Nang magising siya ay wala na sa kanyang tabi si Krenan. Ngunit may iniwan itong card sa kanyang dining table, katabi noon ang kanyang breakfast na batid niyang in-order lang nito.
"Good morning, bi! You were peacefully sleeping so I didn't wake you up before I left.
Need to report for work. I love you and see you later."
Binalikan niya ang kanyang cellphone sa kwarto saka nagtipa ng mensahe para dito.
"Be safe. And I love you more than you'll ever know." And she hit the send button.
Pagkatapos noon ay mabilisan siyang naligo at nagpalit ng damit. Akmang tatawagan niya si Miss Natasha ngunit may natanggap na siyang mensahe mula rito.
"No need to go to work today. Magpahinga ka muna. Sa Lunes ka na bumalik. I already know what happened last night, and I'm glad that you're safe.
Biglang nanikip ang kanyang lalamunan dahil sa emosyong saglit na dumaan sa kanyang puso. Magkahalong pasasalamat at saya dahil sa kabila ng katayuan niya sa buhay, nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala ang katulad nito without judging her.
"Maraming salamat po," she replied.
Napahinga na lang siya nang malalim, napagtanto niya ang hiwaga ng emosyon ng tao. Kagabi lamang ay takot siya, galit at masama ang loob ngunit pagkagising niya ay saya at pasasalamat ang nasa kanyang puso. Nakaka-amaze lang!
Kasalukuyan siyang kumakain ng kanyang almusal nang makita niyang tumatawag ang kanyang Ate Vickie. Agad niyang sinagot ang tawag.
"Ateee!" bulalas niya.
"Kumusta ka na, bakla! Ano nang balita sa'yo?"
Napupuno ng saya ang kanyang puso sa tuwing nakakausap niya ito. Kadalasan ang umaabot ng dalawang oras ang kanilang usapan na napupunta sa kung ano-ano na lang na topic. Pero ang madalas nitong tanungin ang kung kumusta na siya at si Krenan. Kahit na nasa Italy na ito ay ayaw talagang pahuli sa tsismis!
"Mabuti naman, Ate! Ikaw-"
Natigil siya sa pagsasalita nang may dumaang lalakeng hubad-baro sa likuran nito.
"Ate!" bulalas niya. "Sino 'yon, ha? Palagi mo akong tinatanong tungkol kay Krenan pero hindi mo man lang nabanggit na may kasama kang lalake diyan!"
"Manahimik ka, Amber! Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano! Kasamahan ko lang sa trabaho-"
Maski ito man ay hindi na natapos ang sasabihin nang lumapit dito ang lalake at bigla na lang nitong hinalikan ang kaibigan sa pisngi!
"Talaga ba?" taas ang kilay niyang sambit. "Bakit may malisya ang halik niya sa'yo?"
Tuluyan na siyang napahalakhak nang patayin nito ang tawag. Mabilis siyang nagpadala ng mensahe rito.
"Guilty!"
Maya-maya pa ay nakatanggap siya sagot mula rito.
"Magku-kuwento ako, okey? Huwag muna ngayon at may asungot akong kasama!
Napangiti na lamang siya sa naging tugon nito pagkatapos ay ipinagpatuloy na niya ang kanyang pagkain. And since wala naman siyang gagawin ngayon araw ay ipinasya niyang tawagan ang shelter kung saan naroon ang kanyang Mama Pre. Batid niyang hindi niya makakaharap ang kanyang Mama pero umaasa siyang mapagbibigyan ngunit sadyang iba ang ugali ng mga anak nito. Matagal na rin niyang hindi nakikita ang matanda at kahit gaano niya kagustong pumunta ay hindi pwede. And all she could do is cry in pain and loneliness.

BINABASA MO ANG
STILL YOURS
Storie d'amore"Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga ang singsing na ito sa relasyon natin 'di ba? Pero basta mo na lang itinapon? Does this mean that you want to break up with me?" Sunod-sunod ang mga tanong nito. "Nang dahil lang sa nakita mo, makikipaghiwal...