KABANATA XXII

27 2 0
                                        

Isinantabi muna niya ang lahat at hinayaan ang kanyang Daddy at Ninong Karim na mag-imbestiga. Sa ngayon, mas pinili niyang lumayo muna kasama ag dalaga.

"Saan ba talaga tayo pupunta, Krenan?" Kanina pa tanong nang tanong si Amber sa kanya ngunit ngiti lang ang isinasagot niya rito. "Hindi man lang ako nakapagpaalam sa mommy mo!"

"You don't have to worry dahil naipagpaalam na kita sa mommy."

Hindi na ito nangulit pa sa kanya pero ramdam niya ang mga pailalim nitong tingin. Curious pa rin siguro kung saan sila pupunta.

"Bi, saan nga tayo pupunta," maya-maya lamang ay nagulit na naman ito kaya sinabi na niyang sa Batanes ang kanilang punta.

"Anong gagawin natin sa Batanes? At sabi mo, tatlong araw tayo do'n?" bulalas nito, may kasama pang paghampas sa kanyang hita. "Matatambakan ako ng trabaho nito!"

Gamit ang kanang kamay ay ginagap niya ang kamay nito. "Huwag ka ng mag-alala, okey? Dahil bago tayo umalis ay sinigurado kong walang magiging istorbo sa bakasyon natin. Beside, alam ko kung gaano ka kagaling sa trabaho na hindi mo hinahayaan na matambakan ka ng trabaho. Wala ring gaanong meeting at commitments ang moomy up until Saturday kaya, huwag ka ng mag-alala."

Mabuti na lang at hindi an ito nagtanong pa. Hanggang sa makarating sila sa airport ay tahimik lang ito habang nakayakap sa kanyang braso. During their flight ay tulog naman ito.

And when they arrived in Batanes, kinailangan pa nilang mag-travel by land upang marating ang bahay na kanilang tutuluyan. It was a semi boungalow that was built near the sea.Hindi na niya binago ang bahay dahil wala namang nakatira doon ngunit balak niya iyong gawing private resort kung saan pamilya and closest friends and relatives lamang ang pwede umukopa. Isa sa kanyang college friend ang nag-alok ng naturang property kaya nang makita niya iyon ay hindi siya nagdalawang isip na bilhin. Though the place seems to be secluded and far from the city, still a good investment for him.

"Isa rin baito sa mga property ng parents mo?" tanong ng dalaga. "Ang ganda!"

"Actually, this is mine. And I'm proud to say na ito ang kauna-unahang property na na-acquire ko when I was still in college."

"Ang ganda, Krenan! Pwede mo pang pagandahin ang lugar na ito tapos kapag pagod ka na o kaya ay stress sa buhay mo sa Manila, pwede kang pumunta rito upang mag-relax."

Tumango siya. "Yeah. But not anytime soon."

Iyon naman talaga ang kanyang balak ngunit hindi pa niya alam kung kailan masisimulan dahil mas priority niya ngayon ang trabaho at ang plano niyang pagpapatayo ng security agency.

"Sino pala ang nag-aalaga sa lugar na ito kapag wala ka?"

"Once a week ay may nagpupunta rito upang maglinis. Nagpa-stock na rin ako ng pagkain natin since malayo ang palengke rito."

Kinuha niya ang mga gamit nila saka dinala iyon sa kwarto. Pagbalik niya ay nakahiga na ang dalaga sa sofa, halatang inaantok pa rin.

"Pwede bang matulog muna?" anas nito. " Antok na antok pa rin talaga ako."

"Come," he said. Pagkatapos ay binuhat niya ito at dinala sa kwarto.

Sa totoo lang, pagod rin siya at ilang araw ng walang maayos na tulog. Kaya nang lumapat ang likod niya sa kama, hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nang magising siya ay madilim na sa labas.

Agad niyang kinapa ang dalaga sa kanyang tabi ngunit wala ito.

"Bi?" tawag niya rito. Ngunit nang marinig niya ang lagaslas ng tubig galing sa banyo ay hindi na siya umimik. Bagkus ay bumangon na rin at hinubad ang pang-ibabang saplot.

STILL  YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon