Kabanata 5
Sinehan
NANG dumating ako sa bahay ay agad sinalubungan ako ng kapatid ko. Tuwang-tuwa pa nga siya nang may pasalubong ulit ako sa kaniya ng chuckie. Parang nabawasan bigla ang pagod ko nang makitang masaya ang kapatid ko.
"MM, alagaan mo ng mabuti ang Mama mo at ang kapatid mo," sambit ni Papa habang naghahapunan kami.
"Opo, Pa."
"Alam mo naman anak na palaging nasa piligro ang buhay ng Papa mo dahil sa trabaho. Gusto ko lang sabihin iyon sa iyo dahil baka may masamang mangyari sa akin."
"Alfredo!" pigil ni Mama sa kaniya.
Isang pulis ang Papa ko kaya naiintindihan ko siya kung bakit ganito na lamang siya magsalita. Pero ang magsalita siya na parang may masamang mangyayari sa kaniya ay iyon ang hindi ko matatanggap.
"Alfredo, huwag ka naman magsalita ng ganiyan sa anak mo na parang may masamang mangyayari sa iyo. Hindi iyan nakakatuwa," madiin na sinabi ni Mama pero sa mahinahong boses lang.
"MM, dalhin mo na si Sky sa kuwarto niya," baling ni Papa sa akin.
Tiningnan ko si Sky at kakatapos nga lang niya kumain. Apat na taon palang siya pero ang linis na niyang kumain. "Sky, gusto mo story telling tayo sa kuwarto mo?" nakangiting tanong ko sa kaniya.
Na-excite nga siyang bumaling sa akin bago nagsalita. "Yes, Ate MM! I love story telling!"
"Okay. Let's go to your room baby," saad ko at sabay binaba siya mula sa kaniyang kinauupuan.
Nang nasa hagdanan na kami ni Sky para pumunta sa kuwarto niya ay narinig ko pa ang pag-uusap ulit ni Mama at Papa. Nagtatalo pa nga sila. Upang hindi marinig ni Sky ang pagtatalo nila ay tinakpan ko pa ang magkabilang tainga niya. Nang nasa loob na kami ng kuwarto niya ay pinalitan ko muna siya ng damit pantulog.
"Anong gusto mong basahin ni Ate?"
Nakahiga na siya ngayon sa kama nang nakakumot hanggang dibdib. Nakasandal naman ang likod ko sa headboard ng kama habang magkatabi kami.
"The Lion King po Ate MM."
"Alright, baby." Napangiti ako habang hinahaplos ang buhok niya.
Nagsimula na nga rin akong basahin ang kuwento. Nakikinig naman siya at paminsan-minsan kinukusot nito ang kabilang mata kaya napapahinto rin ako sa pagbabasa. Napapanguso nalang talaga ako dahil ang cute niyang tingnan.
Pagkatapos kong basahin ang kuwento ay hindi ko namalayang nakatulog na pala siya. Inayos ko muna ang kumot niya bago pinatay ang ilaw. Pagkatapos ay lumabas na ako upang tuluyang pumunta sa aking kuwarto.
Nang dumating ang kaarawan ni Sky ay limang taon na rin ang kapatid ko. Nakakatuwa nga isipin dahil kahit hindi kami tunay na magkapatid ay maraming nagsasabi na ako raw ang kamukha ni Sky. Ako yata ang pinaglihi ni Mama nang pinagbubuntis niya si Sky.
"Happy Birthday, Sky!" bati ni Bianca sa kapatid ko nang dumating siya.
"Here's my gift for you, baby boy!"
"Thank you po, Ate Bianca!" masiglang tugon ng kapatid ko sa kaniya. Masayang tinanggap ni Sky ang regalo at agad itong pumunta kina Mama para ipakita na may regalo na naman siyang natanggap.
Kaninang umaga lang kami naghanda para sa mga pagkain. Mabuti nga natapos agad kami pag bandang alas-dos ng hapon. Si Mama ang nagluto ng ibang mga pagkain pero iyong iba ay inorder lang namin. Si Papa naman ang taga-bili kapag may kinakailangan at ako naman ang nagdecorate sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
His Opposite Intention (Completed)
RomanceMatinding galit ang nadarama ni Mia Marie Rosales, isang fourth-year criminology student ng Hanclifford University. Nang isang araw ay may isang estranghero ang kumuha ng pera niya. Little did she know, ito pala ang prominent singer at songwriter, C...