Kabanata 30
Plan
Twelve hours ago before the execution.
Kasalukuyang nandito ako ngayon sa police station kasama si Chadrick. Pinatawag kami ni Papa rito dahil sa teddy bear na ibinigay ni Ophelia sa akin noon.
"Anak, itong teddy bear na ibinigay ni Ophelia sa'yo ay malaking tulong para sa magiging plano namin sa paghuli sa mga suspect at pagligtas sa mga bata," pagsisimula ni Papa.
Nandito kami sa office niya ngayon.
"Plano? Anong pinaplano niyo, Pa?"
Umiling si Papa. "Mas mabuti ng hindi mo alam, hija."
"Hijo, maraming salamat sa tulong mo. Makakaalis na kayo ng anak ko."
Magsasalita na sana ako pero hindi ko naituloy nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang pulis. Sumaludo muna ito kay Papa bago nagsalilta.
"Sir, tumawag na po ang isang suspek sa isa sa mga magulang ng batang dinakip nila."
Napatayo si Papa. Lumabas sila ng opisina kaya sumunod ako. Nang pumasok sila sa meeting room ay pumasok din ako. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang marami ang nasa loob, mga magulang ng batang biniktima ng kidnapping. Napabaling lamang ako kay Papa nang may pinindot siya sa cellphone na nasa ibabaw ng mesa.
"Mrs. Ventura, Makinig ka, kung gusto mong makuha pa ng buhay ang anak mo magdala ka ng sampung milyon. Sampung milyon. Magkita tayo sa lugar ng tinext ko. Alas-otso mamayang gabi dapat nakarating na kayo. Kapag hindi kayo dumating sa tamang oras at kapag nalaman namin na may kasama kayong mga pulis ay libing ng anak niyo ang sasalubong sa inyo."
Dahil sa matinding galit sa narinig ay napamura ako sa isip at naikuyom pa ang aking kamao.
"Ngayong tumawag ang isang suspek kay Mrs. Ventura kami na ang bahala dito. Huwag kayong mag-alala sisiguraduhin naming maililigtas ang mga anak niyo," baling ni Papa sa mga magulang.
Halos pangamba at pag-aalala ang nakikita ko sa mukha ng mga magulang. Ang ilan ay napapaiyak na rin. Kawawa rin ang mga anak nilang naging biktima ng krimen. Hindi dapat ito nararanasan ng mga bata ang ganitong kaharasan ng ating lipunan.
Si Sky.
"Pa, alam ng mga suspect na ako lang ang nakakaalam upang makuha ang nakatagong kayamanan ng Villafuerte. Bakit hindi natin gamitin iyon laban sa kanila? Alam nilang sa akin ibinigay ni Ophelia ang teddy bear. Kaya kong itaya ang buhay ko para sa kaligtasan ng mga inosenteng batang dinakip nila."
Napansin ko ang pag-iling ni Papa. "Hijo, ilabas mo ang anak ko rito," baling niya kay Chadrick.
Lumapit si Chadrick sa akin at hinawakan ang isang braso ko pero tinabig ko lang ito. Ngunit bago pa makalabas sa meeting room si Papa ay nagsalita ako. Dapat niya itong malaman.
"Pa, kilala ko kung sino ang isa sa mga pumatay sa pamliyang Villafuerte."
Nasa pintuan palang si Papa nang napahinto siya.
Dalawang araw. Sa loob ng dalawang araw ay naghanap ako ng impormasyon tungkol kay Mang Gardo sa mga taong kumilala sa litrato niya na ipinakita ko. Nalaman ko na ang totoong pangalan pala niya ay Gilbert Matias. Dati raw siyang katiwala ng mag-asawang Villafuerte.
"Ano pa ang nalalaman mo, anak?" baling ni Papa sa akin. Puno ng kuryusidad ang mukha.
"Sasabihin ko sa'yo kung sino kung papakinggan mo ang naisip kong plano, Pa."
Magsasalita na sana si Papa ngunit inunahan ko na.
"Wala ka bang tiwala sa akin, Pa? Gusto kong tumulong sa inyo. Nanganganib din ang buhay ng kapatid ko kaya ayokong wala akong gagawin kung alam ko sa sarili ko na makakatulong ako dahil ako ang pinaghahanap ng mga suspect. . ."
Nakita ko pang napapikit nang mariin si Papa bago tumingin sa akin. Parang nagdadalawang isip pa siya kung papakinggan niya ang plano ko. Ngunit ilang sandali lamang ay napahawak siya sa kaniyang noo bago nagsalita.
"Ano ang plano mo?"
BINABASA MO ANG
His Opposite Intention (Completed)
RomanceMatinding galit ang nadarama ni Mia Marie Rosales, isang fourth-year criminology student ng Hanclifford University. Nang isang araw ay may isang estranghero ang kumuha ng pera niya. Little did she know, ito pala ang prominent singer at songwriter, C...