Kabanata 7

484 145 166
                                    

Kabanata 7

Misteryoso

"Cha-" hindi naituloy ni Bente Pesos ang sasabihin nang biglang nagsalita si Lola.

"Naku, hijo! Kailangan ko na palang umalis may ka-date pala ako ngayon. Baka naghihintay na iyon sa akin," pagmamadaling sinabi ni Lola. Napatingin pa nga siya sa kaniyang cellphone. May nag-text siguro.

Ang taray naman ni Lola may ka-date pala siya. Well, wala naman sa edad iyan.

"Ikaw, hija, huwag mong ipagpapalit ang boyfriend mo baka magsisi ka pa sa huli," baling ni Lola sa akin.

"Opo, Lola. Hindi ko po siya ipagpapalit," nakangiti kong sagot kay Lola.

Nang makaalis si Lola sa harapan namin ay ngayon ko lang napansin na hawak niya pala ang isang kamay ko kaya naman siniko ko agad ng malakas ang tagiliran niya. Inapakan ko pa ang kaliwang paa niya.

"Ouch!"

"Bagay lang 'yan sa'yo! Nakaalis na si Lola kaya huwag ka ng umarte diyan!"

Napaatras siya sa ginawa ko kaya nabitawan na rin niya ang kamay ko.

"Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin mo sa akin sa susunod. Ganito ka ba? Sanay manakit ng tao?" saad niya habang nakahawak ang kamay sa tagiliran kung saan ko tinamaan at pikit matang iniinda ang sakit.

Parang nakonsensya tuloy ako sa ginawa ko. Pero kasalanan niya naman. Bakit ba siya nandito?

"Sino ba kasing nagsabi sa'yo na sundan mo ako rito?"

Nagpakawala siya ng mga maliliit na tawa sa sinabi ko. Tinanggal na rin nito ang kaniyang kamay na nakahawak sa tigiliran. Napatayo rin siya ng maayos.

"I'm just kidding. Gusto ko lang na mag-alala ka pero hindi yata pasado sa'yo ang acting skills ko," napapailing niyang sinabi.

Ano raw? Gusto niya lang pala mag-alala ako sa kaniya? Bakit? Anong akala niya sa akin mag-aalala ako? Hindi ko nga siya kilala. Adik siguro ito.

"Sobrang sikat mo 'no?"

"Yes."

Sarkastikong napatawa ako. Oo nga naman sikat nga pala siya.

Sikat ka dahil marami kang utang! Kaya hinahabol ka ng mga pinagkakautangan mo!

Bahagyang nailipat ang tingin ko sa suot niya. All black pa rin ang outfit niya ngayon. Hindi na ako magtataka kung ang paboritong kulay niya ay itim. Napabaling ako bigla nang may dumaang mag-ina sa gilid namin. May hawak na chuckie ang anak niya. Agad naman naalala kong nagpapabili pala ng chuckie si Sky.

Napatapik pa ako sa aking noo nang muntik ko ng makalimutan. Mabuti naalala ko. Nasa third floor pa ang grocery nila rito. Hahakbang na sana ako para iwan siya nang biglang hinawakan niya ang pulsuhan ko. Nagulat ako. Ganoon din siya kaya agad niyang binitawan ang pulsuhan ko. Tumayo siya ng maayos.

"Saan ka pupunta?"

Sarkastikong napatawa ako sa tanong niya.

"Bakit? Susundan mo na naman ba ako?"

"Hindi. Nagtatanong lang ako. Masama bang magtanong, MM?" Nagkasalubong pa ang magkabilang kilay niya.

MM? Feeling close na ngayon ang Bente Pesos na ito, ah? Hindi ako mahilig makipag-usap sa taong bigla-bigla nalang sumusulpot kagaya niya na parang multo. Hindi ko nga siya kilala.

"Sa grocery. Pupunta ako sa grocery. Ano? Okay na? Puwede na akong umalis?"

Nakakainis. Puwede bang umalis na siya? Mas sinisira lang niya ang araw ko ngayon, e. Mas mabuting iwan ko na siya kaya naglakad na rin ako palayo sa kaniya. Hindi na ako lumingon kaya diritso ang lakad ko. Binilisan ko pa ang paglalakad baka sinusundan niya ako. Nakahinga lang ako ng maluwag nang nasa third floor na rin ako.

His Opposite Intention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon