He became a mess! Tatlong araw na niyang hindi nakikita si Amber ngunit pakiramdam niya ay taon na ang lumipas! Ang sakit ng kanyang ulo, nang buong katawan ngunit wala iyon sa sakit at selos na kanyang nararamdaman! Batid niya noong una pa lamang na may gusto si Rome kay Amber. He could see it! The way he steal glances on her and the concern he sees on his eyes towards Amber were enough proof! And he knows Rome too, well! At ang tipo ng dalaga ang gusto nito!
They have the same taste in women for goddam sake!
Hindi niya gustong iwan noon ang dalaga kay Rome ngunit wala siyang choice kundi ang ihatid si Missy! Katatawag lang ng mommy nito sa kanya at ini-expect nitong ihahatid niya si Missy lalo na at kilala nito kung paanong umakto ang dalaga kapag nalalasing! Hindi rin naman kaya ng kanyang kunsensya kung may mangyaring masama sa dalaga ng gabing 'yon so he decided to send her home! Hindi rin naman siya agad na nakaalis dahil nagwawala ang dalaga sa tuwing magtatangka siya! Sa huli ay nag-stay siya habang inaalala si Amber kasama ni Rome. Nang makabalik siya, kaaalis lang daw ng kotse ng binata. Nagpupuyos ang kanyang kalooban ng gabing 'yon! Nasundan niya ang mga ito sa condo ng dalaga pero ang mas ikinagagalit niya nang makitang hindi agad lumabas ng kotse ni Rome ang dalaga! Gustong-gusto na niyang lapitan ang mga ito ang hilahin ang kaibigan sa loob ngunti takot siya sa maaari niyang makitang ginagawa ang dalawa sa loob! Kaya mas pinili niyang paharurutin palayo ang kanyang kotse!
Sa ngayon, tatlong araw na niyang hindi nakikita ang dalaga! Ni wala rin siyang balita mula rito dahil maski ang makipag-usap sa kanyang pamilya ay iniiwasan niya! Maraming beses na tumunog ang kanyang cellphone ngunti hindi siya nag-abala na sagutin man lamang iyon!
Bago pa man niya maitungga ang boteng may lamang alak ay may mabilis na umagaw noon sa kanya! Marahas niyang nilingon ang taong naglakas-loob na pigilan siya! Ngunit isang malakas na suntok sa mukha ang kanyang tinamo!
"Tarantado!" bulalas niya sabay tayo upang gantihan si Rome. Mukhang kailangan din nilang ilabas ang kanilaang nararamdaman! Ngunit bago pa man siya makaganti ay sunod-sunod na ang iginawad nitong suntok sa kanya. At dahil nakainom siya, medyo wala siya sa balanse kaya panay ang tama nito sa kanya!
"You should tell that to yourself! Gago!" ganting hiyaw ni Rome sa kanya.
"Hoy! Ano ba kayong dalawa? Ano bang nangyayari?" Hindi naman magkaintindihan si Sean sa pag-awat sa kanilang dalawa! Mabuti na nalang at nasa isang private room sila ng isang sikat na bar kung kaya't walang nakakakita sa nangyayari sa loob! Dahil kung nagkataon, pareho-pareho silang malilintikan! Hindi lamang sa mga magulang nila kundi pati na rin sa eskandalong magiging dulot ng gabing 'yon!
Pumagitna si Sean sa kanilang dalawa ni Rome. Mabilis ang tahip ng dibdib nito habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa!
"Bakit hindi mo tanungin 'yang kaibigan mo?" bulyaw niya kay Rome. Kung nakamamatay lang mga tingin, malamang kanina pa bumulagta si Rome. Kating-kati na talaga ang kanyang kamay na padapuin sa mukha nito!
Ngumisi ito nang mapang-uyam sa kanya! Naroon ang paghahamon!
Inis niyang binalingan si Sean. "Bakit hindi siya ang tanungin mo?" Tukoy niya kay Rome. "Bakit bigla na lang niya akong sinapak gayong kung tutuusin ay siya itong may atraso sa akin?"
"Atraso?" asik naman ni Rome. "On what grounds, Le Pierre?"
Hindi siya makasagot! But he's still raging in anger! Kung hindi lang niya naiisip na kaibigan niya ito, baka kanina pa ito napuruhan talaga!
Pumalag ito mula sa pagkakahawak ni Sean habang ang mga mata ay tila nagbabagang nakatingin sa kanya. "Kahit kailan ay wala akong naging atraso sa'yo, Le Pierre! I know my limits! Alam ko rin kong saan ko ilalagay ang sarili ko! How about you?! What the heck are you doing here?! Feeling mo entitled ka na sa lahat at dapat palaging ikaw ang aamuhin? Is it because you are the Krenan Santiago Le Pierre? Well, think again! Dahil habang narito ka at nagpapakalunod diyan sa nararamdaman mo, hindi mo alam na kailangan na pala ng tulong ng girlfriend mo!?"

BINABASA MO ANG
STILL YOURS
Romance"Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga ang singsing na ito sa relasyon natin 'di ba? Pero basta mo na lang itinapon? Does this mean that you want to break up with me?" Sunod-sunod ang mga tanong nito. "Nang dahil lang sa nakita mo, makikipaghiwal...