Kabanata 19
Death Threats
Kasalukuyang nakahiga ako ngayon sa isa sa mga kuwarto ng mga employee ng pamilyang Aldovar dito sa first floor ng mansyon nila. Pero paano ako bibisita kay Papa kung 24/7 ang trabaho ko? At dito rin ako titira sa mansyon nila habang nagtatrabaho ako. Napabangon lamang ako mula sa pagkakahiga nang tumunog ang cellphone ko.
"Bianca-"
"Mia! Okay ka lang?!"
Napapikit ako at inilayo pa saglit sa tainga ang cellphone. Mabibingi yata ako nito ng wala sa oras. Kung makasigaw ang babaeng ito parang hindi tinamaan ng lagnat.
"Ako dapat ang magtanong 'yan sa'yo. Kumusta? Ang sabi ni Gabriel ay nilagnat ka raw. Nilalagnat ka pa ba? Pasensiya na hindi ako nakabisita sa'yo. Marami lang nangyari."
"Ano ka ba, okay na ako. Magaling kaya ang nag-alaga sa akin."
Narinig ko pa ang tawa niya sa kabilang linya. Kahit hindi ko na tanungin kung sino ay alam ko ng si Gabriel iyon. Mabuti naman at okay na siya. Pero ang pinagtataka ko ay bakit si Gabriel ang nag-aalaga sa kaniya hindi ang boyfriend niyang si Jayson?
"Nasaan ka ba? Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay niyo pero parang walang tao sa loob."
Huminga muna ako ng malalim bago kinuwento sa kaniya ang nangyari.
"Kaya nandito ako ngayon nagtatrabaho para kay Papa." Hindi ko na sinabi sa kaniya kung anong klaseng trabaho ang napasukan ko dahil ayokong mag-alala siya.
"Bianca, puwede bang magfavor?"
"Of course, Mia. What is it?"
"Puwede mo bang mabisita si Papa sa ospital paminsan-minsan? Hindi ko kasi iyon magagawa dahil sa trabaho ko ngayon," medyo nahihiya ko pang sinabi. Hindi kasi ako sanay humihingi ng favor sa mga kaibigan.
"Sure, no problem! Kami ng bahala ni Gabriel. Tatawagan nalang kita kapag bumisita na kami."
Nakahinga ako ng maluwag. "Maraming salamat, Bianca."
Nang matapos ang tawagan namin ni Bianca ay napatayo ako nang may kumatok sa labas ng pintuan. Mabuti nalang hindi pa ako nagbihis kaya humakbang ako at lumapit dito para mabuksan. Ang isang kasambahay nila ang bumungad sa akin.
"Pinapatawag ka ni Sir Chadrick. Nasa library room siya ngayon," wika nito. Ngumiti ito at pansin kong inilagay pa sa gilid ng tainga niya ang ilang hiblang buhok na tumatakas sa mukha niya.
Inilahad pa nito ang isang kamay sa harapan ko. "Ako nga pala si Trina. Ang personal assisstant ni Sir Chadrick." Ngumiti ulit ito.
Tumango ako at ngumiti rin sa kaniya. Akala ko kasambahay nila ito personal assistant pala niya. Handa na sana ako umalis para pumunta sa boss niya nang magsalita ulit siya.
"Ikaw? Anong pangalan mo?"
"Mario," tipid kong sagot.
"Mario? Ang guwapo naman ng pangalan mo. Katulad ng pangalang crush ko na si Mario Maurer," humagikhik pa siya.
"Kilala mo ba siya?"
"Hindi." Ang daldal naman ng personal assisstant niya. Baka magalit pa ang boss niya kapag natagalan ako. Nagkakasalubong pa naman ang magkabilang kilay non kapag nauubusan ng pasensiya.
"Hindi mo kilala? Isa siyang Thai-"
Hindi ko na narinig ang huling sinabi niya dahil umalis na ako. Napatapik lang ako sa noo nang makalayo ako. Hindi ko pala naitanong sa personal assistant niya kung saan ang library room na tinutukoy niya. Unang araw ko palang dito kaya hindi ko pa alam ang pasikot-sikot. Malawak pa naman ang bahay nila. Baka maligaw lang ako. Napaigtad lang ako sa gulat nang may nagsalita sa likod ko.
BINABASA MO ANG
His Opposite Intention (Completed)
RomantizmMatinding galit ang nadarama ni Mia Marie Rosales, isang fourth-year criminology student ng Hanclifford University. Nang isang araw ay may isang estranghero ang kumuha ng pera niya. Little did she know, ito pala ang prominent singer at songwriter, C...