Kabanata 28

142 4 4
                                    

Kabanata 28

Mission 2: Rescue the victims.

 "P-Paano nangyari ito? Bakit may mga pulis?!" sigaw ng lider nila. Binalingan pa nito ang dalawang kasamahan pero umiling lang ito sa kaniya. Wala rin ideya sa mga nangyayari.

"Paano nangyari? Simple lang. Dalawa ang nilagyan ko na tracking device sa sasakyan niyo para kapag nakita niyo ang isa may extra pa," paliwanag ko at nagkibit-balikat. Pansin ko agad ang pagliyab ng galit sa mukha ng lider nila.

"B-Boss, ang talino pala niya," rinig kong bulong ng isang kasamahan niya.

"Bakit hindi niyo tiningnan ng maayos?! Mga bobo ba kayo?! Mga walang silbi!"

Bago pa magtalo ang tatlo ay mabilis silang hinuli ng mga pulis. Pinusasan pa ang mga kamay. Narecover din ang kayamanan ng pamilyang Villafuerte. Ngayon ay babalik ako kasama ang tatlong pulis sa lumang bodega upang iligtas ang mga bata at si Chadrick.

"Anak, mag-iingat ka. Susunod kami sa inyo," iyan ang huling habilin ni Papa bago kami umalis gamit ang sasakyan ng mga suspect. Ang suot ng tatlong pulis ay ang suot ng tatlong suspect para walang manghinala pagbalik namin doon.

Nang tuluyang nakarating kami ay walang pasubaling binuksan ng mga tauhan ang malaking gate kaya nakapasok kami. Nang huminto ang sasakyan sa madilim na puwesto ay pansin namin na may lumapit na isang lalaki upang buksan ang driver seat. Ngunit nang binuksan nga nito ang pinto ay agad siyang sinikmuraan ng pulis. Nang mawalan ito ng malay ay ipinasok ito sa loob ng sasakyan bago kami lumabas.

Matagumpay din kaming nakapasok sa loob ng bodega dahil abala ang mga lalaki sa inuman. Ngunit ilang sandali lamang ay nagkaroon ng pagsabog kung kaya't nagkagulo ang mga tao sa loob. Natigil pa ang ilang mga lalaki sa inuman.

"May nakapasok na mga pulis sa loob! Hulihin sila!" sigaw ng isang lalaki.

Nagkatinginan kami ng mga pulis at umaksyon agad. Nagkahiwalay-hiwalay kami upang mapabilis ang paghahanap sa mga bata at kay Chadrick. Ngunit nang liliko palang ako sa kanan ay biglang may humigit sa braso ko papasok sa isang madilim na silid. Mabuti nalang mabilis ang pagalaw ko kaya nasakal ko siya gamit ang braso ko mula sa likod pero nagulat ako nang biglang umilaw sa loob.

"M-Mia ako 'to..." nahihirapan niya pang sinabi.

Napabitaw ako nang mapagtantong si Chadrick pala ang sinasakal ko. Nakita ko pang napaubo siya habang nakahawak sa leeg niya. Nataranta ako nang makita ang pamumula ng leeg niya.

"Chadrick? Ayos ka lang? Pasensiya na hindi ko alam na ikaw pala iyan."

"Narinig mo ba ang pagsabog? Wala na tayong oras baka ano pa ang mangyari sa mga bata at alam na rin ng mga suspect na may mga pulis na nakapasok kaya kumikilos na rin sila."

"Alam ko kung saan nila kinulong ang mga bata," saad ni Chadrick.

Hindi dapat sumablay ang plano namin dahil nakasalalay dito ang buhay ng mga bata. Nang napagdesisyunan namin ang mangyayari ay dahan-dahan na kaming lumabas. Mabuti nalang walang katao-tao dito kaya hindi kami nahirapan kumilos.

"May paparating," bulong ni Chadrick at sabay hinigit ang isang braso ko. Nagtago kami sa likod ng pader. Nang bahagyang sumilip ako ay nakita ko ang mga bata kasama ang dalawang lalaki. Nakita ko pa ang kapatid ko. Nagkatinginan pa nga kami. Niligay ko pa agad ang isang daliri ko sa labi. Napatango siya. Naintindihan niya siguro ang gusto kong iparating na huwag siyang mag-ingay.

"Sandali lang po," ang kapatid ko kaya napatigil silang lahat sa paglalakad.

"Ano na naman ba, bata? Ang kulit mo! Kitang aalis na tayo!"

His Opposite Intention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon