Prologue
Sabi nila, nasa huli ang pagsisisi. Noong una, hindi ako naniniwala doon dahil para sa akin, bakit ka mag sisisi kung gusto mo namang gawin ang bagay na iyon.
But now, nagsisisi na ako sa mga nagawa ko noon. Yes, I regretted all the things I've done. Gustong-gusto kong bumalik sa nakaraan para pagsisihan ang mga nagawa ko.
Seeing him happy with someone else makes my heart crushed into pieces. Funny, right? Ako iyong nanakit sa kanya pero ako Ito ngayong nasasaktan. Ako iyong nang-iwan but it feels like...ako iyong naiwan. Ako iyong unang bumitaw and yet, ako din iyong unang nasaktan.
Bakit nga ba ganun? Bakit nasa huli ang pag sisisi? May kailangan pa ba akong gawin upang maitama ko lahat ng mga nagawa ko sa kanya?
Pero paano? Saan ako magsisimula? Wala pa akong ginagawa pero talo na ako.
Kailangan ko ba s'yang palayain? O mag babakasali na kaya pang maayos ang lahat ng sa amin?
Napatingin ako sa langit nang may maramdaman akong patak ng ulan. Malungkot akong napangiti habang nakatingin sa taas.
Kahit ang ulan, laging sumasabay sa nararamdaman ko.
Ganun nalang ang pag buntong-hininga ko at napayuko nalang sa aking mga palad. Gusto kong umiyak, gustong-gusto kong sumigaw at ilabas lahat ng mga nararamdaman ko pero pakiramdam ko, sobrang pagod na ako.
Pinunasan ko ang aking mga luha at huminga nang malalim.
I hope, after the rain drops, maging okay na ako. Maging okay na itong nararamdaman ko...
________________________________________________________________________
:))

BINABASA MO ANG
After the rain drops
FanficWhat if the famous and good-looking Jennie Kim meets the ordinary and poor guy Lisa Manoban? A/N: Lisa is boy here so if you're not comfortable with that, then don't read it!