Kabanata 26

224 8 34
                                    

Kabanata 26

Suspect

Hindi agad ako nakakilos sa narinig. Ramdam ko pa ang panginginig ng buong katawan ko. Hindi rin nakawala ang mga luha sa aking mga mata. Nang maputol ang linya sa kabila ay nanlambot bigla ang magkabilang tuhod ko. Handa na sana ako mapaupo sa sahig nang may biglang humawak sa magkabilang braso ko.

"Hey, are you okay? Bakit ka umiiyak?" Inalalayan niya ako makatayo ng maayos. Naramdaman ko pa ang magkabilang palad niya sa pisngi ko. Nang magtama ang mga mata namin ay naramdaman ko ang pag-aalala niya.

"Si S-Sky. Nawawala si Sky. Nawawala ang kapatid ko, Chadrick!" sigaw ko.

Walang pag-aatubiling hinigit niya ang pulsuhan ko. Dahil sa paghigit niya ay tumama pa ang mukha ko sa dibdib niya para pakalmahin ako.

"Hahanapin ko si Sky." Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Handa na ako humakbang paalis nang hinawakan niya ulit ang kamay ko.

"Hindi na kailangan. Mga pulis na ang kumikilos ngayon para mahanap ang kapatid mo."

Gulat nang mapatingin ako sa kaniya. May alam ba siya sa nangyayari sa kapatid ko?

"Hahanapin ko pa rin siya. Tutulong ako sa paghahanap sa kapatid ko," disididong sinabi ko.

"No. Stay here."

"Anong gusto mong gawin ko? Manatili rito habang nawawala ang kapatid ko? Mababaliw ako Chadrick kapag hindi ako tutulong sa paghahanap sa kapatid ko!"

Mabilis akong lumabas. Narinig ko pang sinigaw niya ang pangalan ko pero binalewala ko lang iyon. Nang makitang nagsisiksikan pa ang mga tao sa elevator ay hagdan na ang ginamit ko. Binilisan ko pa ang pagbaba. Nang tuluyang nakalabas ako ng ospital ay pumara agad ako ng taxi. Ilang minuto ang naging byahe bago huminto ang sinasakyan ko sa tapat ng bus terminal. Dalawang oras ang byahe bago ako makarating sa amin. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka umuwi mag-isa sa bahay si Sky dahil miss na niya kami. Kaya naman ang unang pinuntahan ko ay ang bahay namin.

Nang nasa tapat na ako ng aming pintuan ay kumunot ang noo ko nang mapansing hindi ito naka-lock. Bukas ito kaya nakapasok agad ako sa loob. Ang unang bumungad sa akin ay ang makalat sa loob. Halos hindi ko na alam kung ito ba ang bahay namin. Halos sira lahat ng kagamitan.

Anong nangyari? Bakit ganito ito? Pinasukan ba kami ng magnanakaw? Maniniwala sana ako ngunit wala kaming kayamanan o mga gold man 'yan na minana ng mga ninuno namin!

Nasa loob ako ng aking kuwarto ngayon. Makalat din at sira ang ilang mga kagamitan ko. Naagaw lang ang pansin ko nang may naapakan ako sa aking paa. Isang litrato. Nakabukas ng bahagya ang cabinet kaya siguro nahulog ito. Nang pinulot ko ay hindi ko maiwasan mapakunot-noo. Mukha ng kapatid ko ang nasa litrato. Nakahiga siya sa isang hindi pamilyar na silid. Nakatali pa ang dalawang kami sa likod niya.

Nanginig ang dalawang kamay ko sa nakita. Napatakip pa ako ng bibig. Nang binaligtad ko ang litrato ay nagdulot pa ito ng kaba sa aking sistema. Naramdaman ko pa ang paninigas ng kamay ko habang binabasa ang nakasulat.

Kung hindi mo ibibigay sa amin ang teddy bear ay huwag ka ng aasa pang maililigtas ang kapatid mo.

Tang ina. Anong ibig sabihin nito? B-Bakit damay na rin pati ang kapatid ko? Ano bang meron sa teddy bear para umabot pa sa ganito ang nangyayari sa pamilya ko?!

Biglang naalala ko ang sinabi ni Trina sa akin noon.

Nakatagong kayamanan ng pamilyang Villafuerte.

Hindi kaya...ang teddy bear na ito ang susi para makuha ang kayamanan?

Kailangan kong puntahan ngayon si Papa sa ospital upang sabihin sa kaniya ang lahat ng ito. May kinalaman ito sa pagkidnap kay Sky kaya dapat malaman ito ng mga pulis. Kailangan mailigtas ang kapatid ko sa madaling panahon. Napapikit ako nang mariin at napakuyom ang isang kamay.

His Opposite Intention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon