Kabanata 27

228 6 59
                                    

Kabanata 27

Mission 1: Find the Villafuerte's wealth.

"Sakto ba ang dala niyong pera?" unang tanong ng lalaki. May dalawa pa siyang kasama. May kaniya-kaniya itong hawak na baril.

Tumingin ako sa batang babae na sa tingin ko ay anim na taong gulang pa lamang. Hawak pa ng dalawang lalaki ang magkabilang kamay ng bata.

"Oo, walang labis at walang kulang," si Chadrick na mismo ang sumagot.

"Pre, tingnan mo kung sakto ba ang dala nilang pera," sambit ng isang kasamahan nito.

Bago pa siya makalapit ay nagsalita ako.

"Sandali! Pakawalan niyo muna ang anak namin," seryosong sinabi ko sa kanila.

Napahinto ang lalaki at napalingon sa kasama niya. Tumango ito ngunit bago pa pinakawalan nila ang bata ay nagsalita ito.

"Hindi sila ang Mommy at Daddy ko!"

Shit. Hindi nga marunong magsinungaling ang bata. Nang mapagtanto nilang hindi pala kami ang mga magulang ng bata ay itinutok agad sa amin ang mga baril nila.

"Hulihin sila!"

KASALUKUYANG nasa loob kami ng isang kuwarto. Nandito rin ang mga dinakip nilang mga bata. Agad kong niyakap ng mahigpit si Sky nang magkita kami.

"Sky, ayos ka lang? Sinaktan ka ba nila? Anong ginawa nila sa'yo?" sunod-sunod kong tanong sa kapatid ko.

"Ayos lang po ako, Ate. Hindi nila kami sinaktan."

Para akong binunutan ng malaking tinik sa dibdib sa narinig mula sa kapatid ko. Nakahinga ako ng malalim at niyakap ulit siya ng mahigpit.

"Kayo? Ayos lang ba kayo mga bata?" tanong ko sa ibang mga batang nandito sa loob ng kuwarto.

"A-Ayos lang po kami pero si Snow po nilalagnat..." aniya ng isang batang lalaki.

Napabaling ako kay Chadrick na may karga-kargang bata. Tumayo ako at lumapit sa kanila. Agad hinawakan ko ang noo ng bata.

"Sobrang init niya." Pansin ko pang nanghihina siya habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Chadrick.

"Kailangan natin makalabas agad dito para madala siya sa ospital. Sobrang sensitibo ang mga bata pagdating sa lagnat," baling ko kay Chadrick.

"Don't worry. Makakalabas agad tayo rito. Sigurado akong papunta na rito ang mga pulis. Maliligtas natin ang mga bata."

Dahil sa sinabi niya ay nabawasan ng bahagya ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Awang-awa na ako sa mga batang nandito. Hindi alam ng mga suspect na nalagyan namin ng tracking device ang sasakyan nila kanina.

"Baby, don't cry..." si Chadrick habang pinapatahan ang bata.

Nagulat kaming lahat nang bumukas ang pintuan. Apat na lalaki ang pumasok habang may hawak itong mga baril. Mukhang badtrip at galit pa ang isang bagong kasama nila ngayon. Agad dumaloy ang nakakatakot niyang mga mata sa direksyon namin ni Chadrick. Lumapit siya puwesto namin.

"Nagkita rin tayo Ms. Rosales." Hinawakan pa nito nang mariin ang panga ko.

"Anong pinaplano niyong dalawa? Iligtas ang mga bata at ipahuli kami sa mga pulis?" Tumawa pa ng malademonyo ang lalaki.

"At tang ina akala mo hindi namin alam na nilagyan mo ng tracking device ang sasakyan kanina?!" Inis na ipinakita niya ang isang tracking device at hinulog niya ito sa sahig. Inapakan niya pa ito ng maraming beses hanggang sa madurog.

"Pakawalan niyo ang mga bata. Alam ko na ako ang pakay niyo!" sigaw ko sa mukha niyang expired.

"Iyan ang gusto ko sa'yo hija wala ng paligoy-ligoy. Pero hindi ako bobo para malinlang mo sa pinaplano niyong dalawa," galit ang pananalita ng lalaki at nagulat lamang ako nang walang pasubaling kinuha niya ang invisible earpiece sa kanang tainga ko at sabay hinablot din ang aking kuwintas na mayroong nakatagong maliit na camera roon. Ganoon din ang ginawa niya kay Chadrick.

His Opposite Intention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon