35 Kaizen's POV

972 16 0
                                    

"Uyy may problema ba? Kanina ka pa tinitingnan ng mga panauhin bakit hindi ka nagsasalita. Isa pa ano ba iyang tinitingnan mo?" Nagising ang aking diwa sa sinabi ng aking kanang kamay at nung akma nitong sisilipin ang tinitingnan ko ay agad na akong nagsalita. 


Para kasi akong baliw! Ano ba tong pinaggagawa ko?

"Alam kong nasabi na sainyo kung bakit niyo kailangang pumunta sa mahalagang okasyon na gaganapin sa susunod na araw rito sa palasyo. Ang okasyon ay hindi lamang paraan para mahanap ang aking reyna kundi para magkaroon ng kasiyahan at upang mapalapit ang baway isa. at kung palarin man ako na mahanap ang magiging reyna niyo sa oras ng okasyon. Edi mas maganda dahil gusto kong makibahagi kayo rito to welcome your future queen. At gaya ng pinangako ko sa inyo ako na ang hari niyo ay ibibigay ang lahat ng kinakailangan niyo pati na ang proteksiyon na kailangan niyo. So as what I have said ibibigay ko lahat ng kailangan niyo and all your needs ay nasa kaniya kaniya niyo nang kwarto. And the beta will lead you towards there. Make the palace your home at huwag kayong mahiyang sabihin ang mga bagay na kailangan niyo. Nauunawaan ba?" mahabang pahayag ko na kinasanhi ng pagtango nilang lahat ngunit kita pa rin na may kani kaniyang reaksiyon pa rin ang mga ito. Meron ay naguguluhan ngunit halos lahat ay nagagalak sa nangyayari. Sapagkat sa wakas may pagkakataon ng makita ang reyna nila. 

Ang isang reyna kasi ng palasyo ay hindi lamang tatayo bilang asawa ko kundi ito ang magsisilbing ina ng lahat ng mamamayan na nasasakupan ng aking pamamahala.

"Pero mahal na hari paano ninyo siya mahuhuli? At paano niyo po siya makikilala?" curious na tanong ng isang babae na sa tingin ko ay napakabata pa ngunit halata pa rin na matalino ito at gustong malaman ang lahat ng bagay na pwede nitong malaman. 

"Makikilala at mahuhuli ko siya huwag kang mag-alala. Alam ko sa sarili ko na oras na makita ko siya ay mararamdaman ko kung siya nga ba talaga ang aking mate." Tumango ang dalaga sa aking sinabi at saka ngumiti ng pagkatamis tamis.

Kita sa mga mata nito na nagagalak ito at parang pati ito ay nais na rin mahanap ang mate nito. Her eyes doesn't lie. Halos lahat ng babae ay iyon ang pangarap pag sumapit na sila sa tamang edad ngunit ang mate ko ay mukhang kabaliktaran ata at ngayon ako itong nahihirapan.

"Beta pakihatid na lang sila at siguraduhin mo na lahat sila ay nasa maayos na kwarto at mabibigyan ng lahat ng pangangailangan nila." Ngumiwi ito saka sinamaan ako ng tingin na kinaismid ko lang. Napabuntong hininga ito saka nagmarchang naglakad habang nakasunod ang mga babae sa likod nito.  

Ewan ko ba kung bakit ayaw na ayaw nitong makisalamuha kaya hanggang ngayon hindi rin nito nahahanap ang mate nito.

"Ano ba Brize para kang tanga 'di kita ihuhulog. dalian mo na kasi riyan. Ang bagal mo maglinis may gagawin pa tayong iba eh." Napatiim bagang ako sa narinig kong malakas na tawa mula sa kaniya. I felt greedy about it. Gusto ko ako lang ang makarinig no'n gusto ko sa akin lang siya tatawa o dapat ako ang mahing rason ng kaniyang pagtawa at hindi ang ibang lalaki.  

Asar na asar ako at hindi ko napansin na naglalakad na pala ako papalapit sa kanila.At nang nasa malapait na ako ay napahinto sila at napatingin sa akin na puno ng pagtataka. 

Kita ko naman ang kakaibang emosyon sa mga mata ni Luisa. 

Nakakainis lang na nakakaya niya akong huwag kausapin at pansinin samantalang ang ibang lalaki ay game na game ito kung makipag-usap at nakikipagbiruan pa.

"Magandang umaga mahal na hari ano po ang maipaglilingkod namin?" sabi ng lalaking tagapaglingkod at bumaba muna ito at tinigil ang ginagawang paglilinis pagkatapos ay yumuko sa sila ni Luisa sa harap ko.

A Prostitute For a MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon