Gumapang ang kilabot sa buo niyang katawan ng marinig ang sinabi ni Kara! Para bang biglang nanlaki ang kanyang ulo, kasabay noon ay ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso!
"Anong ibig mong sabihin, Kara? Anong lalakeng nanggaling sa kwarto ni Amber? Ang besides, anong ginagawa mo doon sa ospital ng mga oras na iyon?" Naging sunod-sunod ang kanyang mga tanong.
"Kuya, nagkataon lang na nandoon ako, I mean kami noong kaklase ko kasi dinaanan namin 'yong mommy niya noong bumili kami ng mga materials para sa ginagawa naming project!"paliwanag nito. Parang pilit nga nitong inaalala kung ano ang mga nangyari noon. Kapagkuwan ay nagsalubong ang mga kilay nito sabay sabing, "I'm pretty sure na 'yang lalakeng 'yan 'yon nakita ko, Kuya!"
Nagkatinginan sila ng kanyang daddy. It means, hindi lang basta nadawit si Amber sa nangyaring aksidente noong gabing 'yon! Lalo na at sa tuwing makakahanap sila ng lead ay nagiging dead end ang lahat. Para bang may taong pumipigil na malaman nila ang totoo!
"Kuya, you should look after Ate Amber!" Lumapit pa ito sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Baka kung anong mangyari sa kanya! Hindi rin natin alam kung ano ang motibo ng lalakeng 'yon!"
"Kara," untag ng kanilang daddy. "I'm sure, hindi pababayaan ng Kuya mo si Amber, okey? And Amber may not notice it but I have our men looking after us!"
Kahit paano ay kampante siya na may tao silang nakabantay sa dalaga. Hindi na niya sinabi rito ang tungkol doon kasi alam niyang magfi-freakout ito at hindi papayag.
Sa huli ay niyaya ng kanyang si Kara upang matulog na. It's already quarter past eleven and she still have school for tomorrow kaya kinakailangan ng matulog. Hindi sana ito makikinig ngunit nang tingnan lang ng kanilang daddy ay sumunod na ito.
And for sure, the night will be long for them. And based on Karters expression, mukhang hindi ito titigil hangga't hindi nata-track ang lalakeng 'yon! Bilib din siya sa kapatid dahil sa aking galing nito when it comes to computer. Palagi itong nakikipag-unahan even with the authorities sa paghahanap ng lead. Para bang inaapuyan ang pang-upo nito sa tuwing nakaharap sa computer.
Kung totoo man ang sinabi ni Kara nanggaling ang lalakeng 'yon sa kwarto ni Amber noong nasa ospital ito, they could start digging from the footage that they have. Hopefully this time ay hindi mauwi sa wala ang kanilang imbestigasyon.
Halos dalawang oras lang ang naging tulog niya pagkatapos. Hindi na niya nagawang makabalik sa condo. Tinawagan nalang niya ang dalaga pagkagising upang sabihin na didiretso muna siya ng presinto upang makausap ang kanyang Ninong Karim.
"Good morning, sir!" bati niya rito na may kasamang pagsaludo.
Napangiti ito. "Kung tinatanggap mo ba naman ang alok ko sa'yo na magtrabaho sa akin! Inaanak, sayang galing at talino mo bilang pulis kong hindi mapapakinabangan n gating bansa! Pihadong marami kang matutulingan katulad in iyong ama!"
"On one condition, sir!"
Mukhang nabigla ito sa naging sagot niya ngunit agad rin itong napangiti. "What change you mind?"
"Amber happened."
Napuno ng halakhak ang opisina nito. "Welcome to the club, son. Isa na naman pong matikas at matapang na pulis ang napasuko ng isang babae."
Napailing na lang siya. Kung gaano kasi ito ka-istrikto at seryoso sa trabaho, siya namang pagiging masayahin at palabiro nito sa mga taong tunay na nakakakilala rito.
"Like father, like son, huh?" dagdag pa nito. "Handang gawin ang lahat para sa babaeng mahal!"
Tumayo ito mula sa kinauupuang swivel chair saka naupo sa katapat niyang upuan. Tinitigan siya nito. "And your condition I guess is about the robbery case kung saan nadawit si Amber?"

BINABASA MO ANG
STILL YOURS
Romance"Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga ang singsing na ito sa relasyon natin 'di ba? Pero basta mo na lang itinapon? Does this mean that you want to break up with me?" Sunod-sunod ang mga tanong nito. "Nang dahil lang sa nakita mo, makikipaghiwal...