Kabanata 15
Emergency
"Alright! Know your limit, okay? This is just a mere dare. Don't take this seriously. Just talk, dance, and enjoy each other's company. The challenge starts now and will end at midnight!"
Narinig ko pa ang mga palakpakan ng mga tao sa loob. Nailipat lang ang tingin ko sa table namin nang mapansing nagtutulakan sila habang nagsisigawan sa sobrang pagtitilian nila.
"Gosh, Mia! You're so lucky!" si Olivia. Tinulak pa nga ang katabi niya. At nakita ko pa kung paano niya kami kunan ng litrato gamit ang DSLR niya.
"Bestfriend ko 'yan!" rinig kong sigaw ni Bianca at ang lalakas pa ng mga palakpak niya.
"Can I have this dance?"
Napabaling lamang ako sa nagsalita. Nakalahad ngayon ang isang kamay niya sa harapan ko. Hindi ko namalayan na kaming dalawa nalang pala ang nakatayo sa gitna. Nasaan ang host? Halos tumayo na rin ang iba kasama ang official partner nila.
"Pasensiya na namura kita kanina. Hindi ko lang talaga ini-expect na ikaw pala si Chadrick Aldovar. Bakit hindi mo kasi sinabi sa akin noon pa. Napagkamalhan tuloy kita ng magnanakaw." Ang lakas ng loob ko kanina pero hiyang-hiya talaga ako.
Sumasabay na rin kami sa pagsasayaw. Nakahawak ang isang kamay ko sa balikat niya at ang isang kamay niya ay nasa baywang ko habang magkahawak kamay kami sa kabilang side. A Thousand Years ang pinapatugtog ngayon.
"Did you ask me?"
Tinanong ko ba siya? Hindi. Sige, mali ko na.
"Sorry," iyan lang ang lumabas sa bibig ko. Hiyang-hiya sa mga maling iniisip ko sa kaniya.
Kumunot ang noo niya. "Para saan?" naging mahinahon ang boses niya.
"Sa lahat. Pinagkamalhan kitang magnanakaw, baon na baon sa utang, walag magawa sa buhay at isa pa-" napatigil ako nang tumawa siya.
"It's alright, Mia."
"At thank you nga pala."
Kumunot ulit ang noo niya. "You apologized to me, and now you say thank you?"
"Dinala mo ako sa ospital nang nawalan ako ng malay sa isang show mo noon."
"Naalala ko na. Nawalan ka ng malay dahil sa kaguwapuhan ko. Tama ako 'di ba?" ngumisi pa siya.
Napataas ako ng kilay. Tingnan mo ito, seryoso akong nakikipag-usap sa kaniya pero ang yabang din ng Bente Pesos na ito. Dahil sa inis ay tinampal ko ang balikat niya.
"Ouch!"
Grabe naman ito kung maka-ouch. Hindi naman iyon masakit.
"Ganyan mo ba itrato ang boyfriend mo?" napapaos niyang tanong.
Napapikit ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
"Hmm?"
Nang idinilat ko ang aking mga mata ay ganoon pa rin ang posisyon niya. Kunting lapit pa niya ay mahahalikan niya ulit talaga ako.
"Bakit ganiyan ka makatitig sa akin? Ilayo mo nga ang mukha mo sa akin! Maraming nakatingin sa atin, oh!" bulong na sigaw ko sa kaniya.
"It's your problem, MM."
"At naging problema ko pa talaga?" Nakataas pa ang isang kilay ko.
"You're beautiful...I can't take my eyes of you."
Literal na napatulala ako dahil sa sinabi niya. Natahimik ako bigla. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin sa kaniya kaya nanatiling nakatitig lamang ako sa mga mata niya. Ilang sandali lamang ay bahagya niyang inilayo ang mukha niya sa akin. Pinaikot niya ako kasabay ng musika. Nang napaharap ulit ako sa kaniya ay nabigla ako nang inilagay nito ang dalawang kamay niya sa baywang ko.
BINABASA MO ANG
His Opposite Intention (Completed)
RomanceMatinding galit ang nadarama ni Mia Marie Rosales, isang fourth-year criminology student ng Hanclifford University. Nang isang araw ay may isang estranghero ang kumuha ng pera niya. Little did she know, ito pala ang prominent singer at songwriter, C...