Mabilis ang naging pagmamaneho niya patungo sa kinaroroonan ni Missy ng malaman niyang nasangkot ito sa isang aksidente. Kung mayroon man siyang sineryosong babae, si Missy 'yon. But not in a romantic way. Magkakilala na sila nito simula grade school, naging matalik na magkaibigan up until now kaya labis ang pag-aalala niya ng malaman ang nangyari dito.
"Missy Arevalo, anong room, miss?" tanong niya sa nurse pagkarting niya sa ospital na pinagdalhan dito.
"Room 204, sir!"
"Thank you," sagot niya saka mabilis na tinungo ang kuwartong tinutukoy nito. And when he arrives at the said room, Missy's being tend to by a doctor and her mom and dad were already there.
"Good thing, hijo that you're here. Kanina ka pa kasi hinahanap nitong dalaga namin, eh!" sambit ni Tita Carol pagkakita sa akin.
"How is she, Tita?"
Nilapitan ko si Missy saka masuyong ginulo ang may pagkakulot nitong buhok. Sinaman lang siya nito ng tingin.
"So far ay wala namang seryosong nangyari. Just a few scratches!" naiiling na sambit ni Tito Benny. "Kaya 'yan ang dahilan kung bakit noong una ay ayaw kong payagan na magkaroon ng motor 'yan, eh! Takaw aksidente! Iyon ngang apat ang gulong ay nadidisgrasya pa, what more kapag dalawa lang ang gulong?"
"It was an accident, dad!" singit ni Missy. "Walang may gusto na mangayri..."
"Pero hindi mangyayari kung hindi dahil sa motor na 'yan!"
Nagkatinginan na lang kami ni Tita Carol nang magsimula ng magpalitan ng salita ang mag-ama nito. Ngunit sa huli naman ay parehong lulambot ang puso ng dalawa at parehong ding hihingi ng pasensya.
"Tama na nga kayong dalawa! Hindi na kayo nahiya at dito pa talaga kayo sa ospital nagtatalo!" saway ni Tita Carol. "Benny, alalayan mo 'yang anak mo at nang makauwi na tayo!"
"Ako na po," mabilis niyang tugon. Habang nasa daan ay ako naman ang kumastigo sa kaibigan ko. "Ano ba kasing nangyari? Hindi ba sabi ko sa'yo mag-iingat ka at huwag paandarin ang init ng ulo habang nasa kalsada?"
Missy just rolled her eyes at me, then said, "God! Tapos na akong sermonan ni Mommy at Daddy kaya huwag ka ng dumagdag pa. I've heard enough, okay?"
Napahinga na lang siya nang malalim at hindi na pinatulan ang pagtataray nito dahil kahit anong paliwanag ko ay makikipagmatigasan lang din ito ng ulo.
Nang makarating sila sa bahay ng mga Arevalo ay inanyayahan siya ni Tita Carol na doon na daw kumain. Hindi na siya nakatanggi. It was past ten o'clock when I remember Amber. Agad niyang hinagilap ang kanyang phone ngunit mukhang nakalimutan niya iyon sa condo ng dalaga kanina habang nagmamadali siyang umalis!
"Oh, fvck!" bulalas niya nang maalalang naghihintay nga pala ito. Bigla tuloy siyang kinabahan.
BINABASA MO ANG
STILL YOURS
Romantizm"Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga ang singsing na ito sa relasyon natin 'di ba? Pero basta mo na lang itinapon? Does this mean that you want to break up with me?" Sunod-sunod ang mga tanong nito. "Nang dahil lang sa nakita mo, makikipaghiwal...