Nang mabasa niya ang buong report na ginawa ni Sean ay ginawa niya ang lahat upang pigilan ang sarili upang hindi makagawa ng isang bagay na pagsisisihan din niya sa huli. Ngunit batid ang Diyos sa tunay niyang nararamdaman! Gusto niyang hanapin at pagbayarin ang mga taong nanakit sa dalaga! Gusto niyang siya mismo ang maningil sa mga ito!
Lumabas siya sa terrace ng kanyang kwarto upang lumanghap ng hangin. Hindi siya pwedeng makita ni Amber sa ganoong sitwasyon. Magagalit ito kapag nalaman nitong pina-imbestigahan niya ang buhay nito.
"Damn it!" malakas niyang sambit. Hindi rin niya mapigilan ang pagtagis ng kanyang mga bagang. Marahas din ang pagtaas-baba ng kanyang balikat. Humigpit rin ang kapit niya sa railing dahil sa taas ng kanyang emosyon. "Fvck! Fvck!"
Maya-maya naman ay tumunog ang kanyang cellphone, nang tingnan niya ay si Missy ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot.
"K, papunta na ako sa condo mo. Baka nakakalimutan ang lakad natin today, ha?" agad na bungad nito.
Nasapo niya ang noo nang maalala ang birthday party na kailangan nilang daluhan. Kung hindi lang siya personal na naka-oo sa imbetasyon ni Laurel ay hindi na sana siya pupunta.
"Ang aga naman! Mamayang alas siete pa ang party 'di ba?" aniya kapagkuwan ay narinig din niya sa kabilang linya ang sunod-sunod na pagbusina. Mukhang mainit na naman ang ulo ng kanyang kaibigan. "You're driving?"
"Huwag mo na naman ang sermunan dahil nasabi na lahat ng Daddy, okey? Saka, sino bang hindi iinit ang ulo sa kalsada kong ganito namang driver ang nasa unahan? Kumaliwa pero pakanan ang flasher?!"
Kahit kailan talaga ang mainit ang ulo nito kaya hindi na siya nagtataka kung noon pa man ay napapaaway ito. Pero hindi umuubra ang ugali nito sa kanya!
"Magkita na lang tayo-"
"Papunta na ako, okey?" putol nito sa kanyang sinasabi. Hindi na niya nagawa pang tapusin ang kanyang sinasabi dahil pinatay na nito ang tawag.
He sighed heavily. Sa totoo lang, ayaw niya talagang umalis lalo na dahil sa nalaman niya tungkol sa dalaga ngunit nakapangako na siya kaya hindi maaaring hindi siya pumunta.
Sa huli ay bumalik siya sa kwarto ni Amber upang mamaalam. Naabutan niya ang dalaga na nakaharap sa salamin at nagsusuklay. Nagtama ang kanilang mga mata sa salamin.
"Aalis ka na ba?" nauna na itong magtanong.
"I don't want to, but-"
"Kailangan mong pumunta, okey? Saka nag-text din sa akin si Missy, on the way na raw siya upang sunduin na."
Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likod. "Basta, if you need anything, tawagan mo agad ako, ha? And please, mag-iingat ka palagi.
"Palagi naman," anito.
Ilang saglit pa ay nakita niyang nag-text si Missy. Nasa baba na raw ito.
"Mag-enjoy ka doon, okey? Huwag mo akong alalahanin dito," paalala pa nito. Tumayo ito saka yumakap sa kanya.
Mas lalo siyang tinamad na umalis na maamoy ang bango nito. Mariin niyang isinubsob ang mukha sa gilid ng leeg nito saka hinalik-halikan ang ito. Sa huli ay hindi niya natiis na sipsipin ang magaang kagatin ang balat nito. Ngunit sa ginawa niya ang malakas siyang nahampas ng dalaga.
"I love you," sambit niya saka niya sinakop ang labi nito. "Anuman ang mangyari, palagi mong tatandaan ang tatlong salita na 'yan, okey?"
Kumalas ito mula sa kanyang pagkakayakap. "Umalis ka na."
Saglit siyang natigilan dahil sa sinabi nito.
"Mahal kita, Krenan Le Pierre," pabulong nitong sambit. "Palagi. Pero sa ngayon, kailangan mo ng umalis. Malamang ay hinihinta ka na ni Missy sa baba. Kanina pa tumutunog ang cellphone."

BINABASA MO ANG
STILL YOURS
Romans"Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga ang singsing na ito sa relasyon natin 'di ba? Pero basta mo na lang itinapon? Does this mean that you want to break up with me?" Sunod-sunod ang mga tanong nito. "Nang dahil lang sa nakita mo, makikipaghiwal...