Kabanata 29
Mission 3: Arrest the suspects.
"Mia, wala na tayong oras."
"Tang ina! Tingnan niyo sa ibaba!" rinig namin mula sa itaas.
"Mia, umalis na kayo."
Nailipat ang tingin ko sa mga bata na ngayon ay takot na takot sa mga nangyayari. Ang ilan ay napapaiyak na rin. Sumikip ang dibdib. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Hihintayin namin kayo," iyan ang huling sinabi ko kay Chadrick bago ako tuluyang lumabas kasama ang mga bata.
Madilim ng lumabas kami. Ang tanging buwan na lamang ang nagbibigay liwanag. Halos napapalibutan kami ng mga malalaking puno. Huni ng mga ibon at yapak ng aming mga paa ang naririnig ko. Hindi ko alam kung malapit na ba kami sa kalsada dahil iba ang dinaanan namin kung saan sa tingin ko ay walang nagbabantay.
"Mga bata mag-iingat kayo sa paglalakad baka matapilok kayo," sabi ko nang mapansing may muntik ng matapilok. Ngunit mabuti nalang nahawakan agad ng kapatid ko ang kamay ng bata.
"Huwag kayong mag-alala malapit na tayo. May isang sasakyan ang naghihintay sa atin doon," baling ko sa mga bata.
Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa napahinto kami nang may napansing dalawang lalaking nagbabantay sa unahan. Shit. May nagbabantay pala! Agad nagtago kami sa malaking puno. Napabaling lamang ako sa tatlong bata nang magsalita ang mga ito.
"Gusto ko na po umuwi sa amin. . ."
"A-Ako rin po gusto ko ng umuwi sa amin dahil hindi ko pa po napapakain ang alagang aso ko baka mamatay po si Porkchop."
"Papagalitan po ako ni Mommy kapag hindi ako umuwi sa amin."
Pinahiran ko naman ang mga luha nila. Naawa ako sa mga bata dahil malaking trauma ito para sa kanila.
"A-Ate, miss ko na po si Mama at Papa. . ." si Sky kaya napabaling na rin ako sa kaniya.
"Miss ka na rin nila, Sky." Ngumiti ako para maibsan ang lungkot niya.
Nailipat ang tingin ko sa dalawang lalaki sa unahan. May mga hawak pa itong mga baril kaya delikado kung magpapatuloy kami sa pag-alis ngayon. Nang may naisip akong paraan kung paano kami makakaalis nang hindi nila mapapansin ay agad ko ng hinubad ang isang sapatos ko at sabay itinapon ito sa likod namin.
"Ano iyon? Tara, tingnan natin baka may tumatakas!" sigaw ng isang lalaki.
Nang makitang wala na sa unahan ang dalawang lalaki ay agad ko ng inalalayan ang mga bata paalis patungo kung nasaan ang sasakyan. Napansin kong malapit na kami nang makita ang sasakyan sa hindi kalayuan.
"Mga bata malapit na tayo!"
Isang bata ang kinarga ko dahil nahihirapan na itong tumakbo. Hingal na hingal na ako pero tinuloy ko pa rin ang pagabay sa mga bata. Nang makalapit na rin kami sa school bus ay isa-isa ko na rin pinasakay ang mga bata bago ako sumunod.
"Hintayin po muna natin dumating si Chadrick kasama ang isang bata," baling ko sa driver ngunit nang makita ko ang mukha ng driver sa itaas ng maliit na salamin ay kinalibutan ako bigla.
"Hija, huwag na natin hintayin na may mapahamak pa sa mga bata. Mabuti ng umalis tayo rito. May mga pulis na rin kaya maliligtas sila," sabi niya at pinaandar ang makina ng sasakyan.
Shit. Saan niya kami dadalhin?!
Naramdaman ko ang kakaibang tingin ni Mang Gardo sa akin. Napansin ko pa ang bahagyang paghilot niya sa kaniyang batok bago ibinalik ang tuon sa pagmamaneho. Napamura pa ako sa isip nang halos matumba na rin ako sa pagkakatayo nang pinatulin niya ang pagpapatakbo ng sasakyan. Mabuti nalang napahawak agad ako sa railings. Dahil sa sobrang bilis ng kaniyang pag ay napansin ko pa ang pagkatakot ng mga bata.
Bago niya pa kami dalhin kung saan ay humakbang ako papalapit sa kaniya. "Itigil mo ang sasakyan!" Nakatutok sa ulo niya ang hawak kong baril.
"Manang-mana ka talaga sa ama mo," nakangising baling niya sa akin.
Humigpit ang hawak ko sa baril.
"Sinabi ko ng pabayaan niya kami pero ang Papa mo hindi kami tinantanan. Ang sobrang sipag sa trabaho!"
Hindi ko maiwasan mapailing sa sinabi niya. "Pinuno ka sa kinakasangkutan niyong krimen at isang pulis ang Papa ko kaya hindi ka niya talaga tatantanan. Bobo ka ba?"
"Tang ina! Huwag mo akong gagalitin mamatay tayong lahat!" mas binilisan niya pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Oh, shit. Wrong move, Mia.
Narinig ko na ang sigawan ng mga bata dahil sa sobrang pagkatakot. Bigla pa bumuhos ng malakas na ulan kaya mas naging delikado. Nabuhayan ako ng loob nang marinig ang tunog ng sasakyan ng mga pulis na sumusunod na rin sa amin ngayon.
"Itigil mo sabi! Sumuko ka na sa mga pulis!" madiing sigaw ko habang nakatutok pa rin ang baril sa kaniya. Ngunit hindi siya kumibo. Mariin at diritso ang tingin sa daan.
Napatingin ako sa harapan. Nanlaki lamang ang mga mata ko nang mapansing mahuhulog kami sa bangin kung hindi siya kakaliwa. Napabaling ako kay Mang Gardo. Wala nga siyang balak kumaliwa kaya bago pa may mangyaring masama sa amin ay agad ko ng sinikmuraan ang tagiliran niya gamit ang hawak kong baril kasabay nang pag-agaw sa kaniya ng manobela. Kinaliwa ko agad ito at walang pasubaling inapakan ang preno. Nang tumigil ang sasakyan ay isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Muntik na kami mahulog sa bangin.
"Mga bata, ayos lang kayo?" baling ko sa kanila. Lahat sila ay napatango pero hindi pa rin nawawala ang takot sa mga mukha nila. Nagulat lang ako nang biglang lumabas ng sasakyan si Mang Gardo at tumakbo ito paalis. Hindi ako nagdalawang-isip na habulin siya.
Dumaan siya sa magubat na lugar kaya sinundan ko siya roon. Medyo humina na rin ang pagbuhos ng ulan. Napahinto ako sa gitna ng paghahanap sa kaniya nang makitang nagtago siya sa malaking puno hindi alintanang nasundan ko siya.
Nakatutok ng matuwid ang hawak kong baril habang dahan-dahan lumalapit sa kaniya. Nakita ko ang likod niya at napansin ko na may iniiwasan siya sa kaniyang mga paa at parang takot na takot pa siya rito. Hindi niya yata pansin ang paglapit ko kaya nagsalita ako.
"Huwag kang matakot sa palaka. Matakot ka dito sa hawak ko." Mabilis ang pagkilos ko kaya nakatutok sa likod ng ulo niya ang hawak kong baril.
"Pumili ka. Kulungan o libingan?" Madiin ang pagkakahawak ko sa baril. Nababalutan ng apoy ang sistema ko sa sobrang pagtitimpi sa galit. Humarap siya sa akin. Imbes na matakot siya ay ngumisi lang ito ng malademonyo. Inuubos niya talaga ang pasensiya ko!
"Sige, iputok mo!" paghahamon niya.
Hindi pa ako nakakakilos sa kinatatayuan ko ay agad na niyang nahawakan ang kamay ko at tinadyakan ang kaliwang paa ko kung kaya't nawalan ako ng balanse sa pagtayo. Naagaw niya pa sa akin baril. Sa akin niya ngayon tinutok ang baril.
"Sasama ka sa akin! Tingnan natin kung hindi pa nila maibibigay ang gusto ko!" Marahas niyang hinablot ang braso ko habang nakatutok pa rin sa akin ang hawak niyang baril kaya hindi ako makalaban.
"Bitawan mo siya."
Napalingon kami sa nagsalita. Nagulat pa ako nang makita kung sino ito. Napansin ko pang may hawak siyang dalawang malaking bag.
"Kayamanan ng Villafuerte 'di ba ang gusto mo?"
"Iyan ang gusto ko sa'yo Chadrick madaling kausap," si Mang Gardo.
Inihagis ni Chadrick ang dalawang malaking bag sa harapan namin. Mabilis naman ito kinuha ni Mang Gardo at binuksan. Nagulat pa ako nang makitang maraming mga pera at alahas ang nasa loob.
"Pakawalan mo na siya."
"Kung ganoon lang din naman ay madali rin akong kausap." Ngumisi siya at sabay binitawan ang braso ko.
"At ikaw, sasama ka sa amin sa presinto."
Napalingon ako sa likod nang marinig ang boses ni Papa. Nagulat pa ako nang makitang may ilan na palang mga pulis ang nakaabang sa likod namin.
BINABASA MO ANG
His Opposite Intention (Completed)
RomanceMatinding galit ang nadarama ni Mia Marie Rosales, isang fourth-year criminology student ng Hanclifford University. Nang isang araw ay may isang estranghero ang kumuha ng pera niya. Little did she know, ito pala ang prominent singer at songwriter, C...