Epilogo

282 3 0
                                    

Epilogo

"Huwag kang mag-alala, hijo. Ginagawa namin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilyang Villafuerte," sabi ni Mr. Rosales, ang pulis na humahawak sa kaso. Tinapik niya pa ang balikat ko. I know him for almost fifteen years.

"Kung kailangan niyo po ng tulong nandito lang ako," saad ko.

"Maraming salamat, hijo."

Labinlimang taon na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga suspect sa pagpatay sa mag-asawang Villafuerte. Ganoon din ang sinapit sa adopted daughter nilang si Ophelia.

Ophelia Villafuerte was my first love. Pero hindi ko inaasahan na maaga siyang mawawala. Hindi ko alam na hanggang doon nalang pala ang pagsasama namin. Sabay pa sana namin tutuparin ang mga pangarap namin. Nangako rin ako sa kaniya na hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang nakababatang kapatid niya.

"Miss, makinig ka." Tinanggal ko pa ang mouth mask sa bibig ko para makahinga ng maayos.

Huminto ako sa pagtakbo sa harapan ng isang babae. Hinawakan ko pa ang kaliwang braso niya at napansin ko ang pagkagulat sa mukha niya.

"May pera ka ba?"

Hindi siya nagsalita. Nanatiling nakatitig siya sa mukha ko kaya nagsalita ulit ako.

"Miss, may pera ka ba?"

Sa itrsura palang niya alam kong hindi niya ako kilala kaya alam ko na ang iniisip nito ngayon.

"Magna-"

Tinakpan ko agad ang bibig niya nang muntik na siyang sumigaw. Mukha ba akong magnanakaw sa paningin niya?

I know she's cute, but She's damn crazy.

"Miss, mali ang iniisip mo. Hindi ako masamang tao. Kailangan ko lang talaga ng pera ngayon."

"May Bente Pesos ka ba sa wallet mo? Kulang kasi ang nadala kong pera ngayon," pagmamadali ko. Tumingin pa ako sa wallet na hawak niya. Wala na akong oras kaya kailangan ko ng umaksyon.

"Miss, pasensiya na wala na akong oras." Hinablot ko ang walllet sa kamay niya at kinuha agad ang Bente Pesos doon.

"Don't worry, Miss. Babayaran naman kita. By the way, I'm CD." Kumindat pa ako sa kaniya.

Napansin ko ang iritasyon sa mukha niya. Kulang nalang ay bugbugin niya ako. Pero bago niya pa iyon magawa ay nakasakay na ako ng taxi. Nang paalis na ang sasakyan ay nilingon ko siya. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatingin sa kaniya hanggang sa hindi ko na siya mahagilap dahil papalayo na rin kami.

Ilang araw ay naging abala ako sa trabaho kaya hindi ulit ako nakapagjogging at sunod-sunod pa ang shows ko. Nais ko rin ulit makita ang babaeng kinuhaan ko ng Bente pesos para mabayaran siya. Alam kong kahit Bente pesos lang iyon ay dapat ibalik ko pa rin sa kaniya. Muntik na nga niya ako bugbugin kung hindi lang ako nakasakay ng taxi agad.

"Wow! What a great performance!"

Lumapit ang host sa akin nang matapos ang performance ko. Ngumiti ako at nakipagkamayan sa kaniya. Kinanta ko ang bagong sinulat kong kanta. Rinig ko pa ang tilian at sigawan ng mga tao sa loob. Kumaway ako sa kanila. Ilang sandali lamang ay nagsimula na rin ang pag-i-interview ng host sa akin hanggang sa dumating na rin ang exciting part na pinakahihintay ng lahat.

"Huling tanong, ikaw ba ay may girlfriend na? Kasi for sure maraming mga fans mo na nandito ngayon ang may gustong malaman tungkol sa lovelife mo."

"No, I don't have a girlfriend," tanging nasagot ko.

His Opposite Intention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon