63 Kaizen's POV

812 15 0
                                    

I gaped, sh*t! Hindi ko man lang iyon naisip. Isa siyang kalahating lobo kaya hindi nga imposibleng magkaroon ito ng kakayahang ng isang lobo pero ang kaibahan lang hindi ito pwedeng magpalit ng anyo.

Hindi ko man lang napagtanto na nagkamali na pala ako sa panghuhusga. And I am wrong to judge her! Tama ito ang kitid kitid ng utak ko. I never consider the important things at agad ko na lamang ito sinabihan ng mga masasamang salita.

Damn it! Agad akong nagpapaniwala sa ano mang mga maling akala ko nang hindi ko pa napapatunayan.

Tinitigan ko ang taong nasa harap ko. I am ashamed of myself. Sa pangatlong pagkakataon gumawa na naman ako ng kahihiyan.

"L—Luisa—"

"Niligtas ko ang buhay mo kaya sana magpasalamat ka na lang kaysa ang husgahan mo ako agad sa mga bagay na hindi mo pa napapatunayan. Kung talagang masamang tao nga ako sana nga noon pa kita pinatay. Sana nga gunawa na ako ng aksyon para saktan ka but I didn't do that. Dahil gaya ng sabi ko hindi ako pumunta sa palasyo para gawin ang mga iniisip mo. Pumunta ako sa palasyo para magtrabaho." Lumayo ito sa'kin at tumalikod sinundan ko lamang ito ng tingin saka napahilamos ng aking mukha dahil sa inis. Ewan ko ba ang sarap sapakin ng sarili ko. Ano ba ang ginawa kong katangahan?

I glare at the knife on the floor na tinapon ni Luisa kanina bago ito umalis at iniwan ako rito.

Sino naman ang gagawa ng aksyon para ipapatay ako? At ano naman ang rason para gawin niya ang ganitong bagay sa akin? Tiyaka ano bang dahilan kung bakit maraming babae ang dinudukot na para bang gusto nila akong saktan kanina upang balaan lamang ako na nagsisimula na ang laban. Pero siguro bunos na lang kung napatay nila ako kanina. Ngunit mabuti na lang naging maagap sa pagligtas sa akin si Luisa.

Sa pagsulpot ng pangalan na 'yon sa aking isip ay napabuntong hininga ako.

Nakakagago lang na iniisip ko ang mga problemang hinaharap ko habang may babae akong nasaktan.



Kaya bago ko muling isipin kung sino nga ang may gawa ng gulo sa kaharian ko ay kailangan ko muna itama ang pagkakamali ko.

Kailangan ko muna humingi ng tawad.

Puno ng determinasyon na napatayo akong muli at agad na ginamit ko ang bilis ko upang mahabol ang dalaga.

Alam kong hindi pa ito nakakalayo at tama nga ako dahil nakita ko na lamang ito na nakatayo lamang pala sa hindi kalayuan na lugar.

Kung saan matamang pinagmamasdan lamang nito ang galaw ng mga dahon sa paligid na para bang ninanamnam nito ang pagdampi ng hangin.

Ngunit pansin ko rin na tila malalim ang iniisip nito. Siguro nga masyado ko itong nasaktan kanina.

Sino ba namang hindi masasakta kung walang pakundangan ko itong pinagbintangan imbes na pasalamatan.

Lumapit ako rito and I keep my eyes on her. Kalmadong tumayo ako sa tabi nito samantalang alam kong ramdam nito ang presensya ko kung kaya't nagpapasalamat na lamang ako dahil hindi na ito lumayo sa akin bagkus hinintay na lamang nito na magsalita ako.

Pero hindi ko makuha ang aking lakas para pagsabihan ito kaya sa huli'y hinarap niya ako at saka diretsong tiningnan ang aking mga mata.

Hindi na rin ako umurong sa titigan na namagitan sa amin.

I matched her icy gaze with my own. Inwardly, I know that she curse my presence. She want to crack me into pieces. Sino ba namang hindi. Ngunit sana nga'y makita nito sa mga mata ko ang pagsisisi.

A Prostitute For a MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon