Espesyal na Kabanata

148 2 0
                                    

Itong espesyal na kabanata ay ilan lamang sa mga eksena ng dalawang bida na hindi naisali sa nakaraang kabanata. Maraming salamat po sa pagbabasa ng His Opposite Intention. :)

***

Espesyal na Kabanta

"Can I take your order, ma'am?"

Napa-angat ako ng tingin nang may dumating na waitress sa table ko. Inayos ko muna ang kulay itim ko na kalo bago nagsalita. "Yes, please."

Nandito ako ngayon sa isang mamahaling restaurant kung saan mag-d-date si Gabriel at ang kaniyang soon to be girlfriend. Nalaman ko ito mula kay Bianca kaya nandito ako ngayon para malaman kung sino ang nililigawan ni Gabriel.

Ngunit kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Parang nagsisi na tuloy ako na pumunta pa ako rito. Sinasaktan ko lang ang sarili ko. Kaya bago ko pa maibigay ang order ko sa waitress ay tumayo na ako.

"I'm sorry, Miss. O-order nalang ako sa susunod. Nakalimutan ko palang dalhin ang wallet ko," pagsisinungaling ko sa waitress.

Hindi rin pala kaya ng pera ko ang presyo ng mga pagkain dito kaya mas mabuting umalis nalang ako. Tumayo na rin ako at hahakbang na sana para lumabas pero nabigla ako nang may humawak sa magkabilang balikat ko at pinabalik sa pag-upo.

"I will buy your order."

Nang makabalik nga ako sa pag-upo ay nag-angat ako ng tingin para matingnan ang lalaking nasa harapan ko ngayon ngunit nang magkatinginan nga kami ay nanlaki pa bigla ang mga mata ko.

"Aba't naman! Hanggang dito pa rin ba susundan mo-" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ng dalawang mata ko si Gabriel at ang babaeng kasama niya papasok sa loob.

Nang mapansing dadaan sila sa puwesto namin ay agad ko ng kinuha ang menu at sabay tinakpan ang mukha ko. Shit. Kung kailan aalis na ako, tsaka pa sila dumating!

Ibinaba ko ng konti ang menu para silipin sila. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang nag-iba sila ng puwesto kaya medyo malayo sila sa amin.

Kahit medyo nasa malayo ang puwesto nila ay nakikita ko pa rin silang dalawa. Parang bigla nalang sumikip ang dibdib ko nang makitang masaya si Gabriel sa ibang babae. Ang makita ang mga ngiti niya habang kausap ang babaeng kasama niya ay parang ipinapamukha talaga sa akin na hindi talaga ako ang magiging dahilan ng mga ngiti niya.

Mas mabuting umalis na ako kaysa saktan ko pa ang sarili ko. Hindi ko yata makakayang pagmasdan sila ng matagal.

"H-Here's your order, sir," nanginginig at hindi mapakaling saad ng waitress.

Napansin ko pa na panay ang sulyap nito kay Bente Pesos. May ibinulong pa nga si Bente Pesos sa kaniya. Bigla naman kinilig ang waitress at nag-okay sign pa ito. Nagtataka tuloy ako kung ano ang pinag-usapan nila.

Anong binulong niya sa waitress para kiligin ito ng todo? Close ba sila? Magkakilala? Magkaibigan? O baka magka-

T-Teka, pakialam ko ba? Makaalis na nga!

Tatayo na sana ako para umalis pero mabilis ang paghawak niya sa braso ko kaya napatigil ako at napabalik ulit sa pag-upo.

"Eat," madiin nitong sinabi nang magkatinginan kami.

"No, thanks. Hindi ako nagugutom kaya aalis–" napahinto ako sa pagsasalita nang makitang maraming mga pagkain ang nakahain sa mesa. Ang dami niyang inorder. At mukhang masasarap pa! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng mga pagkain!

Nahiya nalang ako ng tumunog pa ang tiyan ko. Bakit ngayon ka pa nagparamdam? Puwedeng mamaya na? Nakakahiya! Oo na! Kinakain ko na ang sinabi ko kanina. Nagugutom na talaga ako.

His Opposite Intention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon