Kabanata 17

229 36 66
                                    

Kabanata 17

Late

"Anak, saan ka nakakuha ng ganoong kalaking pera?"

Napabaling ako kay Mama nang magtanong siya. Nakabalik na rin ako sa ospital at tuluyan ng nabayaran ang gastusin para sa operasyon ni Papa ngayong araw kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Magkatabi kami ni Mama sa mahabang upuan dito sa labas ng emergency room dahil ipinagbabawal pa nilang pumasok kami sa loob. Marahang hinawakan ko ang dalawang kamay niya nang makitang hindi pa rin siya mapakali. Nag-aalala yata siya kung saan ko nakuha ang ganoong kalaking pera.

"Ma, hindi na po iyon mahalaga kung saan ako nakahanap ng pera. Ang mahalaga ay natuloy na rin ang operasyon ni Papa. Huwag po kayong mag-aalala hindi galing sa ilegal na pamamaraan 'yong pera," pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Hangga't maari ayokong sabihin ang totoo kay Mama kung saan galing ang pera dahil ayokong mag-alala siya sa papasukan kong trabaho. Babaeng magpapanggap bilang lalaki para maging bodyguard ng isang celebrity? Ano ang iisipin ni Mama? Baka hindi iyon pumayag kaya mas mabuting hindi niya alam.

"Anak, napagdesisyunan ko na mas mabuting tumira muna pansamantala kayo ng kapatid mo sa bahay ng Tita Karen niyo habang nandito pa kami ng Papa mo sa ospital dahil pagkatapos ng operasyon niya matatagalan pa ng ilang araw bago kami makalabas."

Mas mabuti na rin ito dahil habang nasa trabaho ako nasa mabuting kalagayan si Sky. Sa susunod na Linggo ay Graduation Ceremony namin pero sa ngayon ay mas mahalaga sa akin ang trabaho kaya may posibilidad na hindi ako makakaattend.

"Anak, alam kong simula pa kagabi hindi ka pa nakapagpahinga at hindi ka pa nga nakapagpalit ng damit kaya mas mabuting umuwi ka na sa bahay ako ng bahala rito. Naghihintay na sa bahay ang Tita Karen niyo."

"Ayos lang, Ma. Hintayin ko muna ang-"

"Sige na umuwi ka na. Tatawagin nalang kita mamaya pagkatapos ng operasyon ng Papa mo," pagpipilit ni Mama kaya sa huli ay wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Parang kanina pa nga gusto ni Mama umalis ko.

Nang nasa labas na ako ng ospital ay napatigil ako sa paglalakad nang may humintong isang sasakyan ng mga pulis. Lumabas ang dalawang lalaking naka uniporme at pumasok sa loob ng ospital. Susundan ko sana sila ng tingin pero hindi ko natuloy nang may humawak sa braso ko. Bahagyang nagulat pa ako nang makita kung sino.

"Bakit nandito ka pa?"

Hinintay niya ba ako? Bakit naman niya ako hihintatyin? Akala ko ba may mahalaga pa siyang pupuntahan kaya nagmamadali siya kanina?

"Give me your phone."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kahit hindi ko alam kung bakit hinihingi niya ang cellphone ko ay ibinigay ko pa rin ito sa kaniya. Napatingin ako sa mukha niyang nababalutan ng itim na facemask at shades habang siya ay busy sa pag-ta-type sa cellphone ko. Kahit hindi kita ang kabuuan ng itsura niya ay masasabi mo pa rin talaga na ang sobrang guwapo niya dahil sa awra at tindig palang ng katawan niya.

"Save my number. I will call you tomorrow."

Kung hindi lang niya tinutok ang cellphone sa mukha ko ay hindi ko siya mapapansin. Kanina pa pala ako nakatulala sa mukha niya. Napailing nalang tuloy ako sa sarili bago nagsalita.

"Ah, sige." Inagaw ko sa kamay niya ang cellphone ko. Napayuko pa ako habang nagtitipa ng pangalan niya ngunit napatigil ako nang mapansing nakatayo pa rin siya sa harapan ko.

Hindi pa rin ba siya aalis? May kailangan pa ba siya?

Hindi ko nalang siya pinansin kaya ibinalik ko ang tuon sa pagtitipa ng pangalan niya. Nang matapos ako ay ipinakita ko sa kaniya ang cellphone ko. "Okay na! Na-save ko na ang number mo."

His Opposite Intention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon