Hindi niya pinagsisihan ang ginawang pagsama kay Krenan dahil naging masaya ang gabi niya nang maghapunan kasama ang pamilya ng binata. Oo nga't kakakain lang nila ni Krenan ngunit naging magana pa rin ang pagkain niya. Siguro dahil masaya ang ambience at usapan nila habang kumakain. May ilang beses na rin naman niyang nakasabay na kumain ang mga ito kaya kahit paano ay hindi na siya gaanong nahihiya. Medyo nai-intimidate lang siya sa daddy nito.
"How are you, hija? Inaalagaan ka ba naman ng anak ko?" tanong ng daddy nito.
Masuyo siyang ngumiti. "Yes po. Medyo pasaway lang po minsan..."
Pinanlakihan siya ng mata ng binata. Itinuro pa nito ang sarili. "Ako? Pasaway? When was that?"
"Gusto mo isa-isahin ko?" may pagbabanta niyang sabi ngunit naroon naman ang ngiti sa kanyang mga labi. Nang makita rin niyang wala ng lamang pagkain ang plato nito ay nilagyan niya iyon.
Sumimangot na lang ito sa kanya saka ipinagpatuloy ang pagkain ngunit pabulong-bulong pa ito. Napailing na lang siya. Nang mag-angat naman siya ng tingin, sa kanya nakatuon ang atensyon ng lahat.
"Bakit po?" Nahiya siya bigla.
"Naku! Wala, Ate! Natutuwa lang kami na makitang kumakain ng gulay si Kuya," sabat ni Karter. " Naalala ko pa dati, kahit anong pilit nina Mommy at Daddy na pakainin siya ng gulay ay hindi niya talaga kinakain!"
Lihim siyang napangiwi. Baka sabihin ng mga ito ay nagiging manipulative siya kay Krenan.
Bago pa man siya makapagpaliwanag ay nauna nang magsalita si Miss Natasha, "Mabuti na lang kamo. Ewan ko ba diyan kay Krenan kung bakit ang hirap pakainin ng gulay samantalang noong bata pa 'yan ay kumakain naman 'yan ng gulay!"
"Napurga na kasi, Mommy!" sambit ni Kara. Tatawa-tawa ito habang kumakain. "Noong bata pa raw kasi si Kuya, wala siyang magawa kundi sumunod sa mga sinasabi niyo kasi mapapalo siya. Eh, ngayong matanda na siya, hindi niyo na raw siya mahahabol para piliting kumain ng gulay!"
Nakita niyang pigil ng magkakapatid ang mga ngiti pati na rin si Sir Amadeus. Ang buong akala niya ay maiinis ang ginang sa tinuran ng anak nito ngunit hindi rin nito nagawang itago ang mga ngiti.
"Gano'n ba, Kren? Huh?" anang ginang.
"Mom! Wala akong sinasabing gano'n, okey? Alam niyo namang sa aming magkakapatid, kung sino pa 'yong babae, siya pang pinaka-bully! Gunagawa lang ng kuwento 'yan!" Binalingan nito si Kara. Nasa labi nito ang isang nakakalokong ngisi. "Right, baby girl?"
"Daddy!" tili naman ni Kara. Tumayo pa ito at lumapit sa daddy nito bago bumulong rito na lubusan nang ikinatawa ng daddy ng mga ito.
Nakita niyang lalo lamang nagsalubong ang kilay ni Krenan. Pasimple niyang hinawakan ang kamay nito. Lumingon naman ito sa kanya.
"What?" kunot-noong tanong nito.
Pabulong siyang sumagot, "Huwag mo nang kulitin ang kapatid mo. Mas lalo ka lang niyang aasarin."
Ngunit hindi ito nakinig sa kanya. Mas lalo lamang nitong kinulit ang bunsong kapatid hanggang sa umabot sa paghahabulan ang dalawa.
"Baby girl, come here!" pahiyaw na tawag ni Krenan.
Nagpapadyak naman si Kara, kapagkuwan ay bumaling ito sa kanya habang nasa labi ang nakakalokong ngiti. "Ate Amber, hiwalayan mo na lang kaya si Kuya Kren, ano? Dami niyang babae dati...alam mo ba-"
Hindi na tinapos ni Kara ang mga salita nito, bagkus ay tatawa-tawa itong nagtatakbo palayo kay Krenan. Sila naman ay panay lang ang tawa sa ginagawang harutan ng magkapatid. Nang tingnan pasimple niyang sulyapan ang mag-asawang Amadeus at Natasha, nakikita niya pagmamahal at saya sa mata ng mga ito. Bagay na lubos na ipinagkait sa kanya.

BINABASA MO ANG
STILL YOURS
Romansa"Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga ang singsing na ito sa relasyon natin 'di ba? Pero basta mo na lang itinapon? Does this mean that you want to break up with me?" Sunod-sunod ang mga tanong nito. "Nang dahil lang sa nakita mo, makikipaghiwal...