KABANATA III

34 4 3
                                        


Naging mahirap para sa kanyang ng mga sumunod na araw. Hindi kasi pumapasok si Ma'am Natasha kaya ang palagi niyang nakakasama araw-araw ay si Krenan. Mahirap balewalain ang presensya nito. Hindi naman siya nito pinakikialaman dahil maayos naman niyang nagagawa ang kanyang trabaho ngunit ang kaalamang kasama niya ito sa isang kuwarto, sapat na upang magulo ang kanyang sistema. Dalawa hanggang tatlong oras lang naman ang inilalagi nito sa opisina ng mommy nito ngunit sapat na ang oras na iyon upang maligalig ang kanyang puso.

Bago ito magtungo sa OJT nito, maaga itong dumadaan sa opisina upang siyang mag-asikaso sa naiwang trabaho ng mommy nito. At sa hapon, dadaan ito at gabi na kung umuwi. Mas lalo siyang humanga rito. Nineteen pa lang ito pero kung humawak sa negosyo ay animo isang eksperto na. Sabagay kung magmula pagkabata nito ay na-train na sa ganoong business, malamang ay maging bihasa na ito. Ngunit nakakabilib lang talaga!

"Sumabay ka na sa akin." Nag-angat siya ng tingin mula sa kanyang ginagawa sa kanyang laptop nang marinig niya ang boses ni Krenan. Masuyo siyang ngumiti rito kahit pa kumakabog ang kanyang dibdib sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Hindi niya matukoy kung ano ba ang emosyon na 'yon! Basta!

"Hindi na po kailangan, sir. May kailangan pa po kasi akong tapusin na trabaho," sambit niya.

"Then I'll wait for you."

"No, sir! Hindi na po kailangan-"

"I'll insist, Miss Perez," anito. He was leaning on the door frame while intently looking at her. "Inihabilin ka ng mommy sa akin and I don't wanna be blamed if something bad happens to you."

"Pero-"

"No buts, okay?" he cut her off.

Napahinga na lang siya nang malalim saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Mabuti na lang at kaunti na lang naman ang kanyang aayusin. Nakakahiya rin kasi kung paghihintayin niya si Krenan.

It took her almost an hour before wrapping up everything. Saktong katatapos lang niya ng makita niyang naglakad papalapit si Krenan. Hindi man niya batid kung binabantayan siya nito habang nagtratrabaho ngunit ramdam niya ang mga titig nito magmula pa kanina. Siya naman ay ginawa ang lahat upang mag-concentrate sa kanyang trabaho kahit sa loob-loob niya ang nadi-distract siya sa presensiya nito.

"Are you done?" tanong nito. Nasa harapan ito ng kanyang talbe habang pinaglalaruan ang mga daliri nito ang susi ng kotse nito. Krenan was just wearing a khaki chinos with plain white shirt on top and with a brown slip on shoes, he still manage to look hot. With his towering height and good looks, she now wonders how many girls he had been with. At sigurado siya na kahit sinong babae ay maaari nitong makuha.

Ang hindi niya alam, habang nag-aayos siya ng kanyang gamit at habang nagliliwaliw ang kanyang isipan kakaiisip dito ay panakaw na sumusulyap sa bawat niyang galaw ang binata.

"Okey na po, sir," sambit niya maya-maya. Hinintay niyang maunang maglakad si Krenan saka siya umagapay ng paglalakad dito.

Habang nasa biyahe sila, kapwa sila naging tahimik. Siya naman ay panay ang hinga nang malalim habang naglalakbay ang kanyang isipan sa kanyang Mama Pre. Nakatanggap kasi siya ng tawag kanina na gusto raw siyang makita ng matanda. Gusto niya itong makita at makasama ngunit ang pagdaaw dito ay may kaakibat na sakit at lungkot. Lungkot dahil sa kabila ng kabaitan nito ay nagawa itong ipasok sa shelter na kung tutuusin ay pwede naman itong alagaan ng mga anak nito. Masakit kasi, nasasaktan siya na wala siyang magawa upang tulungan ito. Gustong-gusto niya itong kuhanin at siya na ang mag-aalaga ngunit paano? Hindi pa sapat ang kanyang kaunting naipon para kumuha siya ng maayos na bahay para dito. Inaalala niya rin ang maintenance at gamutan nito. Baka hindi niya masustentuhan kapag kinuha niya ito sa shelter.

STILL  YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon