Kabanata 10

372 73 85
                                    

Kabanata 10

Grandson

"May asawa na po ba ang apo niyo Lola?"

Napatigil si Lola sa paglabas ng mga gulay sa loob ng plastic bag dahil sa naging tanong ko at bahagyang napatawa.

"Wala, hija. Sa pagkakaalam ko ay single pa ang apo ko. Wala pa siyang pinapakilalang nobya sa akin." Ibinalik ni Lola ang pansin sa ginagawa niya kanina.

"Ilang taon ka na ba, hija?"

"Twenty-two po."

"Twenty-two? Matanda pala ng limang taon ang apo ko sa iyo. Pero puwede na rin." Parang may gusto pang idugtong si Lola pero hindi na niya itinuloy.

"Noong nag-aaral pa lamang siya ay nagtatrabaho na ang apo ko, hija. Masipag na bata iyon at mabait. Sa dami ng pinagdaanan sa buhay ay nakayanan niya lahat. Hindi naging madali ang nakaraan niya kaya hanga ako sa batang iyon dahil malaki na ang naabot sa buhay."

Namangha ako sa sinabi ni Lola tungkol sa apo niya. Hindi ko man alam ang buong kuwento pero ramdam ko ang pagiging proud ni Lola sa kaniyang apo. Nakakabilib. Nag-aaral habang nagtatrabaho? Ang hirap kaya iyon dahil hati ang oras mo sa pag-aaral pero kung madiskarte ka nga sa buhay ay walang problema. For sure, matalino rin ang apo ni Lola.

"O, siya, hija, magluluto lang muna ako para makapagtanghalian na rin tayo."

"Tulungan ko na po kayo."

Umiling si Lola. "Huwag na, hija. Kaya ko na ito. Kaya nga ayokong magkaroon ng katulong dahil kaya ko pa naman gawin lahat mag-isa kahit matanda na ako."

Kahit gusto kong tumulong ay wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan na lamang si Lola sa pagluluto. Mukhang masarap. Nagugutom na tuloy ako. Pagkalipas ng ilang minutong pagluluto ni Lola ay natapos na rin siya. Naamoy ko na ang masasarap na pagkain.

"Hija, puwedi mo bang puntahan ang apo ko sa itaas? Sabihin mo na kakain na tayo."

Nandito pala ang apo ni Lola? Akala ko wala siya rito dahil wala naman akong nakikitang ibang anino ng tao maliban kina Lola at Mang Gardo. Sabagay hindi ko siya makikita rito dahil nasa pangalawang palapag pala siya.

"Pag-akyat mo sa itaas nasa unahan ng pinto ang kuwarto niya."

Teka, baka magtaka iyon kung makita ako? Baka isipin na masamang tao ako o magnanakaw dito sa bahay nila.

"Lola, baka po-" napatigil ako sa pagsasalita nang pumasok si Mang Gardo sa kusina.

"Madam, tumawag ang sekretarya niyo at sinabing kailangan kayo ngayon sa meeting. Kailangan ng approval galing sa inyo."

Meeting? Para saan?

"Ngayon na ba?" baling ni Lola kay Mang Gardo.

"Yes, Madam."

Tumango si Lola kay Mang Gardo bago bumaling ito sa akin.

"Hija, mauna na kayong kumain ng apo ko. Puntahan mo nalang siya sa kuwarto niya. Baka mamaya pa kami makakabalik dito."

Magtatanong pa sana ako pero mabilis na silang nakakaalis sa kusina. Mahalaga yata ang pupuntahan nila.

Meeting? Baka business meeting? May sinabi kasi kanina si Mang Gardo na sekretarya raw ni Lola. May negosyo rin yata si Lola kaya ganito kalaki ang bahay niya.

Nang ako nalang ang naiwan sa kusina ay pinuntahan ko na sa itaas ang apo ni Lola. Mabait siguro ang apo ni Lola dahil base sa kuwento niya kanina. Hindi naman siguro agad ako pagkakamalhang isang masamang tao.

His Opposite Intention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon