Kabanata 24

253 17 81
                                    

Kabanata 24

Past

Tulala ako habang pinagmamasdan si Lola na palabas ngayon sa pinto. Parang natunaw ang puso ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin ngunit hindi ko ginawa dahil baka mahalata ni Lola ang totoong pagkatao ko. Kasalukuyang tatlo nalang kami ang naiwan sa loob, si Chadrick, Georgia at ako. Napabaling lamang ako kay Georgia nang lumapit siya sa akin. Pinagkrus pa nito ang magkabilang braso nang magkaharap kami.

"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni CD para tanggapin ka bilang bodyguard niya. Hindi ba ito delikado sa'yo? Sa inyong dalawa? Tingnan mo, nang dahil sa kapabayaan mo napahamak siya," dismiyado niyang sinabi.

"The fact na male bodyguard ang hinahanap namin ay nagpanggap ka pa talaga bilang isang lalaki para lang sa trabahong ito?" dugtong niya at napailing pa.

May point si Georgia ngunit sa panahon ngayon ay minsan hindi puwedeng walang kapalit at isa pa ay wala akong ibang maisip na paraan para makakuha ng malaking halagang pera para sa operasyon ni Papa maliban sa trabahong ito. Hindi ako puwedeng tumanggi kung dito nakasalalay ang buhay ni Papa.

Bumuntonghininga si Georgia. "Kapag nangyari ulit ito ay hindi ako magdadalawang isip na sabihin ang totoong pagkatao mo sa mga magulang niya."

"G, ang totoo kasi-" naputol ang sasabihin ko nang tumunog ang cellphone niya. Medyo lumayo siya ng kunti sa akin para sagutin ang tawag.

"Yes, direk. He's stable now."

"Direk, puwede bang resched nalang natin ang pagtaping sa MV ni CD? Okay. Thank you, Direk. I will call you nalang later."

Pagkatapos ng pag-uusap nila ay hindi na lumingon si Georgia sa gawi ko bagkus ay tuluyan na siyang lumabas ng room. Napabuntonghininga ako. Nalaman niya ang totoong pagkatao ko nang dumating siya sa eksena. Natanggal ang wig ko sa oras na iyon kaya malalaman niya talaga kung sino ang tunay na pagkatao ko.

Nang mapansing mahimbing ang pagtulog ni Chadrick ay lumabas ako sandali upang sa labas na muna magbantay. Habang nakatayo ako sa labas ng pinto ay may napansin akong isang batang babae tumatakbo hanggang sa mawalan nga siya ng balanse kaya napadapa siya sa sahig. Mabilis naman akong lumapit sa kaniya upang maalalayan siya sa pagtayo.

"Ayos ka lang?" pag-aalala ko sa bata. Pinagpag ko pa ang magkabilang tuhod niya nang makatayo siya.

"A-Ayos lang po ako," mahinahong sagot niya.

Napansin ko pa na parang may hinahanap siya. Nakita ko naman sa unahan ang kaniyang maliit na teddy bear na natapon kanina dahil sa pagkadapa niya. Pinulot ko naman ito at agad binigay sa kaniya.

"Salamat po."

Magsasalita na sana ako pero napatigil ako nang may ala-alang pumasok sa isip ko labinlimang taon na ang nakalipas...

Magkatapos ng klase ko ay nagtungo agad ako sa ospital kung saan dinala si Mama dahil malapit lang naman ito sa paaralan na pinapasukan ko. Buntis si Mama ng isang buwan pero nakunan siya. Pagkarating ko sa loob ng ospital ay hindi ko alam kung saan room dinala si Mama. Dumaan ako sa kaliwa ngunit napatigil lamang ako sa paglalakad nang may napansin ako mula sa likuran isang batang babae nakahiga sa hospital bed habang tinutulak ito ng isang nurse.

Nang mapadaan sila sa gawi ko ay nagtama pa ang mga mata namin ng batang pasyente pero sa tingin ko ay mas matanda ito sa akin ng ilang taon. Napansin ko pa ang duguan sa kaniyang tagiliran. Nabigla lamang ako nang inabot niya sa akin ang hawak niyang teddy bear. Hindi ko alam pero parang may nag-udyok sa akin na tanggapin iyon. Nang maibigay niya sa akin iyon ay kasabay ng pagpikit ng dalawang mata niya. Napansin naman iyon ng nurse kaya dali-dali itong itinulak ang hospital bed kung saan nakahiga ang bata. Nang mawala na sila sa paningin ko ay napatingin na lamang ako sa hawak kong maliit na teddy bear.

His Opposite Intention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon