Khaizen POV
Matiim ko lang ito pinagmamasdan habang sinasabunutan nito ang sarili at paminsan-minsan ay natutulala ito at bigla bigla na lamang napapakuyom ng kamao.
Ganon ba siya ka frustrated? O kagalit sa amin.
Naaaliw akong pagmasdan ito hanggang sa hindi inaasahan ay napasuntok ito sa may puno at bigla na lamang ito nagsalita na agad kong narinig dahil sa matalas kong pandinig.
"I hate you Zen..." Napasinghap ako sa aking narinig at tila bigla na lamang may mga imaheng pumasok sa aking isip.
K...
"Thank you, Zen"
Umalingaw-ngaw sa isip ko ang malambing na boses na iyon.
No...
Biglang sumakit ang ulo ko sa hindi mawaring dahilan at agad-agad akong napatingala dahil halos binibiyak nun ang ulo ko.
Biglang may mga imaheng pumasok sa isip ko.
Mga imahe ng babaeng nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Mga imahe na tila ba nagpasikip ng aking dibdib.
"How dare! You're my seed! Tapos nagtago ka ng isang healer! Are you trying to defy me?" Umiling ako at napaluha nang muli ko na naman naramdaman ang paglalatigo nito sa aking likod.
"Tell me where you hide that woman?!" Napakapit ako sa kadenang nakatali sa akin samantalang hinang-hina na ako at halos mapaluhod na.
"I-I love her father ..." Mahinang bulong ko at napaigik ako nang maramdaman ko na naman ang malakas na hagupit ng latigo sa likod ko.
"Damn you! You can't love a healer!" Sunod-sunod nitong hinagupit ang aking likod gamit ang latigo pero ngumiti lamang ako dahil wala na akong pakealam. Ang mahalaga sa akin ay ligtas ang babaeng mahal ko.
Napapikit ako habang inaalala ang malambot nitong labi. Pati na ang mga ngiti nito na siyang nagpapawi ng lahat ng sakit na nararanasan ko.
She can erase all the doubts at kapag kasama ko ito ay pakiramdam ko I did the right thing. Para bang nabubura ang kakilanlan ko bilang isang sunod-sunuran na halimaw na binuo ng aking ama.
My mother is right, loving someone can make you crazy. But I'd rather accept it. Mas gusto ko pang mabaliw sa piling ng taong mahal ko kaysa ang sikmurain ang pagpatay ng mga taong inosente.
"Stop this! Don't hurt my son!" Nagimbal ako sa narinig kong boses at agad kong inangat ang aking mukha kahit na ramdam ko pa rin ang aking panghihina.
Nanlabo ang aking paningin dahil sa luha nang makita ko ang ina ko na nasa bungad ng pinto at may hawak itong espada.
She is trembling but she's trying to stand firm to protect me.
Ngayon ko lang uli nakita ang ina ko na nagkakaganito. Halos hindi ko na ito makausap simula nang malaman nitong sinusunod ko ang aking ama. But right now she's different. Para bang handa nitong gawin ang lahat maprotektahan lang ako.
Tanda ko pa na lagi nitong sinasabi na huwag akong gagaya sa aking ama. But I felt her disappointment nang malaman nito na dahan-dahan ay nagiging katulad ko na ang aking ama.
BINABASA MO ANG
A Prostitute For a Mate
Werewolf"I will never accept you as my luna! A fucking slut! Will never be respected. " He said at hindi ko alam pero imbes na makaramdam ay namanhid na lang ako . If he don't want me then be it. Wala na akong pakealam mas madami pa akong dapat ayusin at as...