang nararamdaman ngayon, wala naman siyang makapang selos dito. Praning nga lang din siguro siya minsan.
Imbes naman sa sagutin si Sean ay nagsalin ng alak sa baso saka iyon mabilis na itinungga. Gumuhit ang mainit na likido sa kanyang lalamunan.
"Whew!" bulalas ni Sean. "Hinay-hinay lang, pare!"
Hindi niya ito pinansin.
"Nag-away na naman ba kayo? Nagkakaganyan ka lang kapag hindi kayo in good terms ni Amber, eh!"
He heard Rome tsked. "Girls and their antics!"
Binalingan niya ito at hindi niya maiwasang mag-isip kung ano ba ang totoong tumatakbo sa isip nito. They've been friend since college and so far wala naman itong ipinakitang hindi maganda sa kanya. Tanging ang daddy na lang nito ang kasama sa buhay na kasalukuyang naninirahan sa Spain. Hindi nga niya mawari kung bakit sa Pilipinas nito naisipang magnegosyo gayong kilala ang ama nito bilang magaling na businessman when it comes to diamonds. Yes! His father is into mining, processing and of marketing gem diamonds.
Siguro, just like him, he also wants to build his empire!
"Any news?" maya-maya ay tanong niya kay Sean.
"I will send the information later. May kailangan lang akong kumpirmahin," anito. Kapagkuwan ay binalingan nito si Rome. "Ano na, Rome? Sabi mo tutulungan mo 'ko sa ipinagagawa nitong kaibigan natin?"
Sama tuloy nang naging tingin nito kay Sean but he answered nonetheless. "Kumirmado na nga na namatay 'yong tatay ni Amber sa isang riot noon. Totoo rin napagkatapos maipanganak si Amber ay nawala na lang ito na parang bula. Nabalitaan na lang nila isang araw na nasangkot daw ito sa isang riot at binawian ng buhay."
"How about relatives?" tanong niya.
"Ni wala nga daw naghanap sa bangkay, eh! Walang nag-claim sa morgue! Dahil na rin siguro sa mga ginawa nitong kalokohan kaya walang kamag-anak na lumitaw sa takot na madamay!" ani Rome. "Sinubukan ko ngang mag-imbestiga kung may mga tao pang posibleng nagawan nito ng masama na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimot pero wala naman akong nakuha pang impormasyon."
"Kung wala itong kinalaman sa nanay at tatay ni Amber, isa lang ang ibig sabihin noon-"
"May ibang motibo ang kung sinumang sumusunod kay Amber!" sabat ni Rome. "Tumingin ito sa kanya. "Kayo palagi ang magkasama ni Amber, wala ka man lang bang napapansin sa paligid? O, bagay na kahina-hinala?"
Ayaw man niyang sabihin sa dalawa but he has to. Mas maige nang marami ang tumutulong para maprotektahan ang dalaga.
"Stalker," aniya.
Napako ang tingin ng dalawa sa kanyan. Both waiting for more information.
Inilahad niya ang cellphone niya kung saan naroon ang picture ng card na supposedly ay para kay Amber ngunit siya ang unang nakatanggap noon kaya hindi na umabot pa sa kamay ng dalaga.
"Wow! Hanep sa linyahan! Makatang-makata!" Nagawa pang bulalas ni Sean ng mabasa ang sulat. "Ngunit nakakatakot. The fact na nakakalusot sa security niyo ang ganyan, ibig sabihin noon hindi lang basta-basta ang sumusunod kay Amber. And as of the moment, he's one step ahead of you!"
BINABASA MO ANG
STILL YOURS
Storie d'amore"Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga ang singsing na ito sa relasyon natin 'di ba? Pero basta mo na lang itinapon? Does this mean that you want to break up with me?" Sunod-sunod ang mga tanong nito. "Nang dahil lang sa nakita mo, makikipaghiwal...