"I don't think that this is just a simple shoot-out."
Mataman ang pagkakatingin ni Krenan sa report na ibinigay ni Gen. Garcia. The moment he learned the truth about what happened to Amber, he immediately reached out the authorities in regards to the case. Mabuti na lamang at hawak iyon ni Gen. Garcia, one of his godfather.
Humigpit ang hawak niya sa folder kung saan naroon ang kumpletong report tungkol sa nangyaring insidente. Ngunit katulad ng sinabi ni Gen. Garcia, he felt that something is off. Malinis ang resport minus the fact the hindi roon nabanggit ang lalakeng tumulong at nagdala kay Amber sa ospital. Nang ipasuri din niya ang cctv footage ng naturang ospital, wala na silang nakuhang sa oras na dinala ang dalaga roon. Scenes were deleted at hindi alam kung paano nangyari iyon. They even tried retrieving the footage but it seems that someone is blocking them.
At ngayon, hindi niya alam kung saan ulit mag-uumpisa para hanapin ang lalakeng nagdala kay Amber sa ospital.
"But don't worry, I'll dig deeper on this case, Kren," dagdag pa ni Gen. Garcia.
"Thanks, Ninong!"sambit niya. Pero naliligalig pa rin ang kanyang isipan dahil sa lalakeng 'yon. At hindi rin siya mapapakali hangga't hindi niya nalalaman kung sino iyon lalo pa at may kinalaman doon ang dalaga.
"And congratulations by the way! Kahit katiting na porsiyento ay hindi ako nagduda na makakapasa ka! Naaalala ko pa noong magkasama kami ng daddy mo sa serbisyo noong mga kabataan namin. Nakikita ko ang kabataan niya sa'yo. Ang galing at talino pagdating sa trabaho." General Karim Garcia was his fathers colleague way back when he was younger. Pero nito nalang talaga ito naging close ng kanyang daddy. "And by the way you care for your woman reminds me of how your dad was head over heals with your mom. Pilit man niya noong itinatanggi na paghihiganti lamang ang habol niya sa iyong mommy, batid kong sa puso niya, he really cares and loved your mom."
Napangiti siya. Batid din naman kasi nilang magkakapatid ang naging love story ng kanilang mga magulang. Right here and there ay nagbibiruan ang mga ito kung sino ang nanligaw o kung sino ang nang-akit!
"Thanks, Ninong! Ngayong darating pong Sabado ay magkakaroon ng munting salo-salo sa bahay. I am expecting you to come. As well as your family."
"For sure. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita ng iyong daddy. Mukhang nakalimutan na niya ang kanyang kaibigan."
"Busy lang din po sa trabaho," paliwanag niya.
"I totally understand dahil gano'n din naman ako. Sobrang dami ng trabaho na dapat gawin kaya hindi ko masisisi ang Ninang Liza mo kung bakit mas nagseselos siya sa trabaho ko kaysa sa ibang babae, eh!"
Pumuno sa opisina nito ang kanyang malutong na pagtawa. Nai-imagine niya kasi ang eksena ng mga ito dahil gano'n minsan ang scenario sa bahay nila. His mom is sometime's jealous of his dad's job! For pity's sake!
"Can't blame them, Ninong! Mas lamang kasi ang oras niyo sa trabaho kaysa sa pamilya!"
"And your Ninang just has to live with it because she loves me and he chose to stay by my side! Kaya ngayon pa lang, kung pangmatagalan na ang plano mo sa girlfriend mo, make sure na tanggap niya ang trabaho mo!"
Saglit siyang natigilan ng mabanggit nito ang pag-aasawa! God! He's too young to get married!
Naging matiim naman ang titig ng heneral sa kanya. "Aba! bakit ganyan ang tingin mo sa akin at tila nakakita ka ng multo? Don't tell me, wala kang balak mag-asawa? Akala ko ba seryoso ka kay Amber?"
"I am," he answered swiftly. "But getting married? Nah...not yet on my plans."
"So, you don't believe in marriage?"
BINABASA MO ANG
STILL YOURS
Romance"Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga ang singsing na ito sa relasyon natin 'di ba? Pero basta mo na lang itinapon? Does this mean that you want to break up with me?" Sunod-sunod ang mga tanong nito. "Nang dahil lang sa nakita mo, makikipaghiwal...