KABANATA XII

15 1 0
                                        


Dahil abala ang kanyang isipan sa kaiisip kung ano na ba ang ginagawa ni Krenan ng mga panahong yon, hindi niya napansin na ilang minuto na palang nakatigil ang kotse ni Rome sa building kung saan naroon ang unit nila ni Krenan. Kung hindi pa siya kinalabit nito ay hindi siya matitinag sa kanyang kinauupuan.

          "Sori," pabulong niyang sambit. Nang lingunin niya si Rome, mataman ang pagkakatitig nito sa kanya. Tila may gustong sabihin ngunit nanatiling tikom ang bibig. Hindi niya mawari ang tumatakbo sa isipan nito. Isa lamang ang batid niya, hindi siya mapakali sa klase ng mga tingin nito.

Akmang bubuksan niya ang pinto ng kotse ng tawagin nito ang kanyang pangalan.

          "Amber," anito sa mababang tono.

Hindi niya ito pinansin. "Salamat sa paghatid."

Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong sumagot pa. Halo-halo na ang laman ng kanyang isipan at damdamin at ayaw na niyang dumagdag pa ang binata. Magmukha man siyang bastos pero mas maigi na iyon. At least, sa una pa lamang ay alam na nito kung ano ang stand nito sa kanya. Hindi rin siya tanga para hindi malaman kung ano ang itensyon nito sa kanya dahil sa una pa lamang naman ay nagparating na ito ng paghanga sa kanya. Nagtratrabaho pa siya noon sa bar ngunit hindi na iyon naulit kasi agad naman niyang sinabi ang tunay na nararamdaman niya rito. Kusa rin naman itong umiwas lalo nang malaman nito na sila na ni Krenan.

Pinili niyang huwag na itong lingunin pa kahit na saglit itong bumisina. Magulo na ang kanyang isipan at ayaw na niyang madagdagan pa iyon.

Nagtuloy-tuloy siya sa pagpasok not minding the people around her. Ni hindi nga niya alam kung paano siya nakarating sa kanyang condo, eh. Hindi rin niya nagawang magbihis pa at basta na lamang nahiga sa kanyang kama. Pilit man niyang patatagin ang kanyang sarili, kusa talagang lumalabas ang kanyang kahinaan kapag mag-isa lang siya. Ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak ay tuluyan ng namalisbis sa kanyang magkabilang pisngi.

Panay ang hinga niya nang malalim ngunit tila may malaking bagay ang nakadagan sa kanyang dibdib kaya nahihirapan siyang huminga. She could fell that excrutiating pain in her heart.

Sa dami ng kanyang pinagdaanan sa buhay, natuto siyang tumingin sa positibong aspeto ng kanyang buhay. Marunong siyang makuntento sa kaunting saya at atensyon na nakukuha niya galing sa mga taong malalaput sa kanya. Subalit pagdating kay Krenan, hindi niya maiwasang masaktan nang sobra dahil batid naman niya sa kanyang sarili kung gaano niya kamahal ang binata and so, she expect more from him.. Naghahanap siya ng atensyon...ng oras, na kanya ang dapat. Na siya ang priority. Pero alam din naman niya ang kanyang hangganan at kung saan niya ilulugar ang kanyang sarili pagdating sa trabaho at pamiya nito.

Ngunit ang iwan siya nito over Missy was a different situation. May kurot sa kanyang puso, pakiramdam niya kasi, hindi siya gaanong mahalaga para sa binata. It may sound absurd ngunit iyon ang nararamdaman niya.

She let out a heavy sigh before entering her condo unit. Gusto niya munang lumayo sa binata at makapag-isip ngunit wala naman siyang pupuntahan. Malaya rin itong nakakapasok sa kanyang condo kaya hindi niya ito maiiwasan. And knowing him, iinit agad ang ulo nito kapag hindi nito alam kung nasaan siya.

Pasado alas dos na noon nang madaling-araw ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Panay din ang tingin niya sa kanyang cellphone kung may text o tawag man lang ang binata ngunti bigo siya. Sa huli, nagpasya na siyang mahiga sa kanyang kama. Nanlalata ang buong katawan niya at parang sasabog ang kanyang utak sa dami ng kanyang mga katanungan. Nakikisabay pa ang puso niyang hindi mapakali...may kirot na may halong lungkot.

Hindi na niya namalayan na nakaidlip na pala siya. Nagulantang na lang siya dahil sa sunod-sunod na katok sa kanyang kwarto pati na rin ang boses ni Krenan.

STILL  YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon