Kabanata 22
Teddy Bear
"Alright, actors be ready! We will start in five minutes!" sigaw ng direktor nila.
Nandito kami ngayon isa sa mga sikat na Farm. Ang sarap ng simoy ng hangin at ang gaan sa pakiramdam ang ganitong lugar. Halos kulay berde ang mga nakikita ko dahil sa mga puno't halaman. Nakakapukaw pa ng tingin dahil sa sobrang ganda talaga ng paligid. Hindi maipagkakaila na itong lugar ay isa rin sa mga best tourist spot. Dito pala ginaganap ngayon ang music video ni Chadrick. Sa pagkakaalam ko ay magkakaroon siya ng new single album.
Halos sigawan din ang naririnig ko sa paligid dahil nandito rin ang ilang mga fans niya inaabangan ang bawat eksena. Hindi pa sila nagsisimula dahil hindi pa bumabalik ang on-screen partner niyang si Honey dahil umalis ito saglit. Hindi ko alam kung anong scene nila ang kukunin ngayon dahil wala naman akong pakialam. Nandito ako para gawing tama ang trabaho ko hindi para abangan ang bawat eksena nila. Ang sweet pa nga nila kahit sa off screen. Napatigil lang ako sa pag-iisip nang biglang makarinig ako ng boses.
"Limang araw na tayong magkakilala Mario pero hindi mo pa rin binibigay sa akin ang number mo," saad ng personal assistant ni Chadrick na si Trina. Nandito ako sa may pinakadulo at nagmamasid sa mga nangyayari nang bigla nalang sumulpot ito sa tabi ko.
Number ko? Bakit ko naman ibibigay sa kaniya ang number ko?
"E, syempre parehas nating boss si Sir Chadrick. At kapag pinapahanap ka niya sa akin mapapabilis nalang dahil kokontakin nalang kita."
Sa huli ay naibigay ko ang number ko sa kaniya dahil na rin sa kakulitan niya. Napatingin lamang ako sa cellphone ko nang tumunog ito.
"Number ko iyan, Mario. I-save mo na," aniya at kumindat pa siya sa akin.
"Si Sir Chadrick?" tanong ko nang mapansing wala siya sa gitna ng main spot nila. Hindi rin siya puwedeng mawala sa paningin ko.
"Ayon, oh!" turo ni Trina. Hindi siya kalayuan mula sa amin.
Bago pa makapagsalita ulit si Trina ay umalis na ako sa tabi niya para sundan si Chadrick. Saan kaya papunta ang lalaking iyon? Mas binilisan ko pa ang paglalakad para masundan siya. Medyo malayo na kami sa mga tao.
"Bente- ay este, sir, saan ka pupunta?" tanong ko nang magkasabay na kami sa paglalakad.
"You don't need to follow me here. Go back," madiin niyang sinabi nang bumaling siya sa akin.
Bakit ang init ng ulo nito ngayon? E, ang saya pa nga nila kanina ng Honey na iyon. At nagtatanong lang naman ako kung saan siya pupunta dahil bodyguard niya ako. Dapat kasama niya ako palagi kung saan man siya magpunta.
Ngunit napagtanto ko kung saan ang patutunguhan niya nang tumigil siya bigla. Nasa harap kami ng comfort room ng mga kalalakihan. Dito lang pala ang punta niya. May mas malapit kaya na comfort room ng mga kalalakihan. Bakit naisipan niya pa rito? Siguro para hindi siya guluhin ng mga tao kaya mas mabuting dito nalang walang katao-tao at tahimik pa.
Imbes na sapawan ko ang pagkainit ng ulo niya ay ngumiti ako at nagsalita. "Hintayin nalang kita dito sa labas."
Napansin ko ang pag-iba ng itsura niya sa sinabi ko. Nagkasalubong din ang magkabilang kilay nito. Nakita ko pang napailing siya. May mali ba sa sinabi ko?
"Gusto mo samahan pa kita sa loob?" Turo ko pa sa pintuan ng banyo.
Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin dahil panay ang tingin nito sa likod ko. Humakbang pa siya sa likod ko at nabigla pa ako nang hinawakan nito ang kabilang braso ko. Itinulak niya pa ako papalapit sa kaniya at pinaharap kaya hindi maiwasan tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Naramdaman ko pa ang isang kamay niya sa likod ko. Parang nakayakap siya sa akin ngayon kaya nanatiling gulat ang mukha ko sa ginawa niya.
"Stay still."
"A-Anong ginagawa mo?" Hindi ako makatingala dahil nasa ulo ko ang kamay niya. Palibhasa mas matangkad siya kaysa sa akin.
"May sumusunod sa atin dito," bulong niya.
"A-Ano?!" Gusto ko kumawala mula sa pagkakahawak niya sa akin pero ang higpit. Hindi ako makawala. At ano itong ginagawa niya? Ako dapat ang pomoprotekta sa kaniya!
"Bitawan mo ako. Hindi natin malalaman kung sino ang sumusunod sa'yo rito kung mananatili tayong ganito," giit ko sa kaniya. Pero nanatili pa rin siyang hindi kumikibo.
"Nasaan siya?"
Hindi siya nagsalita. Inuubos niya talaga ang pasensiya ko kaya naman ay hinawakan ko ng malakas ang kamay niya sa ulo ko para matanggal iyon.
"Fvck! I said, don't move!"
Dahil sa pagtatalo namin ay hindi tuloy maiwasan matanggal ang wig ko at pati na rin ang pagkatali sa buhok ko kaya kita ngayon ang mahaba kong buhok. Napatigil siya nang makitang nakalugay ang buhok ko kaya nakawala ako sa kaniya.
"Natanggal tuloy ang wig ko ng dahil sa'yo, sir!" Napahawak ako sa ulo ko. Mabuti nalang walang katao-tao rito. Napatingin ako sa likod niya nang may isang lalaking papalapit sa puwesto namin. At may hawak pa itong patalim.
"Chadrick!" Mabilis ko siyang itinulak sa kabilang side para hindi siya matamaan.
Mabuti nalang alerto ako kaya nahawakan ko agad ang braso ng lalaki nang halos matamaan ang mukha ko dahil sa patalim niya. Sinikmuraan ko pa siya gamit ang isang tuhod ko kaya napasigaw ito at napaluhod sa semento.
"Sino ka?!" sigaw ko. Mas dumagdag ang pagkainit ng ulo ko nang ngumisi lang ito nang malademonyo. Wala yatang balak sagutin ako. Napansin ko pang may suot itong wireless earpod sa kabilang tainga niya. Ibig sabihin may kasamahan pa siya na gustong saktan si Chadrick! O baka may nag-utos sa kaniya? At sino naman?
"Sinong nag-utos sa'yo na saktan si Chadrick?! Sagutin mo ako!" Mas diniinan ko pa ang pagkahawak sa ulo at dalawang braso niya mula sa likod gamit magkabilang kamay ko habang nakaluhod siya sa semento.
Imbes na sagutin niya ako ay naramdaman ko ang pagtawa niya ng malademonyo. Dahil sa lakas ng puwersa niya ay nakawala siya bigla sa akin. Napatayo siya sa harapan ko ngayon habang may hawak na patalim. Ngunit bago niya pa ako matamaan ay tumayo ako at walang pasubaling sinipa ang kutsilyo sa kamay niya kaya tumilapon iyon sa malayo. Lumapit ako sa kaniya at tinamaan ko ng malakas na suntok ang expired niyang mukha. Pansin ko agad ang pamumula ng pisngi niya matapos ko gawin iyon at tatamaan ko sana ang mukha niya sa pangalawang pagkakataon ngunit nagulat ako nang mahuli niya ang kamay ko.
"Hindi mo ako matatalo Ms. Rosales," madiin na bulong nito habang hawak ang magkabilang braso ko mula sa likod.
Nagulat ako nang binanggitin nito ang apelyido ko. K-Kilala niya ba ako?
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nasaan ang teddy bear?"
Kumunot ang noo ko. "Teddy bear? Anong pinagsasabi mo?"
"Tang ina! Ang teddy bear na ibinigay sa'yo noon sa ospital ng nag-iisang anak ng mag-asawang Villafuerte!"
BINABASA MO ANG
His Opposite Intention (Completed)
RomantizmMatinding galit ang nadarama ni Mia Marie Rosales, isang fourth-year criminology student ng Hanclifford University. Nang isang araw ay may isang estranghero ang kumuha ng pera niya. Little did she know, ito pala ang prominent singer at songwriter, C...