KABANATA IX

18 1 0
                                    

Sa unang pagkakataon ay tinikis niyang hindi kontakin ang binata kahit pa nami-miss na niya ito nang sobra. Malalim ang naging sama ng loob na idinulot ng mga salita nito. Kahit ilang beses niyang kumbinsihin ang kanyang sarili na kalimutan ang mga salita nito, wala ring silbi. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang balintataw ang itsura nito at ang mga salitang nagpababa ng tingin niya sa kanyang sarili.

At ang huling mga salita nito bago tuluyang umalis ng condo ang pinakamasakit sa lahat.

Hindi rin siya nag-abala na tawagan ito o i-text man lang. Hindi dahil gusto niyang suyuin siya nito kundi dahil mali ang ginawa nito. And saying that foul words to her was below the belt. Ilang araw na ba itong hindi nagpaparamdam sa kanya? Dalawa? Tatlong araw? Eksaktong dalawang araw at apat na oras na ngunit walang paramdaman mula rito.

Naninikip na naman ang dibdib niya. Masakit lang isipin na nagawa siya nitong tiisin.

Huminga siya nang malalim nang maramdaman niyang anumang sandali ay papatak na ang kanyang mga luha. Mabuti na lamang at biglang tumunog ang telepono sa kanyang tabi. Agad niya iyong sinagot.

"Yes, Ma'am?" tanong niya ng mabosesan si Ma'am Natasha sa kabilang linya. Panay lang ang tango niya sa sinasabi nito na akala mo naman ang nakikita ang kanyang sagot. Hinihintay siya sa opisina nito.

Nadatnan naman niya itong abala sa harap ng laptop nito ngunit agad itong nag-angat ng tingin at ngumiti sa kanya pagkapasok niya.

"Sit down, hija," anito. Then for a moment, she seems to be unsure of her next words. But eventually she said, "Amber, I know hindi ako dapat nakikialam sa relasyon niyo ng anak ko." Saglit itong huminto sa pagsasalaita, waring tinatantiya ang kanyang reaksyon. "Krenan is acting weird lately, hija....nag-away ba kayo?"

Masuyo siyang ngumiti rito, pilit itinatago ang lungkot at sakit na kanyang nararamdaman. Ngunti hindi niya kayang magsinungaling dito. Ramdam niya ang genuine care nito sa kanya kaya hindi niya ito kayang pagsinungalingan.

"Nagkatampuhan lang po kami," maiksi niyang tugon.

Tumayo ito mula sa kinauupuan nitong swivel chair saka umupo sa katapat niyang upuan. Kinuha nito ang kanyangkamay at masuyong pinisil. "He's my son pero hindi ko ito-tolerate ang mali niyang gawain. So, if it's okay, you can tell me what happened?"

Yumuko siya upang itago ang panlalambong ng kanyang mga mata. Ngunit tuluyang humulagpos ang kanyang mga luha ng yakapin siya nito at parang batang inaalo. Masuyo at walang pangungutya ang tono nito kaya naging komportable siyang ikuwento rito ang mga nangyari.

Umiiyak pa rin siya hanggang matapos siyang magkuwento rito. Kinuha niya ang inabot nitong tissue.

"Sori po kung naging emosyonal ako." Nahiya siya bigla nang ma-realize ang lahat. "Nakakahiya po."

Umiling ito. "Don't be. There is nothing that you should be ashamed of. And I understand your intentions of not telling Krenan about Rome. But one thing is for sure, hija. Hindi nakakabuti sa isang relasyon kung may inililihim ka. Maging mabuti man ang itensyon mo. And I am not in favor of my son right now lalo na dahil sa mga sinabi niya. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko siya mamaya pagkauwi ko."

"Naku! Hindi na po! Baka isipin niyang nagsumbong ako sa inyo!" tanggi niya. Baka ma-misinterpret na naman ng binata ang ginawa niyang pakikipag-usap sa mommy nito. Kahit gusto lang naman niyang mailabas ang bigat na kanyang nararamdaman.

"Wala kang dapat ipag-alala, hija. Walang namagitan na usapan sa pagitan nating dalawa. What happen here, stays here."

"Ma'am Nat-"

"No more buts, okay?" She cut her off. "And I am letting you go home early today. And if you want to, you can go to the spa I frequently goes in para i-treat mo naman ang sarili mo paminsan-minsan. Don't worry, it's free, okay? And please, call me Tita kapag tayo-tayo lang."

STILL  YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon