Kabanata 31

169 3 1
                                    

Kabanata 31

Truth

Halos isang buwan na ang lumipas ngunit laman pa rin ito sa mga balita hanggang ngayon. Gulat ang lahat nang malaman na si Mang Gardo o sa tunay na pangalan ay Gilbert Matias pala ang puno't dulo ng krimen. Siya ay isang katiwala ng pamilyang Villafuerte noon at walang kaalam-alam ang Lola ni Chadrick na isa palang mastermind ng krimen ang pinagkakatiwalaan niya. Sa huli ay nabigyan din ng hustisya ang pagkamatay ng pamilyang Villafuerte.

Sa loob ng isang buwan ay marami ang nangyari. Graduate na rin ako sa kursong BSCrim. Pinaghahandaan ko na lamang ang nalalapit na board exam sa susunod na buwan. Unti-unti ko ng natutupad ang aking pangarap na maging isang ganap na pulis. Ngunit may isa pa akong gustong gawin.

"Sigurado ka na ba sa pinaplano mo?" tanong ni Bianca sa akin.

"Oo, Bianca. Pupunta ako sa probinsiya."

"Gusto mo bang samahan kita? Wala naman akong gagawin sa susunod na Linggo."

"Hindi na, Bianca. Ayos lang. Hindi naman ako magtatagal doon. May bibisitahin lang ako."

Inamin nila Papa sa akin noon na inampon nila ako ng sanggol pa lamang ako. Binawian daw ng buhay ang Mama ko dahil sa panganganak sa akin at ang totoong Papa ko naman ay namatay dahil sa diabetes bago ako pinanganak pero may isang Ate ako. Limang taon ang tanda sa akin, Lia ang pangalan. Naiwan siya sa bahay ampunan nang inampon ako.

Nang nagpaalam ako kina Mama at Papa na magbabakasyon ako sa probinsiya kung saan lumaki ang yumaong biological parents ko ay pumayag naman sila. Siguro sa lahat ng nangyari sa buhay ko ay kailangan ko munang mapag-isa at magliwaliw. Pumunta sa isang lugar na alam kong pagpapabuo ng aking pagkatao.

Ang hanapin ang aking Ate.

"Ah, ikaw ba iyong nakakabatang kapatid ni Lia?" tanong ni sister sa akin.

Unang araw ko sa probinsiya. Ngunit bago ako pumunta rito sa bahay ampunan ay dinalaw ko muna ang puntod ng Mama't Papa ko sa sementeryo. Nakakadurog ng puso ang makitang magkatabing nasa libingan ang iyong mga magulang. Hindi ko napigilan ang paglandas ng mga luha ko. Hindi ko man lang sila nakita o nahawakan man lang.

"Opo. Ako po iyong kapatid ni Ate Lia. Sanggol palang po ako noon nang inampon ako ng mag-asawang Rosales," sagot ko kay sister.

Kasalukuyang nakaupo kami ni sister sa mahabang upuan dito sa labas ng bahay ampunan. Nasa harapan namin ang mga batang naglalaro sa playground. Nataranta lamang ako nang makita ang paglandas ng mga luha sa pisngi ni sister.

"Sister? B-Bakit po kayo umiiyak?"

"Hija, w-wala na ang Ate Lia mo. Matagal na siyang pumanaw sa mundong ito dahil sa sinapit niya."

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa narinig. Parang hindi pa maproseso sa isip ko. Ngunit naramdaman ko ang panginginig ng dalawang kamay ko.

"Hija, makalipas ng limang taon matapos ka inampon ng mag-asawang Rosales ay may umampon din sa kapatid mo. Ang mayamang mag-asawang Villafuerte."

Kumunot ang noo ko sa hindi inaasahang narinig. "V-Villafuerte?" halos manginig pa ang boses ko nang bigkasin ko ang apelyidong iyon. May hawak na lumang album si sister. Ipinakita niya sa akin ang itsura ng Ate ko kasama ang mag-asawang Villafuerte.

"Ito ang unang araw nang pagkikita ng Ate mo at ang mag-asawang Villafuerte. Mabait at magalang na bata si Lia. Gumagaan ang pakiramdam ni Mrs. Villafuerte sa tuwing nakikita niya ang Ate mo kapag bumibisita sila rito ng kaniyang asawa. Si Mr. Villafuerte naman ay masayang nakikitang nakangiti ang asawa kapag kasama si Lia hanggang sa napagdesisyunan ng mag-asawa na ampunin ang Ate mo."

Napatakip ako ng bibig nang makita ang litrato. Gulat na gulat ako na halos ay hindi pa ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko. Ang batang nasa litrato ay kamukhang-kamukha sa batang nagbigay ng teddy bear sa akin. Kahit nanginginig ang labi ko ay pinilit ko pa rin magsalita.

"O-Ophelia po ba ang kumpletong pangalan ng Ate ko?"

"Oo, hija. Ophelia Castillo ang buong panglan ni Lia. Nang kinuha siya ng mag-asawa ay doon napalitan ang apelyido niya. Ophelia Villafuerte."

Naging blanko bigla ang isipan ko. Hindi na rin ako makapag-isip ng maayos. Nanginginig pa ang buong katawan ko nang tumayo ako. Hindi ko na marinig ang sinasabi ni sister dahil parang wala na ako sarili. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ang alam ko lang ay walang tigil ang pagbagsak ng mga luha ko ngayon. Nagulat lamang ako nang biglang may humigit sa braso ko. Naramdaman ko pa ang mahigpit na pagyakap niya sa akin.

"I'm sorry," iyan lamang ang narinig ko sa kaniya na nagpabuhos ng husto sa mga luha ko.

Hinayaan niya akong basahin ang damit niya. Ilang minuto kami nanatili sa ganoong posisyon. Walang tigil pa rin ang paglandas ng mga luha ko habang siya ay nakayakap pa rin sa akin hanggang sa napagod din ang mga luha ko. Nang mahimasmasan ay bahagyang lumayo ako sa kaniya.

"Alam mo rin ba?" tanong ko kay Chadrick. Ngayong nandito rin siya sa bahay ampunan ay isa lamang ang ibig sabihin nito.

"Chadrick," mariin na tawag ko sa kaniya nang mapansing hindi siya nagsasalita.

Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko nang pilit niyang pinupunasan ang basa kong pisngi. Napansin ko pa ang pagpakawala niya ng malalim na hininga.

"Nangako ako kay Ophelia noon na hahanapin ko ang nakababatang kapatid niya. Nang nakita kita sa show ko ay dinala pa kita sa ospital dahil nahimatay ka at hindi ko sinasadya na makita ang birthmark mo sa gilid ng tiyan mo. Iyan ang palatandaan ko sa kapatid ni Ophelia. Kaya pinaimbestigahan ko ang buong pagkatao mo hanggang sa nalaman kong ikaw pala ang matagal ko ng hinahanap."

Napapikit ako nang mariin. All this time, alam niya pala?

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Wala akong kaalam-alam na ang Ate ko pala ang-" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil napapikit ulit ako nang mariin. Hindi ko matanggap ang katotohanan. Sana panaginip lang ang lahat ng ito.

"Gustong-gusto kong sabihin sa'yo ngunit medyo magulo pa. Ayoko at ng mga magulang mo na sabihin sa'yo ang katotohanan habang hindi pa nahuhuli ang mga suspect dahil baka ano pa ang gawin mo at mapahamak ka pa," seryosong paliwanag niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. A-Alam din ng mga magulang ko? Oo nga pala si Papa ang humahawak sa kaso ng Villafuerte kaya alam niya rin ang tungkol dito. Napahilamos na lamang ako sa mukha gamit ang dalawang palad ko dahil sa mga nalalaman ngayon.

"I'm sorry kung inilihim din namin sa'yo ang tungkol dito."

Umiling ako. "Naiintindihan ko kayo. Ginawa niyo lang iyon para protektahan ako."

Akala ko magkikita kami ng Ate ko. Akala ko magkakasama na rin kami. Ngunit hindi ko alam na iyon na pala ang huling pagkikita namin noon sa ospital. Ngayong nabigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay ng Ate ko ay mapapanatag ang loob ko ngunit sa ginawa nila sa kaniya ay hindi ko sila mapapatawad.

M-Masakit para sa akin na wala na rin si Ate. Ang hirap tanggapin. Hindi ko kaya pero. . .alam kong hindi siya nag-iisa ngayon dahil kasama niya si Mama at Papa sa kabilang buhay.

His Opposite Intention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon