39 Kaizen's POV

951 12 0
                                    

I lay in my bed, surrounded by the cold darkness of my room, and tried not to think about the moment where Kaizen arrives in front of me. Kissing me with fervent passion.

Ayaw ko sanang paulit ulit na maalala ang galaw at tagpo ng aming mga labi na hindi ko makalimutan. Para bang mababaliw ako sa kakaisip kung bakit kailangan kong pagdusahan ang epekto ng lalaking iyon sa aking katawan.

I should hate his kisses or his touch pero bakit kakaiba ata ang hatid ng mga hawak nito sa akin.

Hindi nga ako dapat tumugon sa mga halik nito pero kanina ni hindi ko napigilan ang sarili ko at hinayaan ko itong magpakalunod sa sensasyon na binibigay ng binata sa akin.

Nagpapasalamat nga ako dahil nagawa ko pa rin itong balaan pero hindi ko alam kung bakit parang labas sa ilong ang pagpapaalis at pagtulak ko rito palayo sa akin.

Tila ba bumibigay na rin ang aking mga pader na nakapalibot sa aking pagkatao.

But damn him!

Hindi ko alam kung totoo ang mga sinasabi nito pero hindi ko lang talaga matanggap na pipiliin niya ang tulad ko na si Luisa at itatapon nito ang tunay na ako dahil isa lamang akong dumi sa paningin niya.

He can't accept the fact that his mate was once a prostitute! Kaya madali na lang para sa kaniya na itapon ang katotohanan na iyon at guluhin si Luisa na isang gawa gawa ko lang na katauhan.

Pero ano bang nakita niya kay Luisa at nagkakaganito siya? Hindi kaya nararamdaman pa rin niya ang koneksyon namin?

Pero sa pagkakaalam ko e' oras na nakainom ako ng gamot ay wala itong maamoy at hindi nito mararamdaman ang presensya ng aking lobo. Kaya paano niya mararamdaman ang tunay kong katauhan na siyang itinakda para sa kaniya?

Napasabunot ako sa aking sariling buhok at napakagat ako sa aking ibabang labi.

Hindi na maganda ang nangyayari. Kailangan kong kumilos ng mabilis. Hindi ako pwedeng abutan ng blue moon rito sa palasyo dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang kontrol ng aking lobo sa aking katawan oras na dumating ang araw na iyon.

Kaya lang paano ako makakaalis rito?

Kung hindi pa tapos ang aking mission?

Nakakainis isipin na I am eager to finish my mission pero hanggang ngayon wala pa akong makuhang impormasyon kung saan nila itinatago ang kanilang mga preso.

Kahit ang kahinaan ng hari ay wala pa akong mahanap na kahit anong impormasyon maliban na lang sa katotohanan na ngayon ay ako ang ginugulo nito.

I tried not to long for him.

I lectured myself on the reasons why I was doing this, pero lagi na lang natatabunan at naguguluhan ang isip ko dahil kapag nasa malapit si Kaizen ay para bang nawawala ako sa tamang katinuan.

Gusto kong isipin na epekto ito ng koneksyon na meron kami pero sa totoo lang natatakot ako sa tinatakbo ng sitwasyon sa pagitan namin. Mukhang hindi ko ata magugustuhan ang mga mangyayari oras na patuloy akong magiging mahina sa harap nito.

Hindi pwedeng mabunyag ang katauhan ko rito at makulong sa tabi nito. Kinakailangan na gumawa na ako ng hakbang.

Pero paano nga ba ako ngayon makakapag-isip ng hakbang na gagawin ko kung wala akong ibang malasahan sa bibig ko kundi ang lasa ng bibig ni Kaizen. Lasang wine ang bibig nito na siguro ay nakainom ito bago pumunta sa aking kwarto.

Hindi ko akalain na kaya nitong humarap sa akin at gawin ang mga bagay na gusto nito nang hindi man lang nakakaramdam ng pandidiri.

Napalunok ako dahil alam kong may gusto itong makuha sa akin. Ang mga mata nito ay nagsasabi na hangad niyang maangkin ang aking katawan. O ariin ang lahat ng meron ako.

A Prostitute For a MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon