57 Kaizen's POV

811 19 0
                                    

"So, friends?" I ask tumango ito saka tinanggap ang aking kamay. Isinawalang bahala ko na ang kakaibang sensasyon na aking naramdaman nang mahawakan ko ang kamay niya. Ayoko na kasing masira pa itong nabuo na naming pagkakaunawaan at pagkakaibigan. Tama na ang unang pagkakamali at siguro naman panahon na para itama ko ang dapat kong itama.

Nanghinayang naman ako nang agad na binitiwan nito ang aking kamay saka bumalik sa maayos na pagkakahiga.

"Magkaibiyan na tayo Kaizen o sige na matulog ka na. At maaga pa nating haharapin ang mga mamamayan ng timog bukas." Ngumiti ako sa sinabi nito saka bumalik na rin ako sa pagkahiga ko at saka ko ito tinalikuran.

Naramdaman kong parang may gustong pumasok sa utak ko kaya binaba ko ang mga harang na nakapalibot sa aking isip and I openi the mind link. Ang pag-mind link ay isang kakayahan ng mga lobo na kung saan kaya naming makipag-usap sa kapwa naming lobo sa pamamagitan lamang ng isip.

Nakuha ko ang kakayahan na ito sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga mamamayan na ako ang kanilang magiging pinuno.

Oras kasi na natanggap na nila ako bilang pinuno, magagawa na nila akong kausapin gamit ang isip. Ngunit tanging ako lang ang pwede nilang kausapin sa ganitong paraan at hindi nila pwedeng gamitin ang ganitong kakayahan sa iba nilang mga kasamahan.

Dahil ang mind link ay sa pagitan lamang ng pinuno at ang mga nasasakupan nitong mamamayan.

'Kaizsn may bagong lead tungkol sa iyong mate. Nakausap ko ang lalakinv naghatid kanina ng balita tungkol sa mga nangyari sa kasamahan nito at nasabi nito sa akin na meron nga itong napapansin na babaeng umaaligid noon sa kanilang lugar. At nang inilarawan niya sa akin ang itsura ay tumugma iyon sa iyong mate.' Nanlaki ang aking mga mata at agad na nakaramdam ako ng saya. Sh*t totoo ba iyon? Kung talagang umaaligid rito ang aking mate edi isa lang ang pinapahiwatig no'n na malapit ko an siyang mahanap! Malapit ko na siyang makita.

Tila gusto ko na lamang tumakbo palabas ng kwarto para kausapin ang lalaki. At nang malaman ko na kung saan ko mahahanap ang aking reyna ngunit agad akong pinigilan ni Alarkan dahil sa sunod nitong sinambit.

'Pero Kaizen sabi niya hindi niya alam kung saan matatagpuan ang babae sapagkat nawala lamang ito bigla kaya kausapin mo na lang siya bukas para malaman mo ang lahat dahil kahit man ako ay naguguluhan sa mga nangyayari. Kailangan talaga natin malaman kung ano ang dahilan at paraan na ginagamit ng mate mo para mabilis na nabubura ang bakas na iniiwan nito. Pakiramdam ko kasi hindi lang basta basta pwedeng maliitin ang mate mo, Kaizen. Tanda mo ba noong malapit na natin siya mahuli? Bigla na lamang ay nawala ito at kahit kaonting amoy nito o bakas nito ay wala tayong nahanap. Napakaimposibleng mangyari no'n. Depende na lang kung may alam siya kung paano burahin ang kaniyang bakas? Hindi mo ba pansin ang mga nangyayari? Hindi natin siya mahanap hanggang ngayon, Kaizen. And it's impossible.' Napahilot ako sa aking noo dahil tama si Alarkan baka nga may mga bagay na nagagawa ito na hindi ko alam kung ano. Siguro nga hindi ko pwedeng maliitin ang aking mate at mukhang lahat ata ay gagawin nito upang hindi ko lang siya mahanap at maikulong sa tabi ko.

'Oo nagtataka rin ako sa nangyayari Alarkan pero sa tingin ko nasa malapit lang ang mate ko at ino-obserbahan niya lang ang mga galaw natin. Kaya talasan lang ang pandinig mo at pakiramdam dahil alam kong malapit na kaming magkita.' wala akong nakuhang sagot mula dito kaya nagpatuloy ako.

'Siguro nga panahon na muling hanapin ko ito ngunit haharapin ko muna ang mga mamamayan ng timog bukas para makakuha ng kaonting impormasyon. Isa pa hindi rin ako basta bastang magdedesisyon lalo na't titimbangin ko pa ang sitwasyon bukas dahil alam mo namang may problema pa ang timog na kailangan ring masulosyunan.' Napabuntong hininga ito at ako naman ay napapikit ng aking mga mata dahil hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ngayon.

A Prostitute For a MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon