Bago pa siya tuluyang sumabog ay mabilis siyang lumabas ng kotse ng binata. Panay ang hinga niya nang malalim, pilit pinakakalma ang sarili. Pero kahit anong gawin niya, hindi maalis ang selos at galit na kanyang nadarama.
Parang sasabog ang puso niya!
"Aaahhh!" sumigaw siya nang malakas, walang pakialam kung may makakarinig man. Ang tangi niya lang gusto ng mga sandaling iyon ay mailabas ang sakit ng kanyang dibdib.
Maya-maya pa ay naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Krenan.
"I'm sorry, bi! Sori na...sori na, please!" Puno ng pagsusumamo ang boses nito. Panay ang halik nito sa kanyang ulo at ang mga yakap ay sobrang higpit tila ba takot na takot siyang makawala.
Mas lalo naman siyang napaiyak ng sumubsob siya sa matipuno nitong dibdib. Ang yakap nito, ang natural nitong amoy at ang masuyo nitong boses ay nagpapaalala sa kanya na kung ito man ang sanhi ng kanyang kalungkutan. Subalit, sa mga yakap at halik din naman nito ang kangang kapayapaan.
She just cried. She just cried like a lost child. A child who's longing for love and acceptance. Mabuti na lamang at hinayaan din naman siya ng binata na umiyak. Wala siyang narinig kundi paghingi nito ng tawad.
Nang humupa ang kanyang emosyon, inalalayan siya nito palapit sa kotse saka isinandal siya roon. He then cupped her face and kiss her passionately.
He looked in her eyes, then said, "I'm sorry, bi. I really am. Paulit-ulit ko ring sasabihin na walang namamagitan sa amin ni Missy. She's just a friend. Hindi na hihigit pa roon ang relasyon naming dalawa. Sori din kong naipaparamdam ko sa'yo na hindi ka mahalaga, or you are neglected for some reason. Just always remember, kahit anong mangyari, mahal na mahal kita at hindi ko intension na saktan ka o balewalain. Sori na, please..."
Tinitigan niya ito sa mga mata at batid niyang totoo ang sinasabi nito.
Mapait siyang napangiti. "Alam ko naman 'yon. Pero sana, tingnan at isipin mo rin ang pinanggagalingan ko. What if, ikaw nga ang nasa kalagayan ko? Ano kayang iisipin at mararamdaman mo?"
Samantala, hindi naman matanggap ni Krenan ang sakit na nakikita niya sa mga mata ng dalaga. Bakit lately ay nagiging madalas na ang kanilang tampuhan? And seeing Amber cry a river of tears earlier, parang tinarakan ng kutsilyo ang kanyang dibdib. All he could do was hug her tight while saying sorry. Sori dahil nagawa niya itong saktan. Na paiyakin. Pero totoo naman ang lahat ng kanyang mga sinabi. Walang namamagitan sa kanila ni Missy! And for Christ sake! Para na niya itong kapatid kaya never siyang magkakagusto rito! No malice at all!
Kanina habang panay ang iyak nito alam niyang hindi simpleng selos lang ang nadarama nito. Na-realize niya ang kanyang pagkakamali. Oo, wala silang relasyon ni Miisy ngunit kung paano siya nito pakitunguhan ay katulad pa rin noon. She's clingy and demanding at times na kahit kasama niya si Amber ay wala itong pakialam. Siya rin naman ay nakakalimutan niyang may dapat pala siyang i-consider.
Boundaries Yes. He forgot to set boundaries kaya nagkakaganito sila ngayon.
"Sori, bi. Hindi na mauulit. I promise," usal niya habang pinapatakan ng maliliit na halik ang buong mukha nito.
Hindi ito sumagot ngunit nang kabigin niya ito sa kanyang dibdib ay wala siyang narinig na reklamo. Napangiti na lang siya. Alam niya, maya-maya lamang ay okey an ito.
Maski nang nasa biyahe na, hindi pa rin siya nito kinakausap kaya siya ay nag-concentrate na lamang sa pagmamaneho. Nang saglit niya itong lingunin, nakatulog na pala ito.Saglit niyang inihinto ang kotse sa tabi ng kalsada nang makitang tumatawag ang kanyang mommy.
"Mom," sambit niya agad pagkasagot sa tawag. "Yes! Kasama ko siya ngayon."
Saglit lang pinakinggang ang sinasabi ng kanyang mommy. Iuwi raw niya ng ligtas ang dalaga. So is he. At kahit hindi nito nakikita ay panay lang ang tango niya sa mga sinasabi nito.
BINABASA MO ANG
STILL YOURS
Romance"Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga ang singsing na ito sa relasyon natin 'di ba? Pero basta mo na lang itinapon? Does this mean that you want to break up with me?" Sunod-sunod ang mga tanong nito. "Nang dahil lang sa nakita mo, makikipaghiwal...