KABANATA XIX

31 3 1
                                        

Kumukulo talaga sa galit ang kanyang dibdib ng mga oras na iyon pero pinigil niya ang sarili dahil kasama niya ang buong pamilya ni Krenan. Ngunit sa loob-loob niya, kanina pa niya gustong magwala at komprontahin ang binata! Sa lahat ba naman, kay Missy pa ito humingi ng opinyon sa ibibigay na regalo sa kanya?

Sobrang sakit na.

Panay ang hinga niya nang malalim upang paluwagin ang naninikip na dibdib. Kanina pa rin nagbabadyang pumatak ng kanyang mga luha. Mas lalo lamang siyang nasaktan nang makitang masayang nakikipagkwentuhan si Missy sa pamilya ni Krenan. Parte talaga ito ng pamilya simula noon pa. Samantalang siya, dapo lamang.

"Ate, bakit nandito ka?"

Bahagya pa siyang nagulat nang biglang magsalita si Karter sa kanyang likuran. Hindi rin siya agad makasagot sa tanong nito. Nanglingunin niya ito ay mataman din itong nakatitig kay Missy. Katulad ni Krenan, magandang lalake rin ito at malakas ang dating pero kung si Krenan ay madaling basahin ang ugali, si Karter naman ay mas seryoso. Mas bata ito pero kung titingnan mo sa mga pagkakataon na seryoso ang itsura nito, masasabi mong misteryoso ang pagkatao. Kadalasan ay tahimk at nakamasid lang ito ngunit kapag nagsalita ay may lalim.

"Ganda 'no?" sambit pa nito habang nakatitig kay Missy. "Gandang hindi mo aakalain na gagawa ng hindi maganda! Just a piece of advice Ate Amber, alam ko at nakikita ko kung gaano mo kamahal ang kuya ko kaya sana bakuran mo at ingatan ang relasyon niyo. Mahirap na, maraming magnanakaw at isnatser sa paligid!"

"Anong ibig mong sabihin?" pabulong niyang tanong, kunwari hindi alam kung ano ang gusto nitong ipahiwatig. Hindi rin niya inaalis ang tingin dito.

Ngunit nagkibit-balikat lang ito sabay sabing, "Alam kong alam mo ang gusto kong iparating. Basta, binalaan na kita. Ikaw rin, baka magsisi ka sa huli. Matagal na silang magkaibigan ni kuya at halos naging parte na ng pamilya namin si Missy kaya alam ko ang likaw ng bituka niya.

"At hindi ko rin naman pwedeng rendahan ang pagkakaibigan nilang dalawa."

Karter just tsked and then said, "Yes, we could be best friends with someone but we should also know our boundaries lalo na kung may girlfriend or boyfriend ang kaibigan natin. Katulad ngayon, sa nakikita mo, okey lang na ganyan kalapit si Kuya kay Missy?"

Isang malaking hindi! Ngunit ano bang magagawa niya?

Pagkalapit kasi ni Krenan sa dinning table ay kaagad na pumaikot ang braso ni Missy sa baywang ng binata saka ito hinila upang paupuin sa tabi nito.

Bago pa man siya makapag-react ay nahila na siya ni Karter patungo sa dinning table saka siya ipinaghila ng upuan sa tabi ng kuya nito.

"Hi, bi!" bati ni Krenan ng makita siya, Ini-usod din nito ang silyang kinauupuan palapit sa kanya. "What do you like to eat?"

Hindi pa man siya nakasasagot ay nalagyan na nito ng kanin at ulam ang kanyang plato.

"Ang dami naman! Baka 'di ko maubos!" angal niya ngunit tinanggap pa rin naman niya.

"O, 'di ako ang uubos! Saka hindi ka naman dapat nag-aalala kung madami ang inilagay kong pagkain sa plato mo kasi kahit anong kain mo, parang hindi ka naman tumataba, eh!"

Kapagkuwan ay nakangisi itong lumingon kay Missy. "Pero itong best friend ko, kaunting kain lang, lumulubo kaagad! mAsyadong maarte sa pagkain!"

"I'm not maarte, okay?" taas ang kilay na sagot ni Missy. Masama rin ang tingin nito sa binata. "I'm just a picky eater. Pinipili kong kainin ang mga healthy na pagkain, no? Samantalang ikaw, lately ay napapansin kong kung ano-ano na lang ang kinakain mo! Huwag mong sabihin an kumakain ka na naman ng mga street foods, Krenan, ha? Hindi mo alam kung paano inihahanda ang mga pagkaing 'yon! Basta ka na lang kasing tanggap nang tanggap ng mga bigay sa'yo, eh!"

STILL  YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon