29 Kaizen's POV

1.2K 22 0
                                    

Nakaupo ako sa may hardin at pinagmamasdan ko ang kagubatan hinahayaan ko na malunod ang aking isip sa pag-iisip ng mga nangyari. Hindi ko pa rin kasi maalis sa isip ko ang mga nagawa ko kagabi sa dalaga. Hindi ko akalain na nagawa ko itong halikan kung kaya't kaninang maaga pa'y agad na pinuntahan ko ito sa kwarto nito.

Humingi ako ng tawad sa lahat ng ginawa ko pero ewan ko ba. Hindi pa rin maalis sa isip ko hanggang ngayon kung gaaano ka lambot ang labi nito. Kung gaano ka sarap ang lasa ng bibig nito. At kung ano ang epekto ng pagdikit ng aming mga dila.

Hindi ko rin maunawaan kung bakit sa lahat ng mga babaeng nahalikan ko ay tanging ang tagapaglingkod ko lamang na si Luisa ang tumatak sa isip ko at hindi ako pinapatahimik hanggang ngayon.

Para bang hindi nito tinitigilan ang ginagawang panggugulo at patuloy ko lamang nararanasan ang pagkalunod sa malalim na pag-iisip.

Bumuntong hininga ako at mas tinuon ko na lamang ang aking pansin sa kagubatan na nasa harap ko. Para bang tinatawag ako no'n. kaya I let myself free. I felt the familiar sensation went through my body. The snapping of bones, and the sprouting of hair, my body form a beast that I've learned to accept.

Naglakad ako sa lupa kung saan ramdam ko na na apat na ang aking mga paa. Nang titigan ko ang mga iyon ay nakita ko ang itim na balahibo ng aking lobo.

Hindi nga maikakailang isa akong halimaw sa mata ng iba pero sa paraan lamang na ito ako nagiging malaya. Isa na akong lobo na nagpapasakop sa ganda ng kalikasan.

Isa pa kung sa iba ay isang parusa ang maging ganito pwes sa akin ay hindi. I enjoy freedom when I am in wolf form. Mas nagagawa ko ang mga bagay na walang mga matang nakabantay sa akin.

Dagdag pa roon ay gusto ko rin 'yung pakiramdam na dumadampi ang hangin sa aking balat pati na rin ang maramdaman ang damo sa aking mga paa.

I can smell everything and I can even feel the power of nature na patuloy akong inaakit.

This is a gift pero ang hindi ko lang matanggap ay 'yung katotohanan na dahil sa aking kakayahan ay nagawa kong manakit ng mga taong hindi ko nararapat saktan o paslangin.

Hanggang ngayon ginagambala pa rin ako ng katotohanan na minsan sa buhay ko ay hinayaan kong maging halimaw ako sa harap ng mga taong naging malapit sa akin o sa mga taong nagawa kong saktan.

Noon, ni halos hindi ko makilala ang sarili ko. Sunod-sunuran ako sa lahat ng sinasabi ng aking ama.

Para akong manika na hinayaan itong kontrolin ako pero hindi ko man lang nagawang maisip kung ano ang mga ginawa nitong kasamaan hindi lamang sa akin o sa mga taong nasa paligid nito. Kundi pati na rin sa akin ina.

Naging unfair ito pero natakot ako. Natakot akong lumaban lalo na't mas kailangan ng aking ina ang maprotektahan siya mula sa mga ginagawa ng aking ama.

I landed on four paws. It digs on the dirt and I ran freely. Running my way to the forest which calls me. Everything became blur and all I just did is ran never looking at my back.

Ayaw ko munang tumingin sa likuran dahil hindi ko mapigilan ang mag-isip. Hindi ko mapigilan ang hindi alalahanin ang mapait na ala-ala sa aking isip.

Flashback

“Kaizen!” The monster called out as I close the front door and begin my search. Hinahanap ko kasi ang pinanggagalingan ng boses ng aking ama na kanina pa ako tinatawag kung kaya't sinusubukan kong bilisan ang aking galaw dahil ayaw ko nang muling maparusahan.

But in the back of my mind I know exactly where to find that man, in the basement where the man keep his interrogation chair and tools.

Mas mahilig kasi itong maglagi roon sa loob kwartong iyon dahil sa loob no'n mas nagagawa nito ang mga nais nitong gawin na kahit ako mismo ay hindi ko masikmura.

A Prostitute For a MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon