Kabanata 13

259 39 108
                                    

Kabanata 13

Kiss

"Puwede ba, tumabi ka- " napatigil ako sa pagsasalita nang biglang hinigit nito ang isang braso ko. Nagulat pa ako at sisigaw na sana ngunit agad nitong natakpan ang bibig ko gamit ang isang kamay niya. Dinala pa nga niya ako sa pinakadulo.

"Nasaan na siya? Nakita ko siyang dumaan dito!"

"Oo nakita ko rin! Pero ang bilis niyang umalis kaya nawala agad siya sa paningin ko!"

Boses mga babae at ramdam kong nasa harapan lang namin sila. Ngunit hindi ko sila makita dahil nasa harapan ko ang lalaking ito. Kahit hindi ko sila makita alam kong marami sila dahil sunod-sunod ang naririnig kong yapak ng mga paa. Igagalaw ko sana ang ulo ko pero hindi ko nagawa nang biglang nagsalita ang lalaking nasa harapan ko.

"Stay still."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko magawa dahil tinatakpan pa rin nito ang bibig ko habang ang isang kamay nito ay nasa likod ng batok ko. Ang tangkad niya kaya kailangan ko pang i-angat ang ulo ko para tingnan siya. Nang maiangat ko ang ulo ko ay hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin. Dahil sa gulat ay tinanggal ko ng malakas ang kamay niya sa bibig ko.

"B-Bente Pesos? Anong ginagawa mo rito? May gana ka pa talagang sundan ako-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang inilipat nito ang isang kamay niya sa baywang ko. Nataranta ako bigla sa ginawa niya.

"Anong ginagawa mo?"

Naramdaman ko pang mas hinapit nito ang baywang ko papalapit sa kaniya at sabay hinilig nito ng konti ang ulo niya sa mukha ko.

Anong pinaplano ng Bente Pesos na ito?!

Nasa dibdib niya ang dalawang kamay ko na pilit siyang tinutulak papalayo sa akin ngunit ang buwisit na Bente Pesos na ito ay ang higpit ng pagkakawak sa baywang ko kaya nahihirapan akong itulak siya at ang tingin pa nito ay nailipat sa labi ko!

"Umalis na nga tayo rito! Iba yata ang nahanap natin."

"Tara na nga! May naglalandian pa yata rito. Hindi na nahiya."

"Are they still there?" napapaos niyang tanong.

Halos maramdaman ko na ang hininga niya sa pisngi ko nang magsalita siya. Ngayon ko lang namalayang halos magkadikit na pala ang ilong namin sa isa't-isa. Hindi pa rin niya binibitawan ang tingin sa labi ko. Parang bigla nalang umatras ang paghinga ko dahil sa posisyon namin. Hindi rin ako makasagot sa tanong niya dahil hindi ako makalingon sa likod dulot ng pinagagawa niya.

"Nakaalis na pala sila," sagot niya mismo sa tanong niya nang bahagyang lumingon siya sa likod.

Iniluwag na nga nito ang pagkakahawak sa baywang ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para maitulak siya ngunit hindi ko nagawa nang biglang mahalikan niya ako sa labi.

Para akong naestatuwa nang maramdaman ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Walang gumagalaw sa amin dahil parehas pa kaming nagulat sa isa't-isa. Siya pa ang unang pumutol sa halik dahil hindi talaga ako makagalaw dahil sa sobrang pagkagulat.

"Mia, I'm sorry. H-Hindi ko–"

"Oh my gosh! I'm sorry, sir, naitulak kita may hinahanap lang akong napakahalagang tao!" boses ni Bianca ang narinig ko at sabay umalis ito sa puwesto namin.

Napapikit ako ng mariin nang mapagtantong si Bianca pala ang dahilan kung bakit nangyari ang hindi dapat mangyari. Hindi niya siguro kami namukhaan dahil madilim sa puwesto namin.

Bainca naman! Bakit ka kasi nagmamadali!

"Bakit ka ba nandito?" inis na tanong ko sa kaniya. Dahil sa iritasyon ay napahawak pa ako sa magkabilang baywang.

"Ano ba ang ginagawa mo rito? Sinusundan mo na naman ba ako para bayaran ako ng limang piso? O pumunta ka rito para lang makakita ng celebrity? Isa ka rin ba sa mga fans ni Chadrick Aldovar?"

Nakakapagtataka naman kung bakit nandito siya ngayon. Hindi naman siya kasali sa Senior Ball na ito dahil hindi naman siya estudyante ng Hanclifford University. Kaya paano siya nakapasok rito?

Napansin kong nagpakawala siya ng mga maliliit na tawa dahil sa sinabi ko habang inaayos ang itim na ribbon sa bandang gitna ng leeg niya. Nakasuot siya ngayon ng black tuxedo na medyo kumikinang pa sa magkabilang braso niya. Mas nadagdagan tuloy ang kaguwapuhan niya dahil sa suot niya ngayon.

"Mia," mahinahong tawag niya sa pangalan ko kaya hindi ko alam kung bakit nabawasan bigla ang inis ko sa kaniya.

"Ano?"

Halos maamoy ko na ang pabango niya dahil sa sobrang lapit niya sa akin.

"Bakit ang sobrang ganda mo ngayon?"

Dahil sa naging tanong niya ay naramdaman ko bigla pag-init ng pisngi ko. Halos makalimutan ko na tuloy kung ano ang ginagawa ko rito. Ilang sandali lamang ay narinig ko ulit ang boses ni Bianca.

"Mia? Nasaan ka? Huwag mo na siyang hanapin. Ipapakilala na siya ngayon!" rinig kong sigaw ni Bianca mula sa unahan namin.

"Hinahanap niyo ba-"

"Maiwan na kita rito! Alam mo, mas mabuting umalis ka nalang bago pa malaman ng guards na may ibang nakapasok dito. Lagot ka kapag nagkataon," pag-aalala ko sa kaniya at sabay tinapik pa ang balikat niya.

Bago pa siya makapagsalita ay iniwan ko na siya. Hinanap agad ng mga mata ko si Bianca at nang magkita nga kami ay hinigit niya pa ang braso ko.

"This is it! Ipapakilala na siya!" sigaw ni Bianca nang makabalik na kami sa table namin.

"Olivia! Ang DSLR i-ready mo na!" si Jasmin.

Nakaupo na lahat ang estudyante sa kaniya-kaniyang puwesto. Halos lahat dito sa loob ay hindi na makapaghintay na ipakilala ang special guest ngayong gabi.

"Oh, Mia? Bakit natulala ka nalang bigla diyan? Hindi ka ba excited na ipapakilala na siya ngayon? Akala ko ba gusto mo ulit makita si Chadrick Aldovar?" baling ni Bianca sa akin nang mapansing hindi ako kumikibo nang makabalik kami sa table namin.

"May pangyayari kanina na hindi pa rin maalis sa isip ko," tulalang sagot ko.

Bakit paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang aksidenteng halikan namin ni Bente Pesos kanina? Binubura ko na siya sa isipan ko pero kusa siyang bumabalik sa utak ko. Hindi tuloy ako makapagfocus ngayon!

His Opposite Intention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon