Kabanata 32

237 4 1
                                    

Hi, I suggest you to play the song Collide by Howie Day para ramdam 'yong scene nila rito. :)

Kabanata 32

Love

Sa susunod na Linggo ay CLE board exam na namin kaya abala ako ngayon sa pag-rereview dito sa library center. Nakaupo ako sa pinakadulo habang abala sa pagbabasa. Ngunit napatigil lamang ako nang mapatingin sa aking kaliwang pulso.

Suot ko ang pulseras na ibinigay ni Chadrick sa akin na gawa mismo ng Ate Ophelia ko. Napangiti ako at pinigilan huwag mapaluha. Ngunit ilang sandali lamang ay napatigil ako nang tumunog bigla ang cellphone ko. Text ni Bianca ang bumungad sa akin.

Bianca: Mia, I miss you. Magkita tayo please. Kailangan ko ng makausap ngayon. Nasa Avendo's Coffee Shop ako.

Nang mabasa ang text niya ay agad ko ng niligpit ang mga libro ko. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang magkita kami ngayon. May problema ba siya? Hindi ko tuloy maiwasan mag-alala sa kaniya. 

Nang huminto ang taxi sa tapat ng coffee shop ay nagbayad muna ako ng pamasahe bago lumabas. Mabilis ang pagpasok ko sa loob at nang makalapit nga ako sa table niya ay umupo  ako sa harapan. Agaw pansin ang namamaga niyang mga mata.

"Bianca, anong nangyari? Anong problema? Bakit namamaga ang mga mata mo?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

"M-Mia. . ."

"Bakit? Anong problema?" pag-aalala ko. Hinawakan ko pa ang isang kamay niya sa ibabaw ng mesa.

"Nakita ko si Jayson kahapon may kasamang ibang babae."

Napatigil ako sa gulat. Hindi ko inaasahan na ito ang maririnig ko mula sa kaniya. Hindi ko kailanman naisip na gagawin ito ni Jayson sa kaniya. Alam kong minsan hindi nagkakaintindihan ang dalawa sa ibang mga bagay pero ang magcheat si Jayson kay Bianca? Ibang usapan na iyan.

"Hindi mo ba naitanong sa kaniya kung sino ang naging kasama niya? Baka. . .kaibigan, pinsan o kapatid niya lang iyon Bianca."

Kilala ko si Jayson hindi siya tulad ng ibang mga lalaki. Sobrang mahal niya si Bianca at hindi niya ito makakayang saktan o lokohin. Saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa.

"Hindi ko alam, Mia." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Tumingin na lamang sa labas ng glass window.

"Paano mo malalaman ang katotohanan kung hindi mo siya tatanungin? Tanungin mo siya. Huwag mong hintayin na maging dahilan pa ito ng pag-aaway niyo."

"Bahala siya sa buhay niya."

Napailing ako. Nang maibaba niya ang iniinom na caffé latte ay tumunog bigla ang cellphone niya. Nang makita nga niya kung sino ang tumatawag ay bigla nalang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Pangalan pa nga ni Jayson ang nakita ko sa screen ng cellphone niya.

"Hello, love, goodbye," agarang pagsasalita niya sa kabilang linya bago ini-end ang call.

"Hello, love, goodbye?" ulit ko sa sinabi niya kanina.

"Oo. Try mo panoorin, Mia. Ang ganda talaga ng movie na iyan. Daming luha ang ibinuhos ko kagabi dahil diyan. Super worth it talaga panoorin!" Nag-thumbs up pa siya sa akin.

Teka, hindi siya umiyak kagabi ng dahil kay Jayson?

"Namamaga ang mga mata mo ngayon dahil sa panonood kagabi?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

Tumango siya bilang sagot at uminom ulit sa kape niya bago nagsalita ulit. "Yup. Akala mo naman iiyak ako dahil lang sa isang lalaki? Hell no! He's not even worth my tears," sabay nag-flip pa nga ito sa mahaba at kulay ginger niyang buhok.

His Opposite Intention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon