Kapag nasasaktan siya o kaya ay nalulungkot, binabalikan niya ang lugar na kinalakhan. Sa gaanoong paraan kasi ay ipinaaalala nito sa kanya ang mga hirap na kanyang pinagdaanan. Na dapat siyang maging grateful sa mga bagay na mayroon siya ngayon lalo na kapag nakikita niya ang mga ngiti ng mga batang kanyang natutulungan, sapat nang rason para kahit paano ay mabawasan ang anumang lungkot na kanyang nadarama.
Ewan ba niya! Madali siyang magtampo at masaktan pero madali rin iyong napapawi! Hindi rin kasi siya iyong tipo ng taong mapagtanim ng sama ng loob! Noong hindi niya ma-contact si Krenan, grabe ang antas ng sakit at sama ng loob niya rito, to the point na dumaan sa kanyang isipan na makipag-break na rito ngunit nang makasama niya ang mga bata at makahinga siya nang maluwag, kahit paano ay luminaw ang kanyang isipan. Bumaba na rin ang kanyang emosyon, naroon pa rin ang tampo ngunit hindi na kasing intense gaya kanina.
Ilang minuto ng nakaalis ang mga bata ngunti nanatili silang walang imikan. Pinakikiramdaman niya si Krenan ngunit wala siyang narinig na salita mula rito. Yes, ramdam niya ang mga titig nito sa kanya pero bukod doon, nanatili itong tahimik.
"Bi," untag nito maya-maya.
Nagulat pa siya nang bigla itong lumuhod sa kanyang harapan pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa kanyang kandungan. Hindi siya nakaimik noong una, lalo na at ramdam niya rin ang pag-iyak ng binata,. Paulit-ulit itong humihingi ng tawad sa kanya.
Hinawakan niya ito sa magkabilang braso, pilit pinatatayo. "Krenan, tumayo ka diyan..."
Dahan-dahan itong nag-angat ng mukha. "I am so sorry, bi....sorry...wala ako noong kailangan mo 'ko! Patawarin mo 'ko, please..."
"Tumayo ka na muna diyan, Nakakahiya!"
Tumayo nga ito pagkatapos ay inakay siya patungo sa kotse nitong nakaparada sa 'di kalayuan. Nang patakbuhin nito ang sasakyan ay hindi na siya nagtanong kung pasaan sila. Pasimple naman niyang tinitingnan ang ekspresyon nito. He seemed to be in distress...uncertain and worried.
Nagtama ang kanilang mga tingin nang saglit itong tumingin sa gawi niya nang huminto sila sa tapat ng stoplight. Kapwa walang namutawing salita sa kanilang mga bibig, kapwa nakikiramdam. Hanggang sa makarating sila sa condo ay hindi sila nag-uusap ngunit mayroong mga pagkakataong ginagagap ni Krenan ang kanyang kamay, hinahaplos at pinagalalaruan ang bawat daliri.
"Gusto mo bang kumain, huh? A-anong gusto mo?" Bahagya pang nautal ang binata nang magsalita.
Umiling siya. "Bahala ka na...umm, pasok lang ako saglit sa kwarto ko upang magpalit ng damit."
"Bi,"
"Okey lang ako. Magbibihis lang ako, okey?"
He let out a heavy sigh and then nodded. "Okay."
Pagkapasok niya ng kanyang kuwarto, doon lamang nag-sink in ang lahat ng mga nangyari. Mabilis siyang napakapit sa gilid ng kanyang kama ng makaramdam ng panlalambot ng kanyang mga tuhod. And all of a sudden, all her tears keep streaming down her face. Na kahit anong pigil niya ay kusa pa rin iyong tumutulo sa kanyang magkabilang pisngi.
Napahikbi siya...hanggang sa naging hagulhol. Sinapo niya ang kanyang dibdib dahil sa kirot na nararamdaman. Ramdama niya rin ang panginginig ng kanyang buong katawan dahil sa takot.
Paano na lang kung wala siyang nahingan ng tulong kanina? Paano na lamang kung nagawan siya nang masama ng lalakeng 'yon? Paano na lang?
Nahirapan siyang huminga lalo...parang lumiliit ang kuwarto niya, suffocating her.
Maya-maya ay marahas na bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto at iniluwa si Krenan.
"Amber!" bulalas nito. "Oh my God, bi!"

BINABASA MO ANG
STILL YOURS
Roman d'amour"Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga ang singsing na ito sa relasyon natin 'di ba? Pero basta mo na lang itinapon? Does this mean that you want to break up with me?" Sunod-sunod ang mga tanong nito. "Nang dahil lang sa nakita mo, makikipaghiwal...