Kabanata 8
Special Guest
"SALAMAT sa paghatid, Pa," sabi ko nang bumaba sa motor.
Nasa tapat kami ng malaking gate ng school namin. Day off ni Papa ngayong araw kaya naihatid niya ako. Napansin ko pang may hinahanap si Papa sa magkabilang bulsa ng pants niya. Napabaling siya sa akin nang hindi niya mahanap ang hinahanap niya.
"May Bente pesos ka ba diyan, 'nak? Naiwan ko pala sa bahay ang wallet ko. Nagpapabili pala iyon ng chuckie ang kapatid mo."
Agad naman pumasok sa isipan ko ang imahe ng lalaking iyon nang marinig ko ang salitang Bente pesos.
Akala ko titigilan na niya ako pero ang walang hiyang iyon sinundan pa ako sa restaurant noong isang araw at binayaran ulit ng limang piso!
Umiling ako at pilit ibinubura ang imahe niya sa isipan ko. Kumuha ako ng Bente pesos sa wallet ko at sabay ibinagay ito kay Papa. Ngunit bago umalis si Papa ay may isang bagay ako na gustong malaman sa kaniya.
"P-Pa, may balita na po ba sa Ate ko? Nahanap niyo na ba siya?"
Sa tingin palang ni Papa ay parang alam ko na ang isasagot niya.
"Hindi pa, hija."
Nang umalis si Papa ay bigo akong pumasok sa loob. Ilang taon na rin ang paghahanap sa Ate ko at si Papa ang tumutulong sa akin para mapabilis ang pagahahanap sa kaniya. Alam kong mahahanap din si Ate kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa.
Biyernes ngayon at napaaga ang pasok ko sa school. Alas-diyes pa ang unang subject namin pero nandito na agad ako. Napatingin ako sa aking relo, alas-otso palang at may dalawang oras pa ako bago magsimula ang unang klase namin.
Malawak ang Hanclifford University at isa ito sa mga sikat na school dito sa lugar namin. Noong una ayoko talaga mag-aral dito dahil private at malaki ang gagastusin. Pero si Papa ay gusto talaga niya na rito ako mag-aral kaya wala akong nagawa. Mabuti nalang naging scholar ako kaya nabawasan ng malaki ang mga bayarin ko. At dahil maaga pa naman ay siguro sa cafeteria lang muna ako tatambay.
"Mia!"
Napatigil ako sa paglalakad. Napalingon pa ako sa likod nang may tumawag sa pangalan ko.
"Bianca?"
"Nakita kita mula sa gate kaya hinabol agad kita rito!" aniya habang hingal na hingal pa.
"Tara, cafeteria lang muna tayo! Libre kita ng banana cue," sabay kindat niya at isinakbit pa nito ang kamay sa braso ko.
Himala at napaaga siya ngayon. Ano kaya ang nakain nito?
Nandito na rin kami sa loob ng cafeteria. Hindi pa gaano kadami ang mga estudyante dahil maaga pa naman. Naalala ko na may sasabihin pala ako sa kaniya kaya uminom muna ako ng tubig bago nagsalita. "May sasabihin pala ako sa'yo."
"Sasabihin? Tungkol saan?" Parang naging interesado siya bigla sa sasabihin ko.
Kagabi kasi hindi ako makatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa lalaking kumuha ng Bente pesos ko. Paano kung tama ang hinala ko? Para kasing natutugma sa kaniya ang hula ni Manang tungkol sa soulmate ko. Kagabi ko lang talaga ito napagtanto lahat.
"Naalala mo ba ang naging hula ni Manang sa soulmate ko?"
Kumunot ang noo niya. "Kulay itim lahat ang suot. Hinahabol ng mga tao. Tumatakbo ng sobrang bilis at hahanap-hanapin kaniya kahit saan ka man magpunta. Hindi ba 'yan ang hula ni Manang?" pagtatama niya.
Tumango ako. Naalala nga niya.
Hinahabol siya ng mga tao dahil may utang siya sa mga ito. Tumatakbo siya ng sobrang bilis dahil tinatakasan niya ang mga ito dahil nga wala siyang pambayad at hahanap-hanapin niya ba ako dahil babayaran niya ang kinuha niyang Bente pesos sa akin?
BINABASA MO ANG
His Opposite Intention (Completed)
RomanceMatinding galit ang nadarama ni Mia Marie Rosales, isang fourth-year criminology student ng Hanclifford University. Nang isang araw ay may isang estranghero ang kumuha ng pera niya. Little did she know, ito pala ang prominent singer at songwriter, C...