Kabanata 1
Kriminal
"I'm sorry. . ." balisang sambit ng dalaga habang paulit-ulit sinasabi iyon.
Nagmamamdali ito sa paglalakad sa pasilyo ng ospital kung kaya't hindi niya alintana ang mga dumadaan. Nanginginig pa ang magkabilang kamay nito dulot ng kaba at takot na nararamdaman. Nang makita ang kaniyang mga magulang ay agad siyang lumapit dito.
"Ma, si Gabriel?" tanong ng dalaga sa gitna ng panginginig ng boses.
"Faye. . ." Niyakap siya ng kaniyang ina.
"A-Anong nangyari? Bakit siya nandito? Bakit siya nasa loob ng emergency room?" sunod-sunod na tanong ng dalaga nang kumalas sa pagkakayakap. Ngunit hindi siya sinagot nito. Nadagdagan tuloy ang kabang nararamdaman niya.
"Ma! Anong nangyari kay Gabriel?! Please, sagutin niyo naman ako!" Hindi na mapigilan ng dalaga ang paglabasan ng mga luha sa magkabilang pisngi niya.
Lahat sila nasa labas ng emergency room. Hindi mapakali. Nababalot ng pangamba at takot ang nadarama. Hindi nila inaasahan na mangyayari ang ganitong sitwasyon.
"Naaksidente siya habang nagmamaneho kaninang madaling araw, hija. Ang sabi pa ng mga pulis ay nakainom ito," ang kaniyang ama na mismo ang sumagot.
Napatakip ng bibig ang dalaga sa narinig. Walang tigil ang pagbuhos ng mga luha niya ngayon. Bigla nalang nanghina ang magkabilang tuhod niya kung kaya't sa hindi sinasadya ay napaupo siya sa sahig. Mabilis naman lumapit ang kaniyang bunsong kapatid upang alalayan siyang makatayo ulit ng maayos.
"Ate. . ."
"Hindi. . .hindi maari ito. Malapit na ang kasal namin. He will be fine, right?" balisang tanong ng dalaga.
Dahil sa naging huling tanong niya ay nagkatinginan pa ang kaniyang mga magulang bago lumingon ito sa kaniya. "Hindi namin alam anak. Wala pang sinasabi ang doktor tungkol sa kalagayan niya," paliwanag ng kaniyang ina.
"Nangako siyang papakasalan niya ako. Nangako siya. . ."
"Tumigil ka nga sa pag-iyak para kang bata."
"It's just a movie Bianca," sabay bigay ko ng tissue sa kanya. Agad naman niya itong kinuha at pinunas sa magkabilang pisngi niya.
Kasalukuyang narito sa amin si Bianca, ang matalik kong kaibigan. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang manood ng romantic movie. E, ang hilig naman niyang panoorin ay anime. Anyway, dito rin siya mag-s-sleep over sa amin. Nagtatalo pa nga kami kanina kung anong genre ang panonoorin namin. Crime thriller sana ang gusto ko pero dahil gusto raw niya umiyak ngayong gabi pinagbigyan ko na. May pinagdadaanan yata ang babaeng ito.
"Nakakaiyak naman kasi! Ikaw, tatanungin kita! Kapag ba ang boyfriend mo na aksidente at nag-aagaw buhay hindi ka ba iiyak?!" sigaw niya nang bumaling siya sa akin.
"Itigil mo na nga iyan kadramahan mo. Matulog na tayo mag-a-alas dose na." Pinatay ko na ang TV. Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa.
"Nakalimutan ko, wala ka palang jowa," rinig kong pang-aasar niya at sarkastikong tumawa pa.
Dahil sa sinabi niya ay napataas ako ng kilay. "Ah, talaga? Huwag kang lalapit sa akin kapag nagbreak kayo ni Jayson," pagbibiro ko at sabay inihigas ang hawak na unan sa mukha niya.
PAGDATING ng Lunes ay balik unibersidad kami. Fourth year college na rin ako sa kursong BSCrim habang si Bianca ay Accountancy ang kinuha. Nasa labas kami ng unibersidad at papasok na sana sa malaking gate nang biglang may lumapit na isang matandang babae sa harapan namin. Napansin ko pang may hawak itong mga baraha sa kamay. Napabaling pa nga siya sa akin.
BINABASA MO ANG
His Opposite Intention (Completed)
RomanceMatinding galit ang nadarama ni Mia Marie Rosales, isang fourth-year criminology student ng Hanclifford University. Nang isang araw ay may isang estranghero ang kumuha ng pera niya. Little did she know, ito pala ang prominent singer at songwriter, C...