60 Kaizen's POV

804 22 0
                                    

"Mahal na hari magandang umaga mabuti at bumaba na rin po kayo masisimulan na natin ang ating agahan." Ngumiti ako saka umupo sa pinakadulo ng lamesa. Nasa kanan ko ang pinuno ng timog at sa kaliwa ko naman si Alarkan. Sa tabi naman ni Alarkan umupo si Luisa at kita ko rin na lahat ng aking tauhan ay andito at ako na lang ang hinihintay.

Nasa tabi naman ng timog ang iilan na mamamayan at mukhang hindi na nito pinapunta ang lahat ng mga tao.

Pansin ko rin na narito na naman ang lalaking kinausap ni Alarkan na siyang nakakita sa aking mate.

Gusto ko man sanang kausapin agad ito ay hindi ko na lang muna ginawa at mas pinili kong mamaya ko na lamang gawin iyon.

"Salamat sa paghanda ng agahan Howard ang aking masasabi lang ay mukhang pinaghandaan niyo talaga ang aming pagbisita dahil halos mapuno na ang mahabang lamesa sa mga pagkain na alam kong masasarap." sambit ni Alarkan na kinatawa ng lahat bukod sa akin. Tiningnan ko ang lalaki na sinasabing nakakita sa aking hinahanap. Nauubusan na ako ng pasensiya Iwant to question him right now pero ayaw kong magpadalos dalos.

Dadahan dahanin ko lang ang lahat.

Sapagkat noong huling naging padalos dalos ako at hindi maganda ang naging resulta. At ayaw kong mangyari ulit yon.

"Naku walang anuman 'yon beta kami ang dapat magpasalamat dahil ang dami niyong natulong sa'min isa pa pasasalamat na namin ito sa hari dahil nagawa niya kaming bisitahin at pinaunlakan niya ang aming hiling. Dagdag pa roon, salamat din sa inyong mga kawal na tumulong mangaso kanina. Malaking bagay na iyon sa amin." usal ng pinuno na kinatango ng lahat habang ako naman ay sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ako mapakali.

"Sige na umpisahan na ninyong kumain." Nagsimula na nga ang lahat kunain samantalang naiwan naman akong nakasulyap sa isang pwestong katabi ng aking beta kung saan nakikita ko si Luisa na nilalaro lamang ang kaning pagkain at parang walang ganang kumain o makisali sa mga usapan.

"Alam niyo hindi pa rin ako makapaniwala na sa wakas ay ikaw na ang aming hari. Sapagkat ang bilis ng pangyayari. Noon ay napakabata mo pa lamang. Tanda ko pa nga na sa oras na pumupunta ka rito ay wala kang ibang ginawa kundi ang pinag-uutos sa iyo ng iyong ama. Akala nga namin hindi na kami makakalaya mula sa kamay ng malupit na hari. Ngunit nang malaman naming napatay mo ang iyong ama at ikaw na ang kumuha sa trono. Ay nagbunyi ang aking kalooban sa kaalaman na magiging malaya na rin kami sa wakas." Usal ng pinuno na siyang aking kinangiti. Ngunit natigilan ako nang marinig kong nagsalita si Alarkan.

"Ah Luisa, anong masasabi mo? Mukhang kanina ka pa wala sa sarili?--" hindi natapos ni Alarkan ang pagtatanong dahil agad na inangat ni Luisa ang kaniyang mukha at tiningnan ang mga taong nasa paligid nito at nakita ko sa mga mata nito ang 'di mawaring emosyon bago ito nakipagtitigan sa'kin.

"Humanga din ako sa katapangan niyo mahal na hari. Nagawa niyong maging pinuno at napatigil niyo ang karahasan na tinanim ng inyong ama." She slowly said gazing at my eyes ngunit pagkatapos nito iyon sabihin ay bumalik na naman ang mga mata nito sa pagkain. Nagtaka ako sa kinilos nito bakit ang layo pa rin ng loob nito sa'kin? Akala ko ba tinanggap na nito ang aking paghingi ng tawad? At hindi ba tinanggap na rin niya ang pagiging magkaibigan namin kaya bakit mukhang may galit at kalamigan pa rin akong nahihimigan mula sa kaniya?

Baka nga okay na rin ang ganito ang hindi namin pagiging malapit upang makaiwas sa mas malalang sitwasyon.

"Grabe ka naman! 'Yung pagkain ang tinatanong ko sa'yo kung ano masasabi mo riyan kasi kanina mo pa nilalaro. Pero sa sinabi mo ay hindi masyadong halata na pinupuri mo ang hari ah." Natatawang saad ni Alarkan na kahit ako ay hindi mapigilan mapatawa na rin nang mahina samantalang napayuko naman si Luisa dahil sa kahihiyan.

A Prostitute For a MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon